Chapter 23: Expect the UnExpected

2.2K 59 0
                                    

NOTE: Sorry po kung natagalan ang ud :3

               Si Kate Natsume po ang nasa multimedia

o0o0o0o0o0o0o0o0o00o0o0o0o0o0o0o0o0o00oo0o00o00oo0o00o0o0o

Chapter 23

Expect the UnExpected

(Kate Natsume's Point of View)

Nagtatago ako sa mga estudyante na naglalabanan. Nakatransform ako bilang fire ball at nakatago sa isa sa mga mayayabong na damo.

Hindi ko naman kayang sunugin ang mga damo kahit bolang apoy ako ngayon dahil ang mga dahon sa Wild Camp ay fire resistant. Galing noh? Pero hindi nilang ginawang fire resistant yung mga estudyante.

Pinagmamasdan ko lang ang paligid ng may biglang lumitaw na water arrow sa akin. At dahil tumama ito sa akin bumalik ako sa pagiging tao. Hawak hawak ko ang braso ko nadumudugo dahil sa hiwa na ginawa ng pagtama sa akin.

Sino yun?! Sinong nagpatama sa akin?!

"Ako lang naman!" Pagtingin ko sa kaliwa ko nakita ko siya. Si Narchi!! Yung nakalaban nila Shai nung first day ng Testing Challenges.

May hawak siyang water bow at may dala siyang arrows na nasa isang lagayan sa likod niya. Well! Siya nga yun walang duda!

"Miss Natsume right?" Ewan ko ba kung tanong yun o inaasar lang niya ako eh!!

"What do you want?" Walang gana kong sagot sa kanya. At para lalo siyang maasar tinitignan ko yung kuko ko habang sinasabi ko yun at effective naman. Asar talo talaga.

"Hey!! I'm talking to you!!" Tumingin ako sa kanya, napangisi tuloy ako sa expression sa muka niya at umilag din ng biglang tangkain niya na pagsuntok sa akin.

"Wala akong ganang makinig sayo!" Tumalon ako palikod para magkaroon ng distance saming dalawa.

"Siguro ayaw mo lang matalo noh?!HA! Wala ka pala eh!!" Putek! Ayaw ko nga sumali sa gulo hinahamon pa ako ng panget na toh! Mapagbigyan nga sayang yung mabait na pagyaya niya ng away. Baka umiyak.

"Hoy! Hindi ako duwag! Baka ikaw yung dumag salita ka ng salita dyan eh!" Pagbitiw ko ng mga salitang yun bigla akong nakaramdam ng parang basa yung pisngi ko ng hawakan ko may dugo ng lumalabas dito.

Putek hindi ko nakita yun ahh!!

Patay sakin yang lalaking yan!!

Tumakbo ako papapunta sa kanya at nagpalabas ng bolang apoy sa kanang kamay ko at tinangkang iatake sa tyan siya kaso sinabay niya ang pagatake niya dahil naglabas siya ng bolang tubig at nagkatamaan silang dalawa kaya sumabog at napalipad kaming dalawa sa magkabilang dereksyon.

Pagtapak ko palang sa paglalandingan ko ay napalipad agad ako dahil sa bigla niya pagsipa sa tyan ko. Malayo lang siya sakin kanina ah?

Nasa gitna palang ako ng ere ng bigla nanaman niya akong sinipa sa tagiliran ko at bigla nanaman siyang nawala at nagpakita muli sa likod ko ng bigla akong suntukin ng napakalakas at bumaksak ako sa lupa ng may malaking crater.

Inis!! Ang sakit ng buo kong katawan!!

Pinipilit kong tumayo kaso mukang nabali ang kabila kong binti at napaluhod ako sa harap niya. Natingin lang siya sakin ng may ngisi sa muka niya. Ayos natutuwa siyang nakasakit siya ng babae! Bakla kase! Hindi kinaya yung beauty ko! Sa sobrang ganda ko gusto niyang basagin ang muka ko!

Nagdudugo na din ang muka at ibang parte ng katawan ko dahil sa mga atake niya at pagbagsak ko.

Nakayuko ako pero napataas din dahil hinawakan niya ang muka ko gamit ang buhok ko na hinila niya pataas. Nakangisi parin siya, tuwang tuwa sa kalagayan ko ngayon.

Element MaidenOnde as histórias ganham vida. Descobre agora