My Arrogant Boss

611 4 1
                                    

Hi! Hello! Eto po ang first ever story ko. Sana po magustuhan at suportahan niyo. Salamat! :) Please vote or comment kung nagustuhan niyo. :) And please do suggest kung sino gusto iyong cast. :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1:

~Carmilla Reyes~

Nagising ako ng maaga, dahil my job interview ako. Oo, graduate na ako, fresh graduate actually. Fine Arts ang natapos ko, twenty years old na ako. Di kami mahirap, at lalong di kami mayaman, may kaya lang. 

Naghahanap ako ng trabaho kasi sobrang bored na ako. 1 month na akong nakatambay sa bahay, sayang naman natapos ko kung hindi rin ako magtratrabaho, diba? At nakakabobong tumambay lang. 

Apat na companies ang susubukan kong aplayan, at hopefully, sana makuha ako sa isa sa mga kompanyang yun. 

Ay, hindi papala ako nakakapagkilala sa inyo. Mia ang pangalan ko, Carmilla Reyes. Sa ngayon, si Mama, si Papa, at si Felly ang kasama ko sa buhay.

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay nag-ayos at nagbihis na ako. At bumaba na ako papuntang kusina. 

"Good morning ma, good morning pa." bati ko, sabay halik.

"Anak, kain ka muna." yaya ng mama ko.

"Hindi na po, malalate na po ako sa job interview ko. Alis na po ako." at nagpaalam na ako. 

Naghintay ako ng taxi mag-isa. Sayang maagang pumasok si Felly, wala tuloy akong makasabay. Si Felly fourth year highschool palang.

Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas, may dumaan na ring taxi. Sinabi ko na sa taxi driver kung saan kami pupunta. 

Haaay. Sobrang traffic naman. Pagkatapos ng ilang minuto ay medyo lumuwag na yung mga sasakyan sa bandang harap namin, e kaso itong sasakyan sa harap namin mismo, hindi gumagalaw! Pagkamalas-malas naman o. Kanina pa bumubusina yung mga sasakyan sa likod namin. 

"Manong, babaan ko muna tong sasakyan sa harap natin. Hindi na kumikilos e, baka nakatulog na." sabi ko sa driver.

Tumawa at tumango lang yung driver  kaya bumaba na ako.

Wow, ang gandang sasakyan ha, halatang mayaman. Pero kahit sino pa man siya, di ko siya aatrasan. Sumilip ako sa bintana sa may driver's seat, kaso wala akong makita, tinted e. Kaya, kumatok nalang ako. 

Pagkatapos ng mga tatlong katok, ayun, binuksan na rin niya sa wakas yung bintana. 

Pagbukas ng bintana, nagulat ako. As in! Ang gwapo! Nakakahiya man sabihin, pero napanganga ako! Nakalimutan ko yung sasabihin ko. Hahaha! Oo! Ganun siya kagwapo! 

Napatitig ako sa features ng mukha niya. Ang tangos ng ilong, yung mata niya hazel brown, tapos perpekto yung hugis ng panga niya. May pagka-messy yung hair niya. Pero bagay sakanya! Medyo maputi, mas maputi nga lang ako. Lalaking lalaki ang dating niya.  

 "Ahem. Excuse me miss? Bat ka ba kumatok? Hindi mo ba alam na may kausap ako sa telepono? Alam kong gwapo ako pero paki-sarado mo naman yang bibig mo. Baka pasukan ng langaw." nagising ako ng biglang nagsalita yung lalaki. Wow. Hindi naman siya ganoon ka-suplado at kayabang ano? 

"So, ako pa ang naka-abala ngayon? Hindi mo ba nakikita, maluwag na yung daan o! Baka pwede mo ng iandar tong sasakyan mo. Nakakaperwisyo ka, ang mahal mahal na tuloy ng babayaran ko sa taxi. At isa pa, sino bang nagsabing gwapo ka? Wag ka ngang ambisyo." kakasabi ko lang na gwapo siya, pero binabawi ko na. Haha. 

"Ay, hindi ko napansin e, may kausap kasi ako sa telepono. At halata naman sa mga mata mo na na-gwapuhan ka e. Di naman kita masisisi." sabay smile, yung smile na napaka-arogante ng dating, kairita! sinarado niya na ang bintana niya at ayun, umalis na ang buwsit na yun. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Arrogant BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon