Ugly

307 14 1
                                    

Zaxrou Junior Atapang's POV


"Hoy! Rou! Bakit ngayon ka lang huh?! 'Diba sabi ko maaga papasok para makapag-practice pa tayo!" Welcome greet sa akin ni Jelamae habang nakapameywang pagkapasok na pagkapasok ko. Tiningnan ko lang siya nang nababagot.

"Nandito na ko, may oras pa. Practice na tayo." Tumaas na lang ang kilay niya saka bumalik sa kagrupo namin sa isang sulok. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at inilagay ang bag saka pumunta sa mga kagrupo ko.

May activity kasi kami at ngayon na ipe-present. Hindi naman kami nakapag-practice ng maayos noong mga nakaraang araw kasi laging may tumatakas o di kaya absent o busy.

Habang nag-uusap sila ay nakikinig lang ako o mas maganda nang sabihin na lutang ako. 'Di ako makapag-move on kagabi. Nawalan ako ng dalawang daan, natalo kasi ako sa LOL. Nakakaasar nga eh, panalo na sana ako kaso naunahan ako ng galaw.

Bye, bye dalawang daan!

"Nakikinig ka ba huh Rou?!" Napatingin ako kay Jelamae na nakapameywang na naman na nakatingin sa akin.

"Oo." Maikling sagot ko. Tumaas ang makapal niyang kilay.

"Sige nga! Kung nakikinig ka, explain mo!" Patay!

"Sus! Ano nga ba ulit 'yun? Medyo magulo pagpapaliwanag mo eh." Nakatikim na lang ako ng batok mula sa kanya. Inis ko naman siyang tinitigan habang hinihimas ang batok ko.

Ang sakit ah!

"Ano ba!"

"Makinig ka kasi!"

"Oo na!"

"Late ka na nga, ganyan ka pa!" Hindi na siya nagsalita ulit at bumalik na siya sa pagpapaliwanag. Buti naman, kala ko 'di na siya titigil sa pagputak. Nakikinig na ako sa kanya nang may sumigaw mula sa pintuan.

"Good morning mga kamag-aral! Nandito na ang pinakamamahal niyong kaklase. Ang pinakamaganda sa room, si binibining Ursula!" Sabay maarteng bow niya, pumasok sa room at dumiretso sa upuan niya para ilagay ang bag sabay takbo sa iba  para makipag-tsismisan. May mga iba nagtawanan sa kanya yung iba naman ay 'di siya pinansin at ang iba ay nilait siya.

Ganyan 'yan araw-araw, walang palya. Araw-araw niya kaming ginagago. Pinamumukha sa amin na maganda raw siya, takte! Eh mas gugustuhin ko pa yung itsura ng baliw na anak ng kapitbahay namin kaysa sa kanya.

Maitim, pandak, ang kapal ng kilay, para ngang kilay ng lalaki eh. Mukha siyang pinapanget na version ni Dora.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya habang dini-describe ko siya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Tinitingin-tingin mo? Crush mo ko 'no?" Napataas ang kilay ko. Sabay taas ng middle finger ko. Umirap na lang siya at bumalik sa mga katsismisan niya. Buti nga sayo!

Lahat kaming mga lalaki ginaganoon niya, may mapansin lang siyang paraan para makapagsabi ng ganoon, gora siya.

Ilang oras lang ay dumating na ang teacher namin, pinag-present niya kami sa harap by groups. At sa awa ng Diyos, nagawa namin ng maayos.

~♧~

"Peksman, mamatay man. Basta't iyong kagustuhan, hindi magdadalawang isip ika'y aking pagbibigyan. Buong oras ko, iuukol lamang sayo. Bulaklak para sa iyo, piso tumpok ang bili ko. May kasama pang lobo."

Ugly but PrettyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant