Kabanata 19

1.4K 48 0
                                    

Kabanata 19:






~~ Enemy ~~







Nasa sala kaming lahat ngayon. Magkatabi kami ni Kasmey sa sofa. Si Mrs. Kasmey nasa mini sofa kandong si Shannon, si Mr. Kasmey naman nakatayo malapit sa pinto.







Wala naman kaming ginagawa ni Kasmey pero hindi ako makatingin sakanila. Ni hindi ko maitaas ang ulo ko dahil sa sobrang hiya. Ano nalang ang iisipin nilang ginagawa namin habang wala sila dito sa mansion.








"Nay, wala kaming ginagawa ni Narissa, okay?" Sabi ni Kasmey. "She's changing my bandage then nag agawan kami sa cellphone at natumbang pareho. That's it."









"Why she needs to change your bandage? Kaya mo na naman iyong gawin diba? At saka isa pa, diba dapat magaling na iyang pilay mo ngayon?" Ani Mrs. Kasmey.








Tama. Tama. Sang ayon ako sakanya. Tinignan ko ng masama si Kasmey.









"I can't do it, okay. I'm tired." Palusot pa tong lalaking ito. Inirapan ko sya. Nabigla ako ng tumingin sya sakin ng masama. Iniyuko ko ang ulo ko.









"Nari..." Tawag sa akin ni Mrs. Kasmey. "Diba ang sabi ko sayo, sabihin mo sa akin kapag pinapahirapan ka nitong si Kios? He shouldn't do that to you."









"A-ayos lang po...trabaho ko naman po iyon." Sagot ko.









"It's not part of your job kapag kaya nya namang gawin ng sarili nya lang. Kios..." Kay Kasmey naman sya tumingin. "Stop asking for Nari's help. You should be good to her. Kailangan natin sya para bumalik ang abilities mo."









"Akala ko ba sa lunes pa kayo uuwi?" Iniba nya ang usapan.










"Maagang natapos ang trabaho ng tatay nyo doon at isa pa, ayaw na naming umabsent pa si Shannon sa school..." Sagot ng kanyang nanay.









"Kios, we need to talk." Sambit ni Mr. Kasmey na kanina pa tahimik. Tumayo naman agad si Kios at lumapit sa tatay nya. Naglakad sila papuntang kusina?









Bakit parang seryoso ang mukha nilang dalawa? May nangyari ba?









"Nari, may mga pasalubong ako para sayo..." Napatingin ako kay Mrs. Kasmey. Nagsimula syang magbukas ng mga dala nilang bag. Isa isa nyang pinagkukuha ang laman.








"Ibigay mo iyong iba sa mga kaibigan mo." Aniya pagkatapos iabot sa akin ng pagkadami daming pagkain at souvenirs galing Thailand. "Kung kulang pa, sabihin mo lang sa akin."









"Po? Sobra sobra na po ito." Sambit ko. Tumawa lang si Mrs. Kasmey.










Maya maya natapos na si Mrs. Kasmey mag ayos ng mga dala nila. Nagpresenta ako na ilagay sa ref ang mga chocolates at frozen goods.









"Ano na bang sabi ng doctor? Is she going to wake up?" Rinig ko ang boses ni Mr. Kasmey. Nasa kusina nga pala sila ni Kios.










"The doctor said, it's very impossible for her to wake up, Tay..." Sagot ni Kios. Pero sino iyong pinaguusapan nila? Sinong She? "But she's still fighting --"










Napahinto sa pagsasalita si Kios dahil bigla kong nalaglag ang iba kong dala. Lagot ako!










Napapikit ako sa takot na baka kung anong gawin nila sa akin dahil nalaman nilang nakikinig ako sa usapan nila. "Narissa?!" Lumapit sa akin si Kasmey.











Falling In Love with a Werewolf (Completed)Where stories live. Discover now