II

40 13 0
                                    


Point of view Sabrina

Nakakainis ang lalakeng iyon ah? Akala mo kung sino ako na nga itong naging down to earth,siya pa itong sinupladohan Grabe 'yun ha?

Kanina pa din ako naglalakad, sumasakit na rin itong makinis niyang binti bakit tila palayo ako ng palayo. Nag-inarte pa kasi siya nung inalok ako kanina ni ricos na ihatid na lang sa bahay nila Kiah, di sana hindi siya naliligaw ngayon. Itinuon niya ang nararamdaman inis sa kalat na nakaharang sa daan. Sinipa niya ito ng ubod lakas,tumalbog sa malayo ang latang sinipa niya.

Sa tindi ng pagod umupo siya sa side walk na malapit sa harap ng Car wash install. Hinagilap niya ang cellphone sa dalang backpack. Pagbukas niya ng switch on,nadismaya siya.

Arg... Pati cellphone niya dead bat. Hinawi niya ang nalalaglag na buhok na tumakip sa mukha ko.

Malas !? Ikaw rin ang malas ko sa'yo kausap nya sa hawak na cellphone. Ang dali mong ma-lowbat peke ka din nu? Inalog-alog nya ang cellphone para dito ilabas ang inis.

Tumayo na siya habang nakatungong maglakad. Tuon ang atensyon niya sa cellphone nasa palad. Tumawid siya kahit naka-go pa ang traffic light,di niya pansin ang Pajerong humaharurot palapit.

Nakarinig sya ng sigaw ng isang ale sa di kalayuan sa kanya at sumisenyas ito . Ako ba ang sinisenyasan nito? Kumaway ako gaya ng nakasanayan namin magpipinsan sa mga taong na kakakilala sa amin. Naramdaman niyang mayroon humawak sa siko ko at puwersahan hinatak siya. Saka lamang nag-sink-in sa utak niya kung anu sana ang mangyayari.

Gosh!! Aanga-anga lang sabrina.

Nasaktan ka ba ining?. Dinig kong tanong nung ale sa babaeng nakaupo sa semento at humatak sa kanya. Nakita kong umiling at ngumite ito sa ale. Kitang-kita naman niya ang pagpikit nito nung hawakan ng lalakeng muntik nang makasagasa sa kanya.  Pagharap ng babaeng 'yun sa akin nanlaki ang mata ko. Kiah? I whispered her name. Lalapitan ko na sana ito kung hindi ko lang nakita ang pagpipigil nitong sigawan ang kaharap na lalake. Pinanuod niya muna ang pakikipag-usap nito at halatang bawat sabihin ng lalake ay ngisi at erap ang nakukuha nitong sagot galing sa pinsan niya.

Kiah and unknown guy: the conversation.

Nasaktan ka ba? He asked.

Nginisian niya ito.

Dadalhin kita sa hospital para i-checked kung may nabali sa puwet mo.

Inirapan niya ito.

Naglabas ng phone ang lalake at ibinigay sa kanya. Tiningnan niya lang ang nasa palad na cellphone pinilit nitong ilagay.

I-save mo ang phone number mo sa phone ko para kung sakaling makaramdam ka ng pananakit ng puwet o di kaya nabalian ka matatawagan kita. Sabi pa ni unknown guy.

Siraulo ka ba? Anong akala mo sa akin eng_eng bakit ko ibibigay ang number ko sa'yo para ano? Gawin mong textmate ? Kapal !! Bakit ikaw ang tatawag sa akin ikaw ba ang nasaktan hindi ba't ako? Kung concern ka talaga hindi maangas iyang pananalita mo gusto mo pa yatang natuluyan ako ano? Hindi ako ang muntik mo ng masagasaan kundi ang pinsan ko sa kanya mo ibigay ang number mo. Tarantado.

Hindi naman iyong pinsan mo ang nasaktan kundi ikaw pangangatwiran pa nito.

Ewan, tumalikod na siya kaso hinawakan nito ang siko niya.

Ano ba? Inis niyang sabi.

I'm Jacemon knight Miller and I 16 years old. Pagpapakilala nito sa sarili.

Me & My ObsessionWhere stories live. Discover now