Aaliyah's POV
Natapos na yung program namin sa Smith Univerisity papunta na kami ngayon sa bahay ampunan di naman siya kalayuan sa SU kaya nakarating kami agad.
Pagkadating namin madaming bata yung nagtakbuhan papunta samin. Yung iba iniwan ng magulang yung iba naman mga batang lansangan.
May mga dala kaming pagkain,damit at ano pang mga kailangan nila. Habang lahat sila busy may batang lalaki na lumapit sakin.
"Hello po."sabi niya.
"Hi. Anong pangalan mo?"tanong ko.
"Carlo po." sabi niya.
Ang cute cute niya! Sarap pisilin yung pisngi niya. "Kayo po ba si Ate Ms. Makulit?"sabi niya.
"Huh? Bakit mo naman na sabi?"sagot ko sa kanya.
"Kase po sabi ni Kuya Zack may ipapakilala daw siya sa akin. Si Ate Ms. Makulit,si ate Sam pero simula nung naaksidente si kuya Zack di na niya kinukwento sakin si Ate Sam."sabi niya.
"Sam yung pangalan ko." sabi ko sa kanya.
"Ikaw siguro si ate Ms. Makulit, sabi ni kuya Zack mabait daw siya, maganda at maputi."sabi ni Carlo.
"Carlo nandyan ka pala, kanina pakita hinahanap."boses galing sa likod ko.
"Kuya Zack!"sabi ni Carlo.
"Anong gusto mo?"sabi ni Zack.
"Uhmmmmm... Ice cream."sabi niya.
"Wala akong dala eh. Bili na lang tayo sa labas."sabi ni Zack.
"Sige po. Ate Sam sama ka."sabi ni Carlo.
"Sige kayo nalang."sabi ko.
"Sige na po. Pleaseeeeeeee."sabi ni Carlo kaya sumama na ko.
Pumunta na kami sa labas ng bahay ampunan at naghanap ng mabibilhan ng ice cream. Ang posisyon namin habang naglalakad ay hawak ko yung kanang kamay ni Carlo habang si Zack naman hawak yung kaliwang kamay ni Carlo kaya nasa gitna si Carlo. Gets niyo ba? xD
Nakahanap na kami ng store at bumili ng ice cream. Bumili ng 3 ice cream si Zack.
"Mag-asawa po ba kayo?"tanong nung cashier.
"Opo, mommy at daddy ko po sila."biglang sabi ni Carlo. Tapos umalis na rin kami agad.
"Pagpasensyahan mo na si Carlo ah, masyadong madaldal."sabi ni Zack.
"Hindi ok lang."sagot ko naman.
Pagkadating namin sa bahay ampunan umalis muna si Zack.
"Sam! San kayo pumunta?"tanong ni Nathan na papunta samin.
"Ah bumili lang kami sa labas."sabi ko.
"Sino siya?"tanong ni Carlo habang nakakunot yung noo.
"Si Kuya Nathan. fiance ko."sabi ko.
"Hmp. Ayaw ko sa kanya."sabi ni Carlo.
"Wag ka ng magalit Carlo mabait naman si kuya Nathan mo eh. At hindi naman ako yung ate Sam ni Kuya Zack mo."sabi ko kay Carlo.
"Oo nga. May dala akong toy car laro tayo."sabi ni Nathan.
"Sige po."sabi ni Carlo.
"Sam may ano ka."sabi nu Nathan sabay turo sa labi ko.
"Ano?"sabi ko.
"May dumi ka sa labi." sabi niya sabay punas sa labi ko. Pagkatapos nun naglaro na sila ni Carlo.
Buti nalang at tapos na kami. Sobrang pagod.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's note: Maliit lang UD ko pero okay na yan xD Vote and comment! Kamsa ^^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bring back the Past
All Rights Reserved.2014
@CuttieHunnie
BINABASA MO ANG
FTAS Part 2: Bring back the Past [Short Story]
RomanceFalling in love is like finding a part of you that you didn't realize was missing, and then suddenly you meet someone who completes you and makes you feel whole. But, what if in just one blow all of the memories are gone? This is a love story which...