MIB1⃣7⃣➡ Unexpected na pagkikita

48 4 0
                                    


Anica

" Hoy! Anica! Gising naman jan ano ba?! Kanina ka pa tulala".

Sipain ko kaya toh si Becca.Tatahimik kaya toh?

" Ano bang problema mo?".Mahinahon kong tanong.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot haaay ang arte eh.

" Alam mo teh mukha kang baliw jan.Recess na pero nakatitig ka pa din sa libro mo.Mukha ka na sana nag-babasa eh.Kaso meron bang nagbabasa na baliktad ang libro?".

Huh?

Napatingin ako sa libro ko at nakabaliktad nga.

" Sabihin mo nga sakin yung totoo.Apektado ka parin ba sa sinabi ni Lucas?".

Hindi ako makasagot.May part kasi sakin na medyo oo apektado ako.Kumbaga sa 100 ,24℅ apektado tapos 74℅ na hindi.Naiinis ako sa kanya.Masyado talaga siyang paasa eh.Akala niya hindi nakakasakit.

" Lika na nga nagugutom nako.Kung wala kang balak kumain bahala ka jan.Mamaya aakyat si Lucas.Magkaka---

Hindi ko na pinatapos ng daldal si Becca at hinatak siya.Tuwing recess pa naman palagi silang maaga umakyat sa classroom at wala akong balak na tumbay kasama sila.Nakakapatay ng aura.

Pagdating namin agad naman akong pinaupo ni Becca kung saan nakaupo sila Ezekiel.Katabi ko naman si Ez na busy sa cellphone.Siguro may kausap tong babae.Tss untog ko siya sa cellphone niya eh.

"Chill baby.Kachat ko kuya ko.May pinapabili sa mall eh".Sagot niya sabay kindat.

Bigla naman akong namula wala sa oras.Kaasar ah.Pano niya nalaman na yun iniisip ko? Nakakabasa ba siya? Waaaaah nakakahiya.

"Bakit? Hindi ko naman tinatanong kung sino ka chat mo eh.Chka pakealam ko".Sabay irap.

" Halata kasi pumpkin sa mukha mo.Ang sama sama ng tingin mo sa cellphone ko yung parang papatay ng tao".

Hindi ko na siya pinansin na parang wala akong naririnig.Nakakahiya kaya.Kaya nanahimik nalang ako.Wala naman din akong ganang kumain.Nauurat ako sa pagmumukha ni Lucas ba katapat pa ng inuupuan namin.

Nag wattpad nalang ako sa cellphone ko ng magkaroon ng tilian sa pintuan ng cafeteria.Nilingon naming anim ang pinanggalingan nun pero hindi ko makita kasi maraming babae ang nakapalibot.Really? May artista ba?

Tumayo nalang ako at pumunta sa zagu.Nag-order ako ng large strawberry.Okay pa dito hindi ako mauuhaw eh dun sa nagtitilian wala lang mangyayare kung makikiusisa pako.

Pagtapos kong mag-order at magbayad ng zagu pumunta naman ako sa Jollibee at nag-order ng hamburger.Nakakagutom ehh.Pag-antay ko ng ilang minuto pagtapos kong magbayad papunta na sana ako sa pwesto namin ng may mabangga ako.

Parang slow motion ang nangyare dahil nalaglag ang zagu ko at natalsikan pa ng onti yung uniform ko.Patay ako neto kay mi!

Paglingon ko sa nabangga ko sasambatan ko na sana ng mapahinto ako kung sino ang taong nabangga ko.Ramdam ko sa buong paligid na nasa amin ang buong atensyon na nakatingin samin lahat ng tao dito sa cafeteria.

"Anong ginagawa mo dito?"\ " Anong ginagawa mo dito?".

Seriously? Sabay pa talaga kami.

"Buwisit kang palaka ka!!!".Asar kong sambit sa kanya at pinulot ang natapon kong zagu.

Kaasar! Ano ba ang ginagawa niyan dito? Hindi naman siya dito nag-aaral ah at alam ko something somewhere lang tong palaka na toh eh.Eh bakit siya nandito? Wag mong sabihin na mag-aaral siya dito? Waaaaaaah!!! Noooo waaaay!

My Imaginary Boyfriend Where stories live. Discover now