ECHIZEN ACADEMY

3.1K 87 0
                                    

Chapter 18

Caroline, caroline" sabi nung boses (male voice), di ko siya makita dahil sa sobrang liwanag.

Ano bang kailangan niyo saakin!! Pakawalan niyo ako!" sigaw ko dahil nakatali ang dalawa kong paa at kamay

Isa pang ingay mo diyan papatayin na kita" sabi niya na hanggang ngayon hindi ko pa rin makita.

May kailangan kasi ako sayo caroline" sabi niya sa nakakatakot na tinig

Ano naman yun ha!?" matapang kong sigaw

Hindi ano, SINO." sabi niya na pinagtaka ko naman kaya nanahimik ako

Si Jin!" sigaw niya at saka tumawa ng malakas

Hinding- hindi ko ibibigay sayo si jin kahit kapalit ang buhay ko! Bakit niyo ba kami pinapakielaman at bakit si jin!!" galit kong sigaw

Oh there's something you don't know sweetie" sabi niya at saka lumapit sa akin

Teka siya yung lalake nung nandoon sa malapit sa lumang building ah. Eh ano naman kinalaman ni jin dito, diba kami lang na Echizen yung mayroong atraso dito?!

Kaso magsasalita pa sana ako, ng may bigla siyang tinurok saakin at bigla akong nawalan ng malay.

-

Jin's POV

Bakit ang tagal naman ni Caroline?" tanong ko sa isip ko

Baka may ginawa nanaman yung Jace na yun, eh lunch time na. Ahy oo nga pala baka may pinag-usapan sila ng lolo niya. Pero bakit ang tagal? Mag-iisang oras na.

Kaya napagpasyahan kong dumaan sa headmaster's office.

Nang makarating ako ay kumatok agad ako at pinapasok.

Sir Echizen?"magalang na tanong ko

O iho napadalaw ka?" sabi niya na nakangiti

Si Caroline po nandito pa po ba siya? Kasi hindi pa siya nakakarating sa classroom mula kanina eh lunch break na namin." sabi ko kasi baka nasa cr lang siya eh

Ahy naku iho kanina pang umalis si caroline, mga 30 minutes na ang nakalipas." sabi niya na ipinagtaka ko naman

Ahy sige ho salamat, hanapin ko na lang siya baka nasa cafeteria" sabi ko at umalis na

Nilibot ko ang cafeteria ngunit wala siya doon. Kaya hinanap ko si Jace.

Sakto namang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko si jace.

" Hoy Jace! Nasaan si hope!?" sigaw ko at saka hinawakan ang kwelyo niya.

" H-hindi ko alam " sabi niya kaya binitawan ko na siya

Tumakbo ako papunta sa lumang building pero wala siya doon, kaya wala na akong nagawa kundi pasukin ang gubat kahit bawal.

Nung makarating ako sa bandang dulo ay may nakita akong dome.

Ngayon ko lang nakita to ah. Parte pa kaya ito ng Echizen?

Pinasok ko ang dome dahil wala namang body guards na nakabantay.

Ngunit may napasok ako na isang room. Hindi ako makapaniwala na nandoon si caroline na walang malay habang nakatali ang kanyang kamay at paa.

Kaya tinakbuhan ko agad siya, dahil mukhang wala namang nakabantay.

Caroline? Honey gising itatakas na kita." bulong ko
At mukhang nagising naman.

Sinong may gawa sayo neto?!"tanong ko ulit pero hindi siya makapagsalita at nakita kong nangingilid ang luha niya.

Binuhat ko na siya at aalis na sana kami ngunit may humarang sa amin na isang lalake.

Siya yung sumaksak saakin noon!" sabi ko sa isip ko

Oh not so fast Mr. Monteverde" sabi niya na nakangisi

Anong problema mo ha?!" sigaw ko sa kanya

Gumagawa lang ako ng revenge. Bakit masama ba iyon?!"sabi niya na nanakot.

At ano namang kinalaman namin diyan ni caroline?!" tanong ko ulit

Kayong mga Monteverde at Echizen! Pinatay niyo ang pamilya ko!! At pansin kong hindi mo ako makilala." sabi niya habang tumatawa

Sino ka pa ba? Ikaw lang naman ang sumaksak sa akin diba" sabi ko

No jin. Im Mark Dizon" sabi niya

Saglit siya yung dating boyfriend ni Jeraldine.

So now you remember me" sabi niyang nakangisi

Naging parte rin ako ng buhay ng Echizen at Monteverde. Pero nung nalaman nila na may plano kaming magtanan ni Jeraldine ay pinatay nila ang pamilya ko bilang threat sa akin. Buti na lang at nakaligtas ang kapatid ko. Kaya gusto ko ring patayin kayo isa- isa."mahabang sabi niya at lumapit siya na mukhang sasaksakin ako ng kutsilyo niya

Buti naman at mayroon akong baon na baril palagi, para self- defense.

Kaya naman nung malapit na niya akong saksakin ay napaputok ko na agad ang aking baril at natamaan siya, kaya nakakuha agad ako ng tiempo na tumakas kasama si Caroline na buhat- buhat ko.



A/N: ang intense no haha. Thank you for reading my book. Please basahin niyo pa rin ito hanggang sa dulo. Mwah.






ECHIZEN ACADEMY (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon