CHAPTER 2: Revenge

66 23 5
                                    

Revenge
Keara's POV

Nakakain, nakaligo, at nakabihis na ako ngayon ng uniform dahil may pasok na. Walang kahirap-hirap kong binuhat at isinuot ang backpack ko dahil sinadya kong kaunti lang talaga ang laman at dire-diretso na naglakad papunta sa main door.

"Ma, aalis na po ako." Paalam ko.

"Osige anak! Mag-iingat ka ah? Ubusin niyo ng mga kaibigan mo yung ginawa kong cake." Sambit ni Mama.

"Opo! Ba-bye!" Huling sabi ko bago tuluyang isinarado ang pintuan.

Papasok na sana ako sa kotse ni Kuya nang makita ko yung bike ko na matagal ko ng hindi nagagamit.

Binuksan ko yung pintuan sa passenger's seat. "Kuya, hindi na muna ako sasabay sa'yo. Gusto kong mag-bike." Sambit ko.

"Sige baby, mag-iingat ka ah?" Sagot niya. "Huwag lalagpas sa bike lane." Dagdag niya pa.

"Argh, kuya maingat naman ako, e. Tsaka hindi mo na ako baby!" Asar ko at bumelat pa kay Kuya bago ko sinarado ang pintuan ng kotse.

Hindi ko na nakita pa ang responde niya dahil tinted and sasakyan niya. Umalis na si kuya at inilabas ko na din yung bike ko sabay sinarado ko na rin yung gate.

Habang nagbibisikleta ay masaya kong tinitignan ang paligid at hinayaan ko pang liparin ng hangin ang buhok ko.

Nakuha naman ng atensyon ko yung bagong cakeshop na kakabukas lang last week. Agad akong gumilid at sinandal ang bike ko pagkatapos ay dire-diretso na pumasok sa shop.

Even though binaunan ako ni Mama ng cake, gusto ko pa rin bumali para pang breakfast, tas yung gawa ni Mama for lunch. Minsan lang naman kakain ng sweet, why not sulitin?

"Good morning ma'am." Bati saakin nung cashier. I smiled at her.

Mas lalo naman akong napangiti nang makita ko yung mga sliced cake na binibenta nila. Umupo ako sa tapat ng mga cake na nasa loob ng mirrored ref. I scan each cake and it all looks very sweet and yummy until I saw a vanilla-strawberry flavoured cake!

"Miss, how much for the vanilla-strawberry sliced cake?" I asked after I stand.

"87 pesos, ma'am." Nakangiting sagot nung babaeng cashier. Agad ko namang hinanap sa loob ng backpack ko yung wallet ko.

Nasaan na ba iyon?! Sa lahat naman ng makakalimutan ko, yung wallet ko pa! Hinanap ko na lang yung phone ko at tinanggal yung case dahil naglalagay ako ng pera sa likod nun.

"Good morning Sir!" Bati nung cashier pero hindi ko na lang pinansin pa.

20, 20, 20. 60 pesos lang? Last time I remember, I put 1,000 pesos here!? Awe ganito na ba ako kagastosera sa pagkain? Huhuhu, how about my cake? Tinignan ko pa yung vanilla-strawberry cake at nakasimangot na binalikan ng tingin yung pera ko.

"Miss, can I have all of sliced vanilla-strawberry cake?" Someone asked.

"Yes Sir." Sagot nung babaeng cashier.

Napanganga naman ako at agad na tumingin sa lalaking nakatalikod saakin.

"Sandali lang kuya, pwede bang magtira ka ng isa?" Pakiusap ko.

"Ah, sorry miss, what did you say again?" Tanong niya pagkalingon saakin.

M-marco?! Marco Athelzon standing infront of me!? Asking what I've just said? Yung crush ko na hindi ko magawang kausapin for a year!

"Sir," Tawag nung cashier at nag-abutan sila ng bayad at nung cake. Nagising naman yung diwa ko at malungkot na tinignan yung cake.

"Miss, wala na bang ibang vanilla-strawberry cake?" Tanong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Hater Likes Me BackWhere stories live. Discover now