Chapter 3

1.1K 30 11
                                    

Vhong's Point Of View

Its February 14. Kasal na ng ViceRylle, yung katabi ko kabang kaba

"Vhong. Pa-pano kung hindi ako siputin ni Karylle ?? Pano kung may tumutol tapos sabihing nabuntis ko siya?! Tapos maniwala si Karylle ?! Pano kung habang ikinakasal kami eh may mangyaring masama ? Mabaril kami ?! Hagisan ng granada !? Pano kung iwan ako ni Karylle. Yung lalapit na siya sakin tas sasabihin niya 'I can't do this, Im sorry Vice I don't love you'. Pano k---- ARAY!" binatukan ko siya

"Vice. Sisiputin ka nun. Wala ka naman atang ibang babae bukod kay Karylle diba ? So bakit makakabuntis ka. Wala ka rin namang kaaway. Atsaka yang I don't love you na yan ?? MAHAL KA NUN ! Kaya di niya gagawin yun" tumahimik siya. Mayroon nanaman tong naiisip na ikinakakaba niya -.-

"E-eh di-diba ma-mahal ka din naman ni-ni A-anne? Pe-pero iniwan ka niya" nagulat ako sa sinabi niya

"Ha-hah ? A-ano ka ba Brad ! Di ako mahal nun noh ! Kita mo ngang iniwan ako ! Di pa kami ikakasal nun ha ? Ha-ha-ha" peke lang yung tawa ko. Nandoon parin talaga yung sakit eh. Di mawala wala

"Ano ka ba Vhong ! Mahal na mahal ka ni Anne ! Ikaw mismo naramdaman mo yan. Yung aalis ka papuntang states ? Wag mong sabihing di ka mahal nun. Na tumakbo pa siya papunta lang sa airport...... Mahal na mahal ka ni Anne brad, bilang bestfriend niya alam ko ang nararamdaman ni Anne"

"Pe-pero. Noon lang yun. Nawala na yun habang tumatagal, kung ako mahal niya ? Edi sana di niya ako iniwan di-diba ??......Te-teka ! Kasal mo to ah ! Wag na nating problemahin yung mga taong nang-iiwan" tinignan niya ako

"Mahal mo pa siya noh ??"

"Hi-hindi na brad." Tumahimik nalang kami

"Ok na ba itsura ko brad ?" Tanong niya sa akin. Natawa naman ako

"Aba. Nababaliw na. Anong nakakatawa ?"

"Naalala ko lang kasi nung makikipagbati ka na kay Karylle noon! Haha! Diba ganyan din tanong mo sa akin ?" Napangiti rin siya.

"Oo brad mukhang kabayo parin" yun din ang sinabi ko.. 11 years ago ba yun ? Yeah right. I was 14 years old nun 3rd year. Ngayon ay 25 years old na ko. Mukha namang nakuha niya yung ginawa ko

"Ha-ha-ha hard mo brad" natawa nalang kami pareho, yun din ang sagot niya sa akin noon diba ?

"Hayy.. tagal na nun noh ? Atsaka ! Yun din pala yung araw na nagka-aminan ulit kayo ni Anne diba ??"

"Ha-hah ? Ah oo nga. Sige Brad. Labas na ako ha." Iniwan ko na siya doon. Tsk. Sinasadya niya bang ipasok sa topic si.. si A-anne ??

"hoy Navarro"

"Oh ? Bakit ?" Si Billy pala

"Ready na ba bestman ? Haha!" Ngumiti ako

"Syiempre naman haha"

I Will Get Her Back (VhongAnne Story)Where stories live. Discover now