Chapter 2

3.9K 145 3
                                    

"ARGH!" Asar na sinabunutan ni Ira ang sarili. Hindi na niya alam ang susunod na gagawin, kung saan siya maghahanap pa ng lalaking gustong magpanggap bilang asawa niya. Nilapitan na niya ang mga lalaking kaibigan ngunit ni isa sa kanila ay ayaw pumayag. They don't want to participate in this crazy idea. Bakit daw hindi nalang niya aminin ang totoo, na wala pa talaga siyang asawa. Ni boyfriend nga, eh, wala siya.

Remember, the clock is not stopping. You only now have two days to find a husband, nanunudyong saad ng isang maliit na boses sa kanyang isip.

Tinitigan niya ang umuusok na kape. Hindi ako dapat panghinaan ng loob. Makakahanap ako.

Naiinis na binuklat niya ang men's magazine na hawak. Ang labo naman kasi kung isa sa mga ito ang maging target niya. Wala siyang pambayad sakaling hingan siya ng talent fee. Well, hello, magtaas nga lang damit magpakita ng abs ay milyon na ang bayad. Shit talaga!

She's still browsing the magazine, having an internal battle whether or not to pursue her plan when she heard a dog's barks. Lumipad ang atensyon niya sa tapat ng bahay niya. Isang malaking aso ang nakita niyang lumabas mula sa bukas na pinto ng bahay, kasunod ang isang lalaking nakasuot ng kulay abong kamiseta at kulay itim namang sweat pants.

Napakurap siya ng ilang beses habang titig na titig sa lalaki na ngayon ay ikinakabit ang dog leash sa leeg ng aso nito. Parang nagkanda-buhol ang utak niya habang pinagmamasdan ito. Totoo ba itong nakikita niya? Bakit parang sobrang guwapo naman yata ng lalaking kapitbahay niya? Bakit ngayon lang naman niya yata ito nakita?

Who the hell is he? Someone tell her!

Ira almost drooled over when he flexed his arms, warming up before going for a run with his excited dog.

Susmaryosep, ang mga maskels!

Nai-imagine na niya ang mga pandesal nito sa tiyan. Buo niya itong nakikita dahil mababa lamang ang bakod sa bakuran niya. And his house had no gate or fences. Ngunit maganda ang harapan ng bahay nito, maayus ang pagkaka-landscape.

Kumabog ang dibdib niya nang tumawa ito dahil sa pagtalon-talon ng aso sa harap nito. Wow, her mind uttered. Ito na nga yata ang sagot sa panalangin niya.

The perfect husband she's been looking for! Tawa at maskels pa lang nito ay ulam na ulam na.

Hindi niya maalis ang mga mata sa lalaki. He was just an eye candy. Sinundan niya ang bawat galaw nito hanggang sa tuluyang mawala ito sa paningin niya. Sigurado siyang pagkakaguluhan ito nang mga dilag sa village na tinitirhan nila.

Marami na siyang nakitang guwapo sa tanang buhay niya. Many of them were jaw dropping. Pero kakaiba ang epekto ng lalaki sa kanya. He's like a drawing energy that pulls her in. At sa unang tingin palang 'yan, ha?

Napailing siya. Nakita na niya ang solusyon sa problema niya. But another problem arises, how can she convince him to pretend as her husband? Paano kung ayaw nito?

Ah, bahala na si batman! She just needs to follow her plan. If she can't pursuede him, he doesn't have to know, right? Hindi naman magtatagal ang pagiging asawa nito sa kanya. Mananatili lamang itong asawa niya hanggat hindi bumabalik sina Mirna sa Amerika. Pagkatapos niyon ay wala na, tapos na. Pareho nang babalik sa normal ang lahat.

Nahulog siya malalim na pag-iisip. Oo nga, ano? Bakit pa ba niya kailangan itong kumbinsihin?

Napangisi siya sa ediyang naisip.


"GUWAPO? Check na check," sambit niya habang isa-isang binabasa ang gustong katangiang taglay sa magiging asawa. Napag-alaman niyang Sean Maximin Cadeliña ang pangalan ng lalaki mula sa butihing kapitbahay niya. Nangalap agad siya ng impormasyon tungkol sa misteryosong kapitbahay. Mabuti na lamang at hindi ito nagduda sa biglaan niyang pag-usisa tungkol sa binata.

Sundalo raw ito kaya hindi masyadong nakikita sa bahay nito o sa buong komunidad. Kaya pala laging nakasara ang bahay na 'yun simula pa noong lumipat siya. Minsan nga ay pinag-isipan niya nang masama ang may-ari niyon dahil nga hindi ito lumalabas. 'Yon pala ay lagi itong wala. He spends most of his time in the war zone. Lalo tuloy nadagdagan ang paghanga niya rito.

Pero bakit kaya mas pinili nitong maging sundalo? Para kasing sayang ang lahi nito kung mamamatay ito ng maaga. Not that she's asking for it to happen, pero sa buhay ng isang sundalo ay walang kasiguraduhan. Mas mabilis ang buhay ika nga ng iba. Anumang oras ay puwede kang mamatay.

Pinagmasdan niya ang iilang litratong nahalungkat niya sa internet. Hindi yata ito mahilig sa social media dahil wala siyang mahanap na account nito.

Sa larawan ay nakapormal ito. Hindi aakalain ng sinuman na isa itong sundalo kapag nakita ang litrato. Mas aakalain ng makakakita na isa itong business man dahil sa suot na three piece suit. Well, he really looked like one. A business man with a strong personality at that. Daig pa nito si Christian Gray sa fifty shades of gray, eh. Pero kung makikita mo ang ngiti nito, tiyak na mawawala ang nakaka-intimidate na awra na nakapalibot dito. He has nice set of pearly white teeth and a great smile.

"Hay," sambit niya saka pinitik ang litrato. "Pahiram muna ng pangalan mo, ha? Sandali lang naman. Mga isang buwan lang." Nginitian niya iyon. "Huwag kang mag-alala, walang ibang makakaalam kundi mga ilang tao lang. At higit sa lahat ay hindi mababahiran ng kasamaan ang pangalan mo. Peksman!" kausap niya sa larawan, nakataas pa ang kanang kamay habang nangangako.

Nangingiting itinago niya sa wallet iyon saka gumayak. Mayro'n pa siyang kailangang gawin. She needs a ring. A real wedding ring. Wala siyang pakialam kung mangalahati man ang ipon niya magkaro'n lang siya no'n.

Inilabas niya ang cellphone at tinawagan si Maricon.

"What?" iritadong sagot nito.

Tumaas ang kilay niya. "Ang init ng ulo mo, ah. Samahan mo ako."

"Hindi ako puwede ngayon. May problema ako."

Napasimangot siya. "Ano'ng problema mo?"

"'Yong hinayupak kong boyfriend ay nakipagtanan sa katrabaho niya. Ang gagong 'yon!" nagpupuyos ng galit na sambit nito.

Kumunot ang noo niya. "Pang ilang beses na niyang ginawa 'yan? Sinabi ko na kasi sa'yong huwag mo nang balikan kapag nakipagbalikan sa'yo. Hindi ka kasi nakikinig, eh. Hayan, sinaktan ka na naman."

Humikbi ito. "I know. Pero mahal ko siya."

She puffed an air. "Okay. Pero mag-isip ka na. Last na 'to, okay? Huwag mo na siyang balikan."

Hindi ito sumagot kundi humikbi lang.

"Maricon, nakikinig ka ba? Marami pang ibang lalaki riyan. Huwag mong hayaan na saktan ka ng paulit-ulit ng isang lalaki. Bigyan mo naman ng karapatan ang sarili mong maging masaya."

"Pero mahal ko nga siya."

"So mas mahal mo na siya kaysa sa sarili mo?"

"I-I guess so..."

Napailing siya. "Think things over, okay? Pupuntahan kita riyan sa bahay mo mamaya. May aasikasuhin lang ako."

"Okay." Iyon lang at pinatay na nito ang tawag.

Napalatak siya. Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Marami nang naging certified tanga ng dahil dito. Naging biktima na nga siya, eh. At sisiguraduhin niyang hindi na iyon muling mauulit.

She'll guard her heart no matter what.

Pero sa ngayon ay mas pagtutuunan muna niya ng pansin ang plano. Tingnan lang niya kung mamatay sa inggit ang mahaderang si Mirna kapag nakilala na nito ang asawa niya.

Hah! Sa akin ang huling halakhak!





P.S Sean's Picture is at the very top. 😊

Hugs and kisses,
Realice 👄

The Pretend Wife & Her GroomWhere stories live. Discover now