CHAPTER 1

18 2 1
                                    

Nagising si Clementine sa tunog ng kanyang alarm. Hindi sya nakabusangot, hindi rin labag sa loob ang paggising nya at pagpatay sa alarm.

"5:30" banggit sa oras. Sya lang ata ang ganon ang ugali yung ayos lang sa kanya ang gumising ng maaga. Napangiti  sya sa naisip. Tumayo sya at tumungo sa banyo. Napahinto at napatingin sya sa sariling mukha sa salamin.

"You see guys ang unique ko hah! Saan pa ba may ganitong ugali 5:30 in the morning and here I am smiling alwaaaaaays!  Partida 2am na ko nakatulog nyan ah!  Sa panahon ngayon wala ng katulad ko na puyat pero gigising na happy! " mahaba at mayabang na sabi niya sa harap ng salamin at tila nagi-imagine na may kaharap na napakaraming audience na lalake. Hindi sya hopeless romantic may manliligaw nga sya eh pero lahat ng iyon ay hindi pumasa sa standards nya.

Matapos maligo, magbihis at mag-almusal 9:30 ng umalis sya sa bahay nya. Malapit lang ito sa mall kung saan nakapwesto ang kanyang Cafe. Maliit lamang ito pero sapat naman para magpasahod at pambayad sa taxes.

Sa Cafe naabutan nyang may tatlo na customer agad napatingin sya sa kanyang orasan.

10:15am mas maaga at nadagdagan keysa sa kahapon ang customer nya. Kadalasan ay 10:45 isa o dalawa palang ang papasok sa Cafe niya. Kadalasan sa customer niya ay mga business man, studyante or couple. Dahil may babasahing libro, magazine at manga. tyak nya na hindi mabobore ang customers nya. Madalas din may umuokopa ng kanilang VIP lounge para sa business meetings, birthday or anniversaries celebration.

Alas-tres ng hapon dumagsa ang customer sa Cafe kaya napagdesisyunan nyang tumulong sa pagseserve.

Nang ibibigay na sana ang order ng sa tingin nya ay magkasintahan bigla na lamang umiyak ng todo ang babae. walang tunog iyon pero umaalog ang balikat, ganon sya umiyak noon at alam nyang masakit iyon sa lalamunan at dibdib. awang awa sya sa babae kaya marahas na nilingon nya ang lalake at nagulat sya ng makitang kampante itong nakaupo nakatingin lamang sa kasintahang umiiyak.

"Please hon!  Bumalik ka na sakin. Hindi ko kayang ganito tayo" mahinang pananalita ng babae ngunit puno iyon ng pagsusumamo. Tiningnan nyang muli ang lalake na nakatingin na pala sa kanya, matalim iyon pero blanko ang ekspresyon, is that even possible? Looking at you blanky but with sharp gazes on it.

" pwede mo ng ibaba ang order" duon lamang sya natauhan napahiya sya dun ah

"Ah.. Sir hehe sorry po eto po" lapag nya sa order ng dalawa, ramdam pa rin nya ang titig ng lalake sa kanya. Kakaiba, mabilis ang kabog ng dibdib nya marahil dahil iyon sa pagkapahiya nya pero alam nyang hindi. Ang pagkarera ng dibdib nya dahil iyon sa pagtitig ng lalake. Umiiyak parin ang babae pero mas kalmado na at hindi ito nagsasalita.

Isang hakbang palayo pa lamang sya ng marinig ang pagtayo ng babae kaya napabalik lingon sya.

"You know what Raffael, im done i've had enough di ko na kaya, ang hirap mong suyuin all i want is or us to be okay again but i think it's all nonsense." Nanginginig na wika ng babae. Ngayon alam na nya, siguradong ugaling gago itong lalake na to, sinundan nya ng tingin ang babae na umiiyak parin. Bumalik tingin sya sa lalake at nahuling nakatingin na naman ito, gumanti din sya ng titig sa lalake.

"Gago ka ah walang babae na deserve umiyak at magmakaawa ng ganon" pabulong na wika nya. Ngunit napangiwi sya ng umangat ang labi ng lalake at maliit na ngumiti. She just rolled her eyes and go back to her place.

Nasa opisina nya na sya at malungkot na naman nyang naalala ang pang-gagago sa kanya ng ex nya. Nagsisimula na namang lumabas ang binabaon nyang galit sa mga lalake. Alam nyang nakalimot na sya wala na ang pagmamahal doon tanging galit na lang.

Ala-syete ng mag dinner break sila. Plano nyang lumabas at sa Jollibee na lang kumain para mai-take out.

Sa daan nya palabas hinarang sya ng isa sa kanyang crew. Alanganin itong ngumiti at may inilabas na kapirasong papel.

"Para saan ito Anne?" Naguguluhang wika nya dahil wala talaga syang ideya kung para saan ito. Haggard na ba ako!?

"Eh pinabibigay lang po eh, kanina pa po yan eh kaso di po namin kayo maistorbo sa opisina niyo" paliwanag nito. Nagtatakang inabot ko yun maliit na papel lamang ito na nakatupi, pagbukas ko may nalaglag na isa pang papel. Pinulot ko ito para makita ang isang kulay asul na papel.

"Calling card?...  Raf.. " Hindi ko tinuloy ang pagbasa sa pangalan nya bagkus nabasa kong dito sya sa mall nagtatrabaho General Manager sya ng Operations Department. Itinago ko ito sa bulsa ko ng maisip na baka isa ito sa mga customer na magpapareserve ng kanilang VIP lounge. Binalikan ko na lamang ang sulat, maganda ang sulat ah cursive pa.

" That woman cheated on me with my friend. I hated the way you look at me with disgust. Hope to see you and also hoping for a 'sorry". Mahinang pagbabasa ko habang iniisipat inaalala kung sino ang posibleng magbi...

"Mukhang alam ko na kung kanino galing pero ang tanong bakit sya nagpapaliwanag diba? huh! naapektuhan ata sa tingin ko sa kanya" wika nya na may kasabay na paghawi sa buhok. Di nya alam kung bakit or para saan ang sulat at yung calling card. Ibinulsa na rin nya ito at lumabas na lang para ituloy ang balak na dinner.



*
Hi guys! Thank you for reading, again im hoping for your feedback.

Stupid Me NotWhere stories live. Discover now