Art POV
Sir negative wala po dito ang asawa nyo
Halughogin nyo lahat ang bodega sir!kaylangang mahanap siya sa lalong madaling panahon!
Okey sir
Dito ako ngayon sa lumang bodega
Sinundan ko si jes kanina pag alis ng bahay
Simula ng nalaman nya ang totoo ay iniiwasan na nya ako,hindi man lang nya ako kinakausap
Kanina maaga palang ay narinig ko sya na nagpaalam kay mom na aalis daw at may importanteng pupuntahan,lihim ko siyang sinundan,lumapit ang isang babae si isabel,at kitang kita ko kong pano siya kaladkarin ni isabel
Gusto ko sana silang awatin kaso nagdadalawang isip ako mapanganib si isabel,alam ko yon dahil matagal kaming nagsama,palagi itong may dalang baril sa kanyang sasakyan
Lihim ko silang sinundan at pumasok sila sa isang lumang bodega,medyo may kalakihan itopagdating nila dito ay pinagtulongan nilang kaladkarin si jes papuntang loob,doon na ako tumawag ng rescue ng mga pulis
Ngayon nga ay kasalukuyan na hinahanap namin si jes,napamahal ng husto si jes sa akin,kaya lahat ay gagawin ko maging buhay ko kaya kong ibigay para sa kanya
Sir negative walang tao!
Imposibleng walang tao!kitang kita ko na dito sila pumasok kanina
Nakailang hakbang na ako ng may narinig ako na umiiyak na babae,napakahina ng boses nito kaya hindi ko agad matukoy kong saan nanggagaling ang tinig
Nakiramdam ako,lumakad ako,hanggang makita ko ang lumang drum,nilapitan ko ito at laging gulat ko na nandoon si jes sa drum na punong puno ng tubig,mahina na ito,agad kong tinawag ang mga pulis at mabilis nilang naihaon si jes
Isinakay agad si jes sa ambulansya at mabilis na naisugod sa hospital,marami ang tama ng bala sa kanyang katawan maswerte nga daw sabi ng mga pulis na naabotan pa namin syang buhay
Agad kong tinawagan si mom
"Hello art may balita na ba kay jes?"
Yes mom,pumunta kayo kaagad dito sa san isidro hospital!
"Oh god anong nangyari sa anak ko?
Nabaril po siya mom at sinubukan na ilunod sa malaking drum na punong puno ng tubig
." diyos kong mahabagin tulongan mo ang anak ko"sige pupunta na ako jan art"
Taimtim akong nanalangin na iligtas nya si jes,alam ko hindi ako perpektong tao,marami akong kasalanan din na nagawa, pero gusto kong hilingin ang kaligtasan ni jes,alam ko na pakikinggan ako ng diyos
Humahangos na dumating si mom
"Art kumusta na ang anak ko nasan na ba siya?ligtas na ba siya?
" nasa operating room parin siya mom,halos dalawang oras na ang nakalipas,marami daw bala sa kanyang katawan ang kaylangan na kunin"
Iyak ng iyak si mom,ganon din ako"
Naireport ko na sa mga pulis ang lahat
Mom maiiwan ko muna kayo sasama ako sa mga pulis upang hulihin si isabel
"Mag iingat ka anak"
Salamat mom
Pagdating namin sa bahay na tinutuloyan ni isabel napag alaman namin na kaalis lang nila,ngayon daw ang flight nila papuntang canada sabi ng katiwala na naiwan sa kanilang bahay
Sir sila maam jes po at sir raf ba hinahanap nyo?naku kaaalis lang po nila ngayon po ang flight nila papuntang canada!
Ano?
Agad kong inabisohan ang mga pulis sa kanilang gagawin
Matulin na pinatakbo ng mga pulis ang sasakyan at nadatnan namin sila isabel na pasakay na ng air plane, dahil sa report agad itong hinarang
Ma'am im sorry hindi kayo pwedeng umalis may warrant of arrest po kami para sa inyo
Warrant of arrest?wika ng lalake na kasama nya
Yes sir,sangkot si isabel sa tangkang pagpatay kay jessica
Tila nagugulohan ito na nakatingin sa mga pulis at kay isabel
![](https://img.wattpad.com/cover/127983856-288-k253012.jpg)
BINABASA MO ANG
MY SEDUCTIVE BABY MAKER
General FictionWARNING:MATURE CONTENT.PLEASE READ ON YOUR OWN RISK R-18 Jessica,Isang babaeng nangangailangan ng malaking halaga gagawin ang lahat kahit anong trabaho maisalba lang buhay ng kanyang ama sa matinding karamdaman Rafael isang lalake na mayaman,easy go...