Chapter 3

1.5K 32 0
                                    

Matt's POV

"Guys! Guess what?"
Excited kong tanong. Medyo kinikilig pa nga. Hihi

"Shoot."
Bored na sabi ni Miles tapos si steve naman nakatingin lang din. Ano kayang problema ng mga 'to?

"Okay... remember the girl na kinukwento ko sainyo?" Pabitin muna ako syempre hehe

Tumango tango naman sila. Kanina pa sila ha! Ano kayang meron? Maya ko nalang itatanong dahil siguradong mabubuhayan na sila sa sasabihin ko.

"Yung pinaka maganda sakanila ay nakatira malapit sa bahay namin. Yung binebenta noon sa tawid namin? O sila ang nakabil———

"Wa-wait, hold on. So ang sinasabi mo ba ay may chixx na nakatira malapit sainyo at yung kinukwento mo pa saamin nung nakaraang araw ay ang bagong lipat sainyo?"
See? Dipa nga ako tapos sumabat na kaagad 'tong si steve. Basta talaga chixx mabilis pa sa kidlat ang tenga

"Uhm... Oo, kakasabi ko nga lang diba? Teka nga! Di pa ako tapos mag kwento ee!"
Kainis sabat ng sabat!

"Tapos yun na nga, etong si mama naman bilang mabait daw na kapit bahay, nagpa bigay sakin ng pagkain dun sa bagong lipat. And guess what ulit?"
Ngiting ngiti ko pang kwento. Pataas taas pa yung mga kilay ko. Eto na kasi yung part na gustong gusto ko. Hihi

"Wag mong sabihin..."
Si Miles yan. At kung hindi niyo naitatanong, isang tingin lang gets na kaagad namin ang ibig naming sabihin kaya naman ganyan siya kung makapag react

"Uhuh!"
Ngiting ngiti lalo ako kasi yung mga mukha nila bakas na bakas ang iinggit! Ha! Dapat lang

"Hell no! Grabe ka dude! So anong nangyari? Magkwento kapa dalii!" Ani ni steve na hindi rin makapaniwala na nakausap ko si ate gurl

"Oo nga! Ang kulit niyo." Bored na sagot ko pero yung mga mukha nila sobrang nakakatuwa talaga. Pffttt.

"So pano nga? Anong pinag usapan niyo? Oy ayain mo naman kami minsan sa bahay niyo para naman masilayan din namin yung diyosang kinukwento mo. Sinosolo mo kase lagi."

"Oo nga naman Matt! Dali na magkwento kana. Hihi"

"Oo na! Oo na! Yun nga, binigay ko yung pagkain na dala ko tapos nagpasalamat siya tapos nagpa kilala kami sa isa't-isa tapos umuwi na ako."
Kwento ko. Diko na sinabi yung iba kasi nakakahiya lang ako don baka pagtawanan pa ako ng mga mokong na'to. Bahala sila basta yun lang sasabihin ko

"Yun lang?! Kow ganyanan ha. Lihiman tayo."
Nagtatampu-tampuhang sabi ni Miles

"Ayaw mag kwento siguro may ganap na iba. Sus! Ang damot!"
Segunda pa ni Steve mga siraulo talaga

"Oy magsi tigil nga kayo! Wala naman talagang ganap na iba. Basta alam ko na yung pangalan niya."
Napa ngiti ulit ako nung maalala ko yung kanina sa bahay nila Syd

"Yung ngiting yan wala?! Utot mo! Wag kami Matt. Wag kami."

"Oo nga!"
Busit ayaw talagang maniwala e!

"Bahala kayo basta yun lang talaga. Sumabay nalang kayo sakin mamaya pagka uwi. Para makita niyo rin."
At yung dalawa, mabilis na nagpalit ng mood. Biglang sumaya. Kanina halos isumpa na nila ako. Mga siraulo talaga


********


"Uyy Matt tara na! Excited na ako makita yung chixx na sinasabi mo!"
Halata nga e. Basta naman babae excited sila. Tsk tsk

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now