CHAPTER 4 "FUNNY HUH?"

199K 3.8K 394
                                    

Unedited.

CHAPTER 4

“FUNNY HUH?”

 

ALEXA’S POV

“Anong ginagawa nyo?”

Bakit kahit wala kang ginagawang masama basta ganyan ang tanong sa’yo at tingin sa’yo ng isang matanda parang pakiramdam mo ikaw na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.

Kinuha ko agad ang kamay ni goon. “Jack en poy, hale hale hoy sinong matalo syang unggoy. Okay talo ka. Ikaw ang maghuhugas ng plates at magluluto. Wooooooooooo.” Ngumiti lang naman si goon at parang alam na nya ang ibig sabihin ng ginawa ko. Sa wakas makakaligtas din ako sa mga pinapagawa ng matanda nyang lola nya.

Umupo ako sa upuan at ang laki ng ngiti ko habang nakatingin kay goon. Nagwink naman sya sa’kin at kinuha nya ang knife at itinuloy ang ginagawa ko. “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo lalaki?” nagulat kaming dalawa ng biglang gawin ni lola ang knife sa kanya. “Ang gawaing bahay hindi ginagawang laro at basta na lang ipapasa.”

“Pero mang, okay lang naman po sa’kin. Gusto ko kayong ipagluto para naman ganahan kayong kumain.” Sabi ni goon at nakatitig lang sa kanya si lola nya na parang pina-process pa ang mga sinabi nya.

Nakahinga ako ng maluwag ng ibalik ni lola ang knife kay goon. Napangiti ulit ako. “Sige, ikaw na ang magluto.” Hinawakan nya sa braso si goon. “At ikaw babae, mag-sibak ka.”

“PO?” napatayo ako sa sinabi ni lola. “Uhmm, magpapabili na lang po ako ng gasul.”

“Hija, hindi ako gumagamit nun. May mga tuyong kahoy dun sa labas. Yun ang sibakin mo ng mabanat naman yang buto mo.” Kung isang bangungot lang ang lahat ng ‘to sana po matapos na lahat.

Tiningnan ko si goon sa mata na humihingi ng tulong. “Ah, mang.” Lumapit si goon sa lola nya at inakbayan nya. “Ako na po pala ang magsisibak. Dito na lang po kayo at magluto.”

“Oh eh pero sabi mo ipagluluto mo ko?” tinitigan nya ng diretso si goon na parang naglalambing.

Hinawakan sya ni goon sa dalawang balikat. “Mang, meron pa namang mamaya at bukas.” Nung sinabi ni goon na bukas parang hindi ko na agad maisip na tatagal pa ko ng kahit konti dito.

“Sya sige. Alam mo na naman ang gagawin.” Sabi ng lola nya at bumalik sya sa kusina. Tumingin si goon sa’kin at nagwink tsaka lumabas.

Oh my gosh, iiwanan nya ako mag-isa kasama ng lola nya? Ano pang parusa ang mararananasan ko? Sobrang galit sa’kin ang matandang ‘to at alam kong papahirapan nya ako hanggang gusto nya. Gusto ko nang maiyak. Wala na kong choice kundi ituloy ang ginagawa ko habang kinakabahan.

“Alam mo bang napakabait nyang si Zak.” Ako ba ang kausap ni lola? Tumingin ako sa paligid. “Dalawa lang tayo dito babae.” Oh, ako nga ang kausap nya. “Dalhin mo nga dito ang mga gulay.” Lumapit naman ako sa kanya. Hindi pa rin ako nagsasalita. “Kahit na maalwan ang buhay nya dun sa siyudad hindi ako nyang kinalimutan. Kahit na ganito lang buhay ko di nya ako pinabayaan.” Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya naman nakinig na lang ako. “Yung lolo nya kasi ang may pera at ako wala kaya ayun nagpakasal din sya sa kapwa mayaman pero dito naman kami tumirang dalawa pero sandal lang din naman. Pati ang buhay ni Kesher pinakialaman.Nung bata pa yan lagi nyang sinasabing kapag nakita na nya ang babaeng papakasalan nya dito sya magpapakasal.”

Perfect Haters Book 2: Almost Perfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon