Kabanata 3 - Question

108 4 0
                                    

Kabanata 3

Alam kong sasali si Ashleigh kaya hindi na ako sumali sa art contest. At kahit gustuhin ko man,hindi pwede.

Binilhan na naman ng panibagong art materials si Ashleigh para sa gagamitin niyang medium sa art contest.

I admit i'm jealous. I'm so envy. Ang mamahal at mga kilalang kalidad ang mga materials na iyon. Na kahit kailangan man hindi ako binigyan. Samantalang ako, Kailangan ko pang mag ipon para lang makabili ako.

Habang nasa hapagkainan kami. Napatingin ako sa pinapalabas na balita sa TV.

"Saii kumain muna bago manood,"  saway ni Mama,sabay tuon ko sa pagkain at hindi na pinansin ang nasa telebisyon. Lumingon si Ashleigh sa TV.

"Mama! Si Vhong yan 'diba?" hindi ko na nagawang lumingon at baka pagalitan ako.

"Oo. Bakit anak?"

"Schoolmate ko 'yan. Ang gwapo niya talaga!" tuno ng kinikilig habang nakatutuk parin sa TV.

"Naku. Syempre anak ang gwapo gwapo kaya ng ama niyan." isa rin itong si Mama. Pasalamat nalang at wala si Papa. "Kagrade level mo ba siya?" tanong ni Mama. Napalingon sa aakin si Ashleigh. Nakita ko iyon sa gilid ng paningin ko. Hindi ko nalang pinansin.

"Hindi po." nag iba ang tono ng boses niya. "Classmate ni Saii." nase-sense kong tumaray itong batang 'to saakin. "Mama. Pwede mo ba akong gawan ng cupcakes. Bibigyan ko si Vhong. Hehe,"

"Osige."

I rolled my eyes. Bakit niya bibigyan si Vhong? May gusto ba siya rito? Kung gusto niya nga si Vhong bakit hindi siya ang gumawa ng cupcake!

"I made this for you!" nakita kong bigay niya kay Vhong. Ang kapal talaga ng mukha. Hindi man lang ba siya nahiya ng konti? Confident na confident siya ah.

"Oh. Thank you. You know how to bake?"

"Yes. My mother taught me!" liar. Nakita ko tulog kana habang si Mama nasa kusina nag be bake.

"Thank you again. Miss?"

"Ashleigh," ngiti nitong sagot. Tss. Tumaray ako.

"Oh. Ikaw yung sister ni Saii?" nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ako. Nakita ko kung papaano nawala ang tuwa sa mukha ni Ashleigh. Kaya naman umalis na ako sa kinatatayuan ko.

Nagmamadali akong magtungo sa classroom dahil ilang minuto nalang magsisimula na ang klase.

"H-Hi Saii," napatigil ako ng harangin ako ng isang lalaki.

"Ah. Hello?" ibubuka niya na sana ang bibig niya upang magsalita ng nag bell,hudyat na simula na ng klase.

"Saii-,"

"Sorry. I have to go," nagmamadali kong pagtakbo. "Nice to meet you." huling pasabi ko bago kumaripas na ng takbo.

Araw araw iyon nangyayari. May babati sa akin kahit hindi ko mga kilala. Nagtataka ng ako. Paano nila ako nakilala? Siguro dahil kay Ashleigh.

Isang beses papunta ako sa canteen. Napatigil ako ng makitang may kalandiang babae si Vhong. Napangiwi ako at napapikit ng mariin. Ganto? Ganto ang type na lalaki ng kapatid ko? Seriously?

Man with a DANGEROUS SIDE [COMPLETE]Where stories live. Discover now