NAVI - 28

3.1K 81 0
                                    

N

Pagkatapos ng pagparusa ay sabay kaming naligo. Nang tumingin ako sa labas ay maggagabi na.

"Magbihis ka. May pupuntahan tayo."

"Anong isusuot ko?" tanong ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

"Polo at pantalon.." sagot naman niya habang niyayakap ako sa likod. "Aattend tayo ng sayawang bayan.."

"Ha?!"

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Ayoko! Nahihiya ako doon.." sabi ko pagkatapos bumitiw sa kanya.

"Sige na, may surpresa ako sa iyo.."

"Ano ba iyon?"

"Surpresa nga diba?"

"Sige na nga.." kinurot ko ang matangos niyang ilong pagkatapos ay dinampihan ko siya ng halik sa may labi.

Gaya ng utos niya ay nagsuot ako ng polo at pantalon.

"Gwapo natin.." puri niya ng parehas kaming nakaharap sa salamin.

Nilakad lang namin ang venue ng lugar. Malayo pa kami ay rinig ko na ang napakalakas na tugtugan.

"Sasayaw tayo na parang mga baliw ngayon.." saad niya.

"Marunong ka ba?" biro kong tanong.

"Sus.." Sumayaw si Ravi bilang sample. Pakitang gilas ito.

"Hanep ha!" puri ko habang pumapalakpak.

"Oh diba?" mayabang niyang turan.

"Parang oud na nalagyan ng asin.." lait ko pagkatapos ay tumawa ng napakalutong.

"Gago" tanging nasambit niya.

Inakbayan niya ako sa paglalakad. Nang makarating ay agad kaming sinalubong ng mga taong kakilala ni Ravi at nagulat ako sa surpresa niya.

Bawat taong bumabati sa kanya ay sinasabi niyang "ASAWA KO si N! Mahal na mahal ko ito!"

Hindi ko inaasahang ipagsasabi niya iyon. Wala akong masabi kundi mag-Hi sa kanila at ngumiti kahit na alinlangan dahil hindi ko nga ito inaasahan.

Iyong iba ay nagugulat at iyong iba naman ay parang wala lang subalit ramdam mong supportive sila sa relasyon namin. Tanggap nila kami.

"Nagulat ka sa surpresa ko no?" tanong niya ng makaupo kami.

Tumango ako habang naluluha. "Hindi ko iyon inaasahan.."

"Now we are free in this town.." sabi niya pagkatapos niya akong halikan.

"And thanks to you.." ngumiti ako. "Hindi na natin proproblemahin ang sasabihin at iisipin ng iba.."

Ginagap niya ang kamay kong nakalapag sa lamesa. "Alam mo mahal kahit naman diko sinabi sa kanila na asawa kita ay wala akong paki sa sasabihin ng iba. Ang importante lang sa akin ay magkasama at masaya tayo parehas, iyon lang.."

Ngumiti ako ng napakalapad. Napakasaya ko. Sayang hindi ko maipaliwanag. "You are absolutely right!"

Iyon naman talaga ang mahalaga. Masyado kaming masaya para isipin ang sasabihin ng iba.

"Tignan mo dali!"

Tumingin ako sa tinuturo niya. Si Samantha! at may kasama itong lalake. At gaya nga ng sinabi ni Ravi ay may hawig sila. Maging sa laki ng katawan ay parehas sila.

"See? Naniniwala ka na sakin!?" ngumisi siya.

"Oo nga, hawig kayo pero di hamak na mas gwapo itong asawa ko.." sabi ko habang kinukurot siya sa magkabilaang pisngi. "Mas cute pa.."

Pagkatapos ng mahabang lambingan ay sumayaw kami sa daloy ng musika at ng magsawa ay muli kaming naupo.

"Pagod ka na ba?" tanong niya kaya umiling ako.

Papaano ako mapapagod kung ngayon lang ako naging free sa tanang ng buhay ko? Walang kontrabida.

"Sandali lang.." kinapa niya ang telepono pagkatapos niyang maramdaman ang vibration nito. "May tawag ako.." sabi niya sabay senyas na lalayo siya sa tugtugan. Tumango lang ako.

Pagkaalis ni Ravi ay tumingin ako kay Samantha na sa ngayon ay abala sa pakikipaglaplapan sa iba na namang lalaki. Grabe siya, kahit tinititigan siya ng iba ay wala siyang pakialam. Bakit ba naisip kong papatulan ito ni Ravi? At sa isang gaya niya ako ipagpapalit? Nakakatawang isipin.

"N.." tumingin ako kay Ravi pagkatapos niya akong tawagin.

"Bakit?" sabi ko pagkatapos maramdaman ang lungkot sa kanyang boses.

Lumapit siya at niyakap ako. Sa aking balikat ay umiyak siya ng umiyak.

"Anong nangyari?" Kinakabahan at naguguluhan kong tanong.

"Wala na si mama.." utal niyang sagot.

"Ha?" Tanging nasambit ko.

"Tumawag ang ospital, wala na daw siya.."

"Ano pang ginagawa natin dito? Tara na!"

Agad kong ginagap ang kamay niya at hinila papalayo. Naghanap ng pwedeng masakyan at nagtungo kami sa may Ospital.

End Of Chapter 28.

Thank You For Reading!

Vote and Comments!

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now