CHAPTER 21

1.1K 26 0
                                    

Gray's PoV

Kinakabahan ako sa mga nangyayari at pwede pang mangyari. Unang nawala si Hanz. Sumunod si Shan at ngayon naman, si Sky. Hindi ko na kakayanin kung mayroon pang mapapahamak dahil sa akin.

Naniniwala ako na iisang tao lang ang may kagagawan nito pero hindi si Creigan iyon. Posibleng kilalang kilala ako ng salarin at posible ding hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako nawawala.

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto habang nakatingin sa note na galing sa baliw na Sterbern na iyon.

Pinapapunta niya ako sa isang lugar at kailangan kong makapunta sa lugar na iyon bago maghating-gabi.

Nang may pumasok na nurse, mabilis kong itinago ang note sa ilalim ng unan ko. Ngumiti siya sa akin ng napakatamis bago icheck ang blood pressure ko.

"Normal ang bp niyo ma'am. Sana po mapabilis ang paggaling niyo. Kung may kailangan po kayo, tumawag lang po kayo sa nurse station." Tumango na lamang ako sa kanya at nagpasalamat.

Aalis na sana siya pero pinigilan ko ang paglabas niya at mabilis na naging blangko ang kanyang expression. "You will let me go out in this hospital w/o telling to anyone. After you go out, you will forget everything I said."

I have no choice. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas dito at para mailigtas si Hanz at Shan!

Pagkalabas ng nurse, nagmadali akong lumabas na suot parin ang hospital gown. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakealam. Kailangan kong magmadali.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si mama na nanonood sa sala. "Anak kamusta ka na? Bakit ganiyan ang suot mo? Ayos ka na ba?" Hinaplos ni mama ang aking mukha at halata ang pag-aalala sa kaniya.

"Ma, you will stay inside the house. Never leave until I say so. And please don't worry ma. I'm okay. Please always remember that I love you and I will always do." Hinalikan ko ang noo ni mama at pinahid ko ang isang patak ng luha sa aking pisngi.

Labag man sa loob ko, kinailangan kong ihipnotismo ang sarili kong ina.

Nagmadali akong pumunta sa kwarto para magpalit ng damit but to my surprise, nakita ko si Mr. Sarmiento na prenteng nakaupo sa kama ko.

"How are you Gray?"

"Anong ginagawa mo dito Mr. Sarmiento? At paano ka nakapasok dito sa bahay? Huwag mong sabihing kakampi ka ng Sterbern na iyon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Isa-isa lang pwede?" He made a sound using his tongue before he speak again. "Nakapasok ako dito sa bahay niyo dahil pinapasok ako ng nanay mo." Nagsalubong ang kilay ko sa pilosopong sagot niya.

"I hypnotized your mom okay? Yung sinasabi mong Sterbern, wala akong alam doon. And the answer to your first question, I am here to shut a part of your brain so that you can't hypnotize someone anymore! Hindi ka tumupad sa pangako Gray!" Maglalakad na sana siya papunta sa akin pero pinigilan ko siya.

"Ginamit ko naman sa tama ang hipnotismo Mr. Sarmiento. Bakit ka nagagalit sa akin?" Hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses.

"Tama ba ang gamitin mo ang hipnotismo para mahalin ka ng isang tao?! Sapilitan iyon Gray! Hindi yun tama!" Nakapamewang na sabi niya at tinalikuran ako.

Hindi naman ako nakapagsalita pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.

"Paano mo nalaman na ginamit ko ang hipnotismo sa paraan na iyon Mr. Sarmiento?"

"May nagpadala sa akin ng kahon na naglalaman ng litrato mo habang kausap mo si Hanz. May dugo ang litrato na iyon. Tinatawagan kita pero yung bestfriend mo ang nakasagot at sinabing nasa hospital ka kaya nagmadali akong pumunta dito sa Isabela. Sabi sa note na nasa loob, you are hypnotizing the lady in the picture." Kung hindi ako nagkakamali, alam ko na ang taong nagpadala sa kanya ng litrato.

"Sino ang nagpadala ng litrato?"

"Sterbern." Hindi ako nagkamali! Hindi ko alam na minamanmanan na pala ako ng taong iyon.

"You promised me Gray. Sabi mo gagamitin mo lang ang hipnotismo sa tamang paraan. Hindi kasali sa usapan ang paghihipnotismo sa isang tao para lang ibigin ka." Bakas parin sa boses ni Mr. Sarmiento ang galit.

"That's why I'm going to find them and bring them back para itama ang mali ko. I am really sorry. Please huwag mo ng ituloy ang balak mo para mawalan ako ng kakayahang manghipnotismo. Pangako. Kapag naibalik ko sila, hinding-hindi ko na ito gagamitin sa masamang paraan." Pagmamakaawa ko kay Mr. Sarmiento.

Huminga ng malalim si Mr. Sarmiento bago siya tumingin sa akin. "Fine." Napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko maiwasang yakapin siya. "But in one condition. Sasama ako sayo sa paghahanap."

Tumingin ako sa kanya at nakita ang sinseridad sa kanyang mga mata pero natatakot ako. "Natatakot ako na baka madamay ka Mr. Sarmiento."

"Huwag ka ng mag alala o magprotesta dahil baka bawiin ko pa ang sinabi ko. Magpalit ka ng damit para makaalis na tayo."

Hindi na ako kumontra at nagmadaling lumabas ng kwarto para magpalit ng damit.

Bago kami umalis, nakita ko si mama na nasa sala parin.

"Andito ka na pala anak. Kumusta ka? Gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mong ulam?" Niyakap ako ni mama at hinalikan sa noo.

Napaluha ako sa tinuran ng aking ina bago makapagsalita. "Pagbalik ko nalang po ma. Lalabas lang po ako saglit. Maiwan ko po muna kayo."

"O sige. Mag-ingat kayo ng kasama mo ha. Maghihintay ako." Hinalikan ko si mama sa noo at niyakap ng mahigpit bago tahakin ang daan palabas ng bahay.

Nang papunta na kami sa lugar na sinabi ni Sterbern, narinig kong tumunog ang cell phone ko at nakitang may nagtext na unknown number.

'Tik tok tik tok. Time is running and you should run faster too. 30 minutes more.--- Sterbern.'

Napahigpit ako ng hawak sa manibela ng motor na gamit ko.

Whoever you are, I'm going to make sure that you'll burn in hell.

-----
(Unedited)

Sorry for the typo errors.

Thank you if you're reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDWhere stories live. Discover now