Chapter 2

35 3 0
                                    

Audrey's POV
I'm quietly observing the lesson on the blackboard when suddenly the school bell rang.

Tumayo na kami nung naka-alis na yung prof. namin at mabilis na nilagay yung mga gamit sa bag.

"Audrey? Sama ka sa amin?" Tanong ni Maxine nung nakalabas na kami sa room.

"Next time nalang, sasamahan ko pa yung mga kaibigan ko"

"Okay, basta mamaya ha?" Inform sa'kin ni Felix.

Tumango ako sabay ngiti at nauna nang naglakad.

Tamang-tama pagkababa ko nakita ko na agad yung mga pagmumukhang ng mga kaibigan ko.

"Ang tagal ha" Reklamo ni France.

"Kung ikaw kaya yung nasa pang 4th floor"

"Jusko dali na, gutom na gutom na ako" Reklamo pa ni Hailey at nauna nang maglakad.

"So saan tayo kakain?" Tanong ko habang naglalakad na kami.

"Cafeteria" Sagot ni Nikki at naunang nang maglakad habang may kausap sa cellphone.

Mabilis lang kami nakarating sa Cafeteria ng school. Marami-rami na rin yung mga students sa loob dahil nga break time na. Buti nalang ay nakahanap kami ng empty seats, actually isang sofa siya at dalawang armchair na may coffee table pa sa gitna.

si Hailey na yung nag-volunteer na umorder sa counter at tamang-tama ay maikli nalang ang pila nito, dali-dali naming sinabi kung ano yung mga order namin sa'kanya at dali itong tumakbo papunta sa may pila ng counter.

Nagkukwentuhan lang kami na bigla ko nalang naalala na hindi ko pala sila makakasabay sa pag-uwi kasi pupunta ako kila Felix.

"Hindi pala ako makakasabay sa'inyo sa pag-uwi, may groupings na kami" Pag-inform ko sa'kanila.

"Sayang, nag-aaya pa naman si Hailey mag mall" Sabi ni Nikki habang nagso-scroll sa phone niya.

"Anong mall? may groupings na rin kami, baka mamaya ayain agad kami ng ka-groupo namin" Sabi ni France na kinatawa namin

"Wala pa raw ganang gumawa si Hailey, nasa bakasyon pa raw yung utak niya" Sabi ni Nikki. 

Na may biglang nag-vibrate sa bag ko, dali ko kinuha yun at sinagot nung nakita ko pangalan ng kapatid ko sa screen.

"Problema mo?"

"Init agad ng ulo ha, gusto lang naman kita kamustahin jan" Sagot sakin ni Ria. I looked at my phone with disgust when I heard her baby voice. Ay jusko ang cringe.

"Oh come on, gusto mo lang sumagap ng tsaa" Biro ko dahilan para umayos yung boses niya.

"Aaminin kong chismosa ako, pero uunahin ko muna kamustahin yung laitera kong kapatid" Nakikinig lang ako sa mga pinagsasabi niya habang pinapanood si Hailey palapit sa'min na may dalang tray.

Agad ko kinuha yung dalawang frappe sa tabi ko at nilapag yun sa lamesa.

"Hello? may kausap pa ba ako?Ghoster talaga tong si drey"  Sabi pa ni Ria,  loka-loka, ghoster raw ako, labas nga yung mga ghinost ko.

"Baliw, anong ghoster, drop mo nga yung mga ghinost ko"

"Wag na, baka mawalan pa ako ng hininga pag binanggit ko isa-isa" Pang-aasar nito, hindi ko nalang pinansin yung sinabi nito at kinuha na yung Oreo Frappe ko sa lamesa, pareho yung inorder ni Hailey at Nikki which is Caramel Frappe, habang si Zia naman ay Strawberry. may inorder rin si Hailey ng apat vanilla cupcakes.

"oh? talaga ba Ria? pakyu"

"Letse, sila Nikki na nga lang yung kakamustahin ko, wala kang kwentang kausap" Natawa nalang ako sinabi niya habang yung mga kaibigan ko ay nagtataka kung sino ba yung kausap ko.

Back to youNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ