Chapter 3

2.3K 73 54
                                    





•••***•••

" yang ang pinaka-nakakatawang nangyari sayo! Wahahahahahha!!" At kanina pa nga ako pinagtatatawan ni Basil. Ikinuwento ko dito ang nangyaring first meeting namin ni Mr Guardian.

" ang awkward! Di ko naman akalain na mabablanko ako sa harapan nya!!!" Gigil kong sabi sakay takip ng mukha ko. Patuloy pa din ito sa pagtawa habang pinapapak namin ang chicharon na tinda ng kapitbahay namin. Komportable kaming nakaupo sa kahoy na upuang habang umiinom ng softdrinks at kumakain ng chicharon! Alas otso na nang gabi at andito pa din kami sa harapan ng tindahan ni Aling Mameng.

" kita mo na, Yan ang napapala mo sa kakabasa ng mga romance novels or sa kakapanood ng mga romantic movies! Feeling mo di kathang isip ang mga yon! Kaya ngayon, kala mo totoong may 'slow-mo' , totoong may 'wind effect' at hugis pusong mga mata!"

" pero Mars, bakit ganun??" Nakatalumbabang tanong ko. Kumilos naman ito at nagde-kwatro ng upo.

" anong bakit ganun?"

" bakit hangang ngayon wala pa din akong boyfriend???"

" baka di pa dumating.. "

" bente singko na ako, at ni minsan di pa ako nagkakajowa?! Ano bang mali sa akin?? Mars , magsabi ka nga ng totoo.. " tumayo ako sa harapan nya. Naguguluhang napaupo ito ng tuwid.. "maganda ba ako?"

" oo naman. Di naman kita ibebestfriend kung chakabelya ka!"

" iiihh!! Seryoso kasi!! " nagpapadyak kong reklamo.

" sissy, halika nga dito.. " umupo ako sa tabi nito saka ko naramdaman ang akbay nito sa akin. "Una sa lahat , maganda ka. Di ka naman mananalong prom queen nung highschool tayo, at di ka magiging muse ng basketball team nung college tayo kungdi ka maganda! At tsaka, may mga nanligaw din sayo kahit noon pa man, hindi mo lang tipo kasi di sila yung lalakeng nakatatak na sa isip mo!"

" so ang sinasabi mo ay.. "

" hayaan mong maramdaman mo yung spark, bigyan mo ng chance yung nanliligaw sayo na isama ka sa date. Ikaw kasi, unang beses mo pa lang nakikilala , sinasabi mo na agad na 'di sya pang leading man material' , kasi yang nakatatak sa isip mo ay ang perpektong lalakeng nilikha ng may akda ng libro o kung sinong writer pa yan sa movies!"

Napagtanto kong tama talaga si Basil.. Totoong ganun ako mag isip.. Totoong ang gusto kong lalake ay uung kagaya ng mga pangunahing tauhan sa librong binabasa ko.. Nalimutan ko tuloy, na ito ang realidad ko..

" and Sarah , ang ganda ng skin mo, ang ganda ng hugis ng katawan mo, matalino ka!!! Wag mong iburo yang sarili mo sa mga librong nababasa mo.. wala ka lang boobs, pero biniyayaan ka naman ng balakang at pwet!"

" ang sama mo!! May boobs ako!! Dalawa!! Ang sabhin mo lang ingit ka kasi kahit lumalaklak ka ng pills, di ka pa din nagkaka boobs!!"

" tse! Hayufff!! Binaboy mo pagkatao ko!! " nagdadrama na ito habang nakaupo! Ganito naman kami parati. Masaya lang. At kahit walang kwenta ang mga pinag uusapan namin, ok lang. Ang importante, masaya kaming dalawa...

" kasi naman nilait mo boobs ko!"

"Ay syanga pala, ipagpapaalam kita kina lolo at lola na sumama sa amin nina nanay sa sabado, pista ng barangay nila dun sa kabilang bayan, Sunday na tayo babalik dito, isang gabi tayong matutulog dun! Baka mahanap mo na si Mr Right mo dun. "

" ayan ka naman ih. Irereto mo ako sa mga kakilala mo , tapos ang ending, jinojowa ko ang mga lalakeng yun!!" Irap ko dito.

" hahahhaha!! Eh Mars naman, malandi ang mga yun! But this time, irereto kita sa malayong kamag-anak namin na balita ko ay isa nang duktor!!! Oh diba bonga yun?!"

This Gotta Be LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin