Luha

1 0 0
                                    

Eto na naman ako nag iisip kung paano ba ako makakalimot. Makalimot sa lahat ng sakit na pinaramdam mo sakin. Nakahiga ako ngayon nakatingin sa isang blangkong kisame pilit kong iniisip kung bakit ko kailangan maramdaman lahat ng ito. Araw araw na lang pag kagaling ko ng school pupunta ko sa kwarto hihiga at iiyak dahil hindi ko na mapigilan na pumatak yung mga luha kong patuloy lang sa pag agos. Parang hindi nga yata napapagod yung mga mata ko sa pag iyak at hindi rin yata nauubos yung mga luha ko. Nagkakaganito ako dahil sa isang tanong na hindi ko alam kung bakit mo nagawa sakin at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. Bukas pag gising ko maaalala na naman kita, maaalala kona naman lahat ng sakit. Pakiramdam ko wala ng nag mamahal sakin, walang may pake sakin, walang kayang umintindi sa nararamdaman ko, at walang kayang sumoporta sakin sa lahat ng bagay. Mag isa na lang ako kahit ang dami namang taong nakapaligid sakin piling ko pa rin wala akong kakampi sa mundo.

Feeling'sTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang