Twenty Fourth

67 17 2
                                    

Dedicated to Iamateur , ZeroSaExam
Thank you!








Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sakin ang isang magandang tugtugin, na aakalain mo nasa isang european setting ka. Ang loob ay may elegant at sosyal na ambiance at naglalarong gold, white, at silver ang kulay ng mga decorations at ng mga kasuotan ng ibang dumalo.

Napansin ko namang may ibang napapatingin sa akin at napapangiti. Hindi ako sanay, pero na-eenjoy ko naman hehe.


Naglakad na ako papasok habang ramdam ang patuloy na pagtugtug ng musika na mula sa isang entablado kung saan may isang lalaking kumakanta kasama ang mga kasamahan niyang may kanya kanyang instrumento.


Ang ganda ng kanta tas yung boses din ang lumanay, pati ang pagkakatugtug ang sarap sa tenga.



"Woooah!" Nasa malapit lang pala si John na kasama din si Jess na nakaputing body hugging long gown. Mas gumanda din siya ngayon.


"Omg! So gorgeous Jess!" Puri ko sa kanya kaya napangiti naman siya na lalong mas nagparadiate ng kagandahan niya.

"Sobrang ganda mo rin ngayon Lieshel." Pinuri niya rin naman ako kaya lalong lumaki ang ngisi ko.

"Tas ako naman ay?" Suminggit naman si John na nagpogi pose pa.

"Naging tao rin sa wakas." Dugtong naman ni Jess kaya napatawa ako.


"Correction! Lalong gumwapong tao!" Sabay pa slide ng kamay sa buhok. Nagtawanan na nga lang kami. Ito talaga si John.


Bigla namang may lumapit sa amin.


"Bro Louie!" Sigaw ni John. Kaya napatingin naman ako sa parte kung saan siya sumulpot.




Parang huminto ata ng panandalian ang mga pangyayari at nilamon lang ng musika ang loob dahil sa kagwapuhan niya. Nako! noong graduation ko lang to nakitang ganito ka formal, pero ngayon mas lumala pa ang karismang naibubuga niya. Yung napaka desente niyang tignan tas matipuno pa. Plus points pa yung mukha niya na aakalain mong photocopy ng mukha ng isang Greek God. Huhu, ang laki na ng bestfriend ko, nakakaayos na ng ganito. Nakakalaway, i mean yung ibang girls ha, maglalaway talaga sa kanya.



"Lalo kang gumanda." Napahinto naman ako sa pagiisip at bahagyang napataas ang parehong kilay. Para sa akin ba yung sinabi niya? Nakatitig siya sakin eh. Bakit.. Bakit ang sweet nito ngayon?

Yung puso ko..yung puso ko freen! Tumatalon! Tumatalon siya! Kinikilig ba ako?


"Ahem ahem!" Nabalik naman ako sa ulirat ng dahil doon.


"Punta na kaya tayo sa table natin?" Suggest naman ni John na sinang ayunan namin.


"Ms. Jess, tara na?" Nagulat naman ako dahil inalok ni John yung braso niya kay Jess. Omaygad! Naging gentleman ba siya? Wow! Sinapian ata to eh!

Pansin ko ring nagulat si Jess dito pero humawak narin ito sa kanya. Kumindat naman ito sa akin bago sila tumalikod at naglakad.

Ano namang pahiwatig noon? Type ba ako noon? Tas pinagseselos niya ako kay Jess? Hala Ghad, hindi effective, sorry John. Lil' bro lang talaga kita.


"Tara na?" Napalingon naman ako kay Louie ng inalok niya rin sakin ang braso niya. Napatitig naman ako rito ng ilang segundo bago humawak at tyaka sumunod na kami sa kanila.


When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Where stories live. Discover now