Prologue

2.2K 94 19
                                    


All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without the prior written permission of the copyright owner, except for the use of brief quotations in a book review.


**********


The clutter of dishes and the murmur of conversations filled the small restaurant kung saan nagtatrabaho si Vivian bilang isang waitress.

She balanced the plates on the tray as she made her way through the crowded restaurant. Her feet ached with every step and her arms felt heavy under the weight of the dishes.


Tuwing kakaunti ang tao ay sinusulit niya ang pagkakataon para pumunta sa likod at buksan ang kanyang libro at mga notes para makapag review.



***


"Vivian, pakilinis mo na lang yung mga lamesa then pwede ka nang umuwi." Wika sa kanya ng amo niya. Walang imik namang naglinis ang dalaga bago nagpaalam sa amo niya.

"Vivian! Sabay na tayo umuwi. Ma'am Susan una na po kami!" habol sa kanya nang katrabaho niyang si Lottie bago sila mag umpisang maglakad. Walking distance and same direction lang ang bahay nila Lottie at ang inuupahan ni Vivian kaya madalas ay sinasabayan siya ng dalaga sa paglalakad.


"Nako teh! Alam mo ba yung sikat na sikat ngayon na novel story? Yung gagawan pa ngayon ng adaptation dahil sa sobrang ganda!" Tila kinikilig na tanong ni Lottie kay Vivian. Umiling naman si Vivian bilang sagot sa katanungan nito.


"Nako teh you're missing out so much! Sobrang ganda promise basahin mo yung story di ka magsisisi. Anyways, yung title niya is 'True Love's Fury' and about siya sa story ni Rachel na anak ng isang kasambahay ng pamilyang Cortes which is super yaman na family sa story na ito..." Pagsisimulang magkwento nito kahit hindi naman tinanong ni Vivian ang detalye ng sinasabi nitong storya.

Vivian secretly sighs. Hindi niya alam kung saan napupulot ni Lottie ang energy nito at kaya pa nitong magsalita ng tuloy-tuloy samantalang siya ay wala nang ibang hangad kung hindi ang makahiga na sa kanyang maliit at malambot na kama.


"Anyway, the reason why it's so popular is not because of the plot. Like duh! sobrang cliché na kaya nung plot. The real reason is because of the male leads! Yezz teh! Male leads with an s dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi tatlong naggwagwapuhang male leads ang meron si Rachel! oh diba bongga! Kabog teh kaya pala wala tayong jowa kasi tatlo tatlo binibigay ni Lord sa iba!"  Pagtutuloy pa rin nito sa pagsasalita habang tahimik lamang na naglalakad si Vivian.

"G na g lang talaga ako kay Celestine doon which is the kontrabida, like sis it's not Rachel's fault if she's effing gorgeous and a lot of people are obsessed with her, okay?!! Kung ako si Celestine? Magfofocus na lang ako gastusin yung yaman ng family ko kaysa maghabol sa mga lalaking di naman ako pinapansin!" naririnig ngunit walang pumapasok sa isip ni Vivian sa mga sinasabi ni Lottie ngunit hinayaan niya na lang na magkwento ng magkwento ang kasama niyang dalaga.

Tuloy-tuloy lang ang pagkukwento ni Lottie habang tango or iling lamang ang sinasagot sa kanya ni Vivian hanggang sa marating na nila ang bahay ni Lottie. She enthusiastically said goodbye to Vivian and entered their house. Nagpatuloy lamang sa paglalakad si Vivian hanggang sa marating din niya ang inuupahan niya matapos ng ilang minuto. Pagkauwi nang bahay ay tila doon lamang niya naramdaman ang pagod at bigat ng katawan niya.

BRING IT ONWhere stories live. Discover now