Habang nakikipaghabulan
Malamig na alon sa dalampasigan
Ako'y narito, nakatanaw at nakaupo
Magsusulat muli ng tula para sayoMga along naghahabulan
Hindi alam kailan ang katapusan
Iisang mundo ang ating ginagalawan
Ngunit ang isa'y hindi matagpuanPuno ng sikreto't hiwaga
Binabalot ang bawat isa
Katuwiran sa bawat dahilan
Nakatago, iyong pagmasdanBuksan ang mo ang mga mata
Mga bagay na hindi mo makita
Nariyan lang, huwag mag-alala
Damhin, huwag pigilan ang luhaIdilat mo ang iyong mga mata
Gamit ang iyong sariling pandama
Pagmamahal na alay sa kanya
Hinding hindi niya makikita