HS Life 2

19 2 0
                                    

HS Life 2

Takte naman tong si Nathan! Mura lang muna ako ah. TANGINAAAAAAAA MOOOO NATHAAAAANNNNNN!! 


Sorry sa mura haha. Pano ba naman kasi, kinukulit ako. Nakakaano talaga eh! Arggghhh!!

Fyi, di ko po sya boybestfriend. Abangan nyo na lang po sa mga chapter hehe. Classmate ko lang sya! CLASSMATE na may gusto daw sakin. Duh?!! Pake ko sa feelings nya? joke lang hahahaha. 


So ayun na nga, kinukulit nya ako na gusto daw nya akong ligawan. Pero dahil curious ako, um-oo na lang ako. Para may experience kumbaga :< hahaah. Pero walang feelings na involved for him ah! 

Nangligaw sya patago. Syempre, di ko naman sya type, bat ko pa ipapakilala sa parents ko? Kapag pinakilala ko naman, war abot ko nyan sa bahay. Nag iisa kang anak tas babae pa? Tas may manililigaw sayo eh, grade 7 ka palang. Duh! Ayaw kong mawalan ng baon noh?! hahahaha.


Sinagot ko naman sya at tuwang tuwa ang gago.

Pero sya yung first boyfriend ko takte naman!

Maayos naman ang takbo ng relation-shit namin.


At dahil bata pa nga, walang love ang namamagitan samin dahil wala naman akong feelings sa kanya haahahah. Walang sparks mga be! Dahil DI KO NAMAN SYA GUSTO! May kilig pero parang kulang pa eh. Parang hindi pa yun ang hinahanap ko :< 


1 month na kami nang nakipagbreak ako. Syempre, dahil experience lang naman at sobrang immatured pa ang edad at ugali namin para sa relationshit relationshit na yan.


Di naman nagalit sakin si Nathan. Pano ba naman?! Pagkabreak, naghahanap na kaagad ng nililigawan. PAKE KO NAMAN SA KANYA?!


Tuloy ang buhay. ARAL ARAL ARAL ARAL ARAL.


Oh diba? Magsawa kayo kakaaral. Minsan napapaisip pa tayo kung BAKIT KAILANGAN PANG MAG ARAL?! Yung tipong naglelesson kayo sa English tapos sinasabi ng isip mo na, bakit maam? Kapag ba sa Engineering, may ganyan ding lesson? Parang ganun, gets nyo? Ako din hindi eh.

Pero grade 7 palang ako hindi pa ako college mga be!

Aral aral pa, makakalimutan din naman. 

Nakakatamad minsan mag aral noh? Tas yung crush mo, may gf pa rin. Di pa rin sila nagbbreak. Iyaqqq ka na be :<

Favorite subject ko ay MATH.


Bat math? syempre wala lagi teacher namin dun eh haahhahaha. Kaso ang baba magbigay ng grades :<


Isip nga kayo ng pwede nating itopic mga be!

Wala kasi akong magawa dito eh. Tahimik kasi ako, di joke! wala kasi akong kausap dahil may naglilista ng noisy. Pambihira nga eh, ginagawa kaming elementary -_-


Btw, sa mga nagtatanong kung bakit wala dito yung bespren ko. Kasi nasa ibang school sya nag aaral :< Ok lang naman, sanay naman akong mag isa eh.



Sooooo, hanggang dito na lang muna, nandito na yung teacher namin eh. Kbye.


A/N: Ang ikli na naman rayt? Sorry na po. Anong oras na rin po kasi at may gagawin pa ako. Buti na lang talaga suspended ulit klase namin bukas. Baka mag updated na naman ako haaha. Leader pa ako sa isang subject kaya kailangan kong i-balanced ang aking time hehe. Ispoil ko lang kayo sa next chapter. Tungkol naman ito sa bespren nya. I mean BOYBESTFRIEND.

Abangan nyo na lang po, kung ano sya sa buhay ni Cienna. 


Kim Woo Bin as Nathan Suarez

My Highschool LifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя