For The Last Dance

8 3 0
                                    

It was a perfect afternoon until the rain pours its heavy drops. The woman inside the car breathes loudly as the rain pour on the windshield. She hates rain. She hates cold weather.

Mas gugustuhin niyang matusta ang balat sa init ng araw kaysa mabasa ng ulan. Mas gusto niyang pagpawisan kaysa manginig sa lamig. Pero pinalampas na lamang niya ang pag-init ng ulo.

Dahan-dahan lang siya sa pagmamaneho dahil masyadong malakas ang ulan. Mahirap nang madisgrasya. Kahit hindi na niya matiis na makita ang pinakamamahal niya, kailangan niya ng mahabang pasensya.

Mayamaya pa, unti-unti na niyang nakikita ang pamilyar na daan. Bumabalik din ang pamilyar na pakiramdam, pati na rin ang pamilyar na mga pangyayari.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang dalawang palapag na bahay. Maganda pa rin itong tignan. Malinis at maayos. Napapaligiran pa rin ng mga halaman at punong kahoy.

Huminga nang malalim ang babae at ngumiti. "It's good to be back."

Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe. Kinuha ang payong at bumaba. Mamaya na niya kukuhain ang mga gamit niya sa sasakyan. Mahirap maghakot dahil umuulan.

Pagkapasok niya sa loob, naramdaman niya agad ang init ng presensya ng bahay. Punong-puno pa rin ito ng pagmamahal.

She took her time to look around. The house didn't change. It's still the same. It still feels home.

She walks up to the second floor. Where all of her favorite memories stayed. And then there, she saw her first love. Smiling at her. She can't help but smile too as she run and hugged him tight. She missed him so much.

As she closed her eyes, she felt his arms around her. Exactly the way she wanted. Minutes later before she look at him, eyes full of happiness and longing. The same way as him. Because after how many years, they're still the same. Loving each other.

Nasa gitna sila ngayon ng isang malawak na espasyo. Sa harap ng malaking bintana. May mga litratong nakasabit sa dingding. Sa ibaba nito ay may radyo sa ibabaw ng kabinet. May sofa sa gilid at maliit na lamesa. May lumang orasan sa kabilang gilid. Doon nabuo lahat ng pagmamahal.

Sumandal ang babae sa katawan ng lalake. Sandaling tumitig sa labas kung saan bumubuhos ang malakas na ulan bago muling pumikit.

Mayamaya pa, unti-unti silang gumalaw. Mabagal na sumasayaw sa tunog ng ulan. Dinarama ang bawat pagkilos. Nananaig ang init ng yakap sa lamig ng ulan.

Unti-unting inalala ng babae ang mga paborito niyang pangyayari.

Naalala niya, malungkot na malungkot siya nang araw na yon nang yayain siya ng lalaking sumayaw. Kahit panay hikbi siya nang araw na yon, nakangiti naman siyang natulog.

Sumayaw rin sila roon nang makahanap ng bagong trabaho ang lalaki.

May isang pangyayari din na nagtampo siya sa lalaki. Ayaw niyang makipagsayaw ngunit mapilit ito. Nawala naman ang tampo niya dahil nagpaliwanag ito sa kanya.

Sumasayaw sila sa tuwing wala silang ginagawa. Pampalipas oras.

Sumayaw sila noong nagalit ang lalaki sa kanya. Pahirapan pa itong piliting sumayaw dahil ilang araw siya nitong hindi pinansin.

They built a lot of memories from dancing. When they're happy, sad, angry and excited. It's the one thing that will never be forgotten. Dancing.

It's the form of their love. It made them happy when they're sad. Calm when they're mad. Turn all the negative thoughts into positive hopes.

Kaya lang natigil nang kailangan niyang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi kayang palampasin ng babae ang oportunidad na iyon. Kaya kahit labag sa loob ng lalaki, pumayag ito. Kahit malungkot ang huli nilang sayaw dito dahil kailangan nang umalis ng babae, hinayaan na lang nila. Iyon ang unang sayaw nila na malungkot at mabigat pa rin sa damdamin nang matapos.

Ilang taon ang lumipas. Ilang taon ng pagsayaw nang mag-isa. Nakuntento sa pag-uusap sa harap ng screen. Pagpapadala ng mga bagay. Pag-iyak sa gabi sa tuwing hinahanap-hanap ang isa't isa.

Ngayon, masaya na silang muli. Sasayaw sa muling pagkikita. Gagawa ng panibagong pangyayari na siyang babalikan sa tuwing masaya o malungkot sila.

Ngunit sa muling pagsayaw, hindi na nito mababawi lahat ng lumipas na panahon. Hindi na nito mapupunan lahat ng kakulangan sa nagdaang mga taon. Hindi na nito mapapalitan ang mga nagdaang sandali. Gustuhin man nila, hindi na maaari.

They will never get back to the time when all of the problems can be solved by dancing. When the days they're both happy and sad. When they feel like doing it. When there's question they couldn't answer. When they miss her.

Unti-unting namuo ang sakit sa puso ng babae. Nararamdaman na niya ang sakit na itinago magmula pa noong nakaraang Linggo. Mga luhang pilit na nilunok upang maging matatag. Ngunit sa pagkakataong ito, hinayaan niyang maging mahina ang sarili dahil kailangan niyang gumaling. Kailangan niyang lunasan ang mga sugat na natamo.

If only she could turn back time. If only she could turn back the clock the way she wanted. If only she could change the past.

She wanted to change the past where her mom died. Where she saw him hopeless but still made her feel okay.

When he's helpless and she couldn't do anything for him.

When he found his new job because he got fired for not being in a good condition because of being sad.

Naiinis siyang nagtampo siya rito dahil nainis siya sa babaeng kaopisina nito. Binigyan niya ng maling kahulugan ang lahat. Nagmamabuting loob lang pala ito sa pagtulong sa lalaki at may asawa na pala.

Mula noon, tuwing wala silang ginagawa, sumasayaw sila upang libangin ang sarili. Dahil alam nilang hindi pa rin sila maayos. Na malungkot pa rin sila sa pagkawala ng ilaw ng tahanan.

Naalala niya ring ito ang last dance niya sa prom. Pagkauwi niya, isinayaw agad siya nito. Kahit gabi na at maaga pa ito sa trabaho kinabukasan. Kahit pagod ito sa trabaho maghapon. Sana pala tinagalan niya ang pakikipagsayaw noon. Hindi niya nasulit ang espesyal na araw. Hindi man lang niya nakuhanan ng litrato ang itsura nila dahil nagbihis din ang lalaki.

Sana pala hindi na siya umalis sa tabi nito. Sana hindi na niya ito iniwang mag-isa. Alam niya ang pakiramdam magsayaw nang mag-isa dahil ginagawa niya ito noong nasa ibang bansa siya. Ngunit mas masakit pala kapag nasa paborito mong lugar ka nagsasayaw nang mag-isa.

"I'm sorry, dad."

Niyakap niya nang mahigpit ang litrato. Masakit isipin na sa muling pagkikita, litrato na lang ang makikita, mayayakap at makakasayaw niya.

Kung dati, sasayaw sila sa tuwing nangungulila sa babaeng nag-alaga at nagmahal sa kanila, ngayon sasayaw siya mag-isa dahil sa pangungulila niya sa dalawang taong orihinal na nagsasayaw sa espasyong iyon.

Wala na siyang kasamang sumayaw. Wala nang poprotekta at aalaga sa kanya. Wala na siyang tatakbuhan sa lahat ng bagay. Wala na siyang sasabayan sa tunog ng musika.

Tumitig siya sa litrato. Isang nakangiting lalaki na hindi na niya makikita at makakasamang sumayaw muli.

Kinuha niya ang litrato ng kaniyang ina at inilapag sa sahig kasama ang litrato ng kaniyang ama. Pagkatapos ay naupo siya sa ibaba ng bintana.

Ayaw niya ng ulan ngunit parang nagugustuhan na niya dahil tinatakpan nito ang ingay ng sakit na nadarama. Sinasabayan ang mga hikbi na hindi maitatago. Gumagawa ng musika na nagpapaalala ng nakaraan.

Babalik sa nakaraan na sasayaw ang mga magulang niya sa gitna habang siya ay manonood.

"I miss you, mom and dad. I'm sure heaven is a good place to dance. Can you do that for me?"

Dancing fixed them. She know someday, she will learn how to dance again.

For The Last DanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя