But

104 13 0
                                    

Zaxrou Junior Atang's POV

Linggo ngayon at syempre walang pasok. Napagdesisyunan ko na gumala. Busy si Mau dahil may projects siyang dapat ipasa. Sila Justine at Dennis naman ay may groupings.

Hindi ko sila mga classmate kaya 'di kami pare-parehas ng mga ginagawa. Iba-iba kami ng kinuhang course.

Habang naglalakad ay pumasok sa utak ko yung nangyari nung nakaraang gabi.

Si Ursula, yung pagluha niya. Yung pag-iyak niya. Yung nalaman ko ibang parte ng buhay niya. Yung tatay niyang lasinggero. Yung nanay niya. Na hindi siya tunay na anak ng tatay niya.

Na ganoon ang antas ng buhay niya.

Na mahina siya.

Naalala ko yung sinabi ko sa kanya noong biyernes. Yung pagsabi ko sa kanya na panget siya, na ang kapal ng mukha niya. Nakokonsensya ako.

Hindi ko naman alam na ganoon pala siya.

Ibang iba kasi ang pinapakita niya sa amin sa school. Ang kapal ng mukha niya sa kabila ng kapangitan niya.

Hindi ko naman sinasadya na tratuhin siya ng ganoon eh. Bad mood lang talaga ako 'nung biyernes.

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagkatapos ko siyang makita sa ganoong pangyayari. Absent siya noong sabado kaya 'di ko siya nakita. 'Di rin ako nakapag-sorry.

Kamusta na kaya siya?

Ano na kayang kalagayan niya?

~♧~

Pauwi na ako galing sa mall. Naglaro lang ako sa arcade. Papunta na ako sa sakayan nang may madaanan akong tindahan.

"Maraming salamat po! Come back again!" Napatingin ako sa nakangiting mukha niya. Ibang iba ang itsura niya ngayon kapag nasa school kami. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagkaiba.

Ang gulo ko ba?

Nakangiting sinundan niya ng tingin yung babaeng customer ng kainan na pinagtatrabahunan niya. Napatingin siya sa akin, nagulat siya sabay turo sa akin.

"Papaano mo nalaman na nagtatrabaho ako rito?! Stalker kita 'no!" Hindi ko alam, pero napangiti ako sa sinabi niya. Nagulat siya dahil sa inasta ko, maski ako nagulat kaya para mawala ang awkwardness ay nagsalita na ako.

"Kapal mo! Ang gwapo ko naman para maging stalker mo." Pabiro kong sabi. Umirap na lang siya pero napansin ko yung lungkot ng mata niya. Takte anong ginawa ko.

"Ghe, tatrabaho na ko." Pagpapaalam niya, at bago pa siya tuluyang makapasok ay nagsalita na ako.

"Sorry." Sincere na sabi ko. Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Sorry saan?"

"Noong Friday, sorry sa sinabi ko." Mas lalong napangunot ang noo niya.

"Seriously? Nagso-sorry ka dahil lang doon? Eh araw-araw niyo naman sinasabi sa akin 'yun?"

"Uy 'di ah! 'Bad mood lang talaga ako noon kaya ko nasabi 'yun."

"Oh-kay. Let's just say na bad mood ka kaya  mas lumala lang iyon. Okay lang, sanay na ako." Dahil sa sinabi niya ay naalala ko ang mga sinabi sa kanya ng tatay niya. Na-guilty na naman tuloy ako.

'Di ko alam kung dapat ba akong mangielam sa buhay niya. 'Di ko naman siya kaibigan o ano, kaklase lang.

"Sorry talaga, 'di ko sinasadya." Yumuko ako ng bahagya para naman malaman niya na sincere talaga ako sa paghihingi ng sorry.

Ugly but PrettyWhere stories live. Discover now