CHAPTER TWENTY-THREE

50 9 0
                                    

RIAZELLE's POV

Hinihintay ko na si Johan na magising dito. Nakahiga lang ako sa tabi niya. Nakakaawa naman siya. Mabuti pang kumain muna ako. Nagugutom narin kasi ako kanina pa ako tinatawag ng tiyan ko na kumain. Tatayo na sana ako nang biglang nagising si Johan at nakaupo na siya.

"Huuhhhhhhh!!" Hingal nitong sabi.
Bigla naman akong lumapit sa kaniya.

"Gising kana pala Johan." Wika ko. Tumingin siya sa akin na parang natatakot.

"Bakit andito ka? Nasaan si Dizelle?" Pagtatanong niya sa akin. Takang-taka ako sa sinabi niya. Ayaw niya ba akong makita kaya niya ito nasasabi?

"Syempre binabantayan kita kaya nandito ako. Si Dizelle? Patay na si Dizelle, Johan." Wika ko. Nagtataka naman ako. Wala ba siyang maalala?

"Anong sinasabi mo? Diba kapatid mo siya? Diba siya nga ang sumaksak sa akin kaya andito ako ngayon." Ani Johan. Di ko siya maintindihan. Anong bang pinagsasabi nito.

"Hoy Johan kung nagbibiro ka itigil mo na yan, hindi nakakatuwa. Ikaw lang naman ang alam kung kapatid. At tsaka hindi ka naman nasaksak no." Pagpapaliwanag ko. Lumiit ang kaniyang mata na para bang nag-iisip ito.

"Diba sabi mo pa nga sa akin na hindi mo ako kapatid kasi ampon ka." Siguro side effect to noong nasa resort pa kami.

Habang nag-uusap kami biglang nagbukas ang pinto at nakita ko sila Niel at Acelyn. Pumasok naman sila sa silid.

"Gising kana pala Johan." Pabungad na sabi ni Acelyn.

"What are you doing here, Acelyn? Bakit hindi ko kasama ang kapatid mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Johan kay Acelyn. Ano bang nangyayari kay Johan?

"Ha?" Nagtinginan kami ni Acelyn. "Syempre gusto lang namin na bisitahin ka. Sinong kapatid? Wala naman akong kapatid. Only Child lang ako no. Nakalimutan mo na ba? Dagdag pa nito.

Ang itsura ni Johan ngayon ay yung parang takang taka sa sinabi namin.

"Ano bang nangyari?" Ani Johan.

FLASHBACK

Hindi ako makapaniwala na si Dizelle ang killer. Nakakabigla lahat ng kaniyang sinabi. Totoo nga ba ang kaniyang sinasabi na motibo kaya niya pinatay ang mga kasamahan namin? Nakakaawa pala siya. Ang bait bait ni Dizelle ngunit binawala lang ng mga kasamahan namin na iba.

Hindi ko alam na nirape pala siya ni Janxent. Nakakaawa si Dizelle. Maging kami ay naiyak sa tinuran niya.

"Paano naman yung clue na binibigay mo?" Sabi ko kay Dizelle. "Bakit palaging Murder Wink ang clue kapag may namamatay?" Pagtatanong ko.

Tumayo si Dizelle at lumayo sa amin. Tumawa siya ng malakas at tila witch kung makatawa.

"Ang tanga mo rin!" Tumungin siya sa aking direksiyon na nanlilisik ang kaniyang mata.

"Dizelle, stop muna ang tarayan. Nagtatanong lang si Riazelle." Pagtatanggol sa akin ni Johan.

"Ah. Ang bait naman ni Johan." Ani Dizelle habang yung mukha niya ay fake na nagmamakaawa.

"Ikaw, naiinis na ako sa'yo!" Ani ko. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Acelyn.

"Ops! Hindi ka pwedeng lumapit!" Mataray na sabi ni Dizelle at nilabas niya ang baril na nasa likuran niya.

"Wag mong ipuputok yan!" Wika ni Niel.

Hinablot ako ni Dizelle. Paramg inaakbayan lang niya ako ngunit nasasakal ako sa kaniyang ginagawa nakatutok ang baril sa aking ulo. Natatakot ako baka mamatay ako.

"Wag mong gawin yan Dizelle. Maawa ka sa kapatid ko!" Ani Johan. Lumalapit si Johan sa kinatatayuan namin ni Dizelle.

Siniko ko ang tiyan ni Dizelle. Upang makatakbo ako sa kaniya. Nagawa ko naman ang tumakbo. Hindi ko alam na ipuputok na pala niya ang baril nang saluhin ni Johan. Natamaan si Johan sa kaniyang hita. Kaya agad itong natumba hindi namin inaasahan na sakto sa ulo niya yung kama kaya mabilis siyang nawalan ng malay. Lumapit ako kay Johan upang tulungan.

"Johan! Gumising ka!" Pasigaw na sabi ko. Naiiyak na lamang ako dito.

"Johan? Hindi ko sinasadya na barilin ka." Ani Dizelle. Binitawan niya ang baril na hawak niya at umiyak rin siya. Tinigna ko siya ng masama.

Napakawalanghiya mo talaga Dizelle. Hinayaan mong lamunin ka ng galit at poot.

"Magbabayad ka sa kasalan mo Dizelle. Wala kanang kawala!" Wika ko. Tumayo ako para kunin ang baril. Ayoko mang madungisan ang aking kamay ngunit kailangan kong gawin ito para wala nang mabiktima pa si Dizelle sa amin. Wala na akong choice kundi barilin si Dizelle. Binaril ko siya sa ulo upang mabilis itong mamatay. Alam ko na kapag sa puso ko tinamaan baka hindi siya mamatay dahil wala siya nun.

Agad ko namang binitawan ang hawak kung baril at pinuntahan agad si Johan.

"Kunin niyo yung phone ni Macie. Maghanap kayo ng signal at tumawag na kayo ng amublansiya at mga pulis." Wika ko kay Acelyn. Agad naman itong kumilos at ginawa ang aking pinapagawa.

-

Makalipas ang sampong minuto mayroon na agad rumesponde sa amin. Tinakbo namin si Johan sa pinakamalapit na hospital dito sa La Union. Tinawagan na rin namin ang mga magulang ng mga namatay naming mga kasamahan.

Ngayong tapos na ang laro makakapamuhay na kami ng mapayapa. Nagyakapan nalang kaming tatlo nila Niel at Acelyn.

END OF FLASHBACK

"So panaginip ko lang yun!" Nakangiting wika ni Johan.

"Ano bang napanaginipan mo?" Tanong ni Niel.

"Wala." Tuamawa naman si Johan. Ngayong walang nang manggugulo sa amin pa.

"Malalagay na tayo sa tahimik. Wala na si Dizelle na papatay sa atin." Wika ni Acelyn.

"Ang mabuti'y ligtas tayo." Ani Johan. Lumapit sila Niel at Acelyn sa amin ni Johan at kaming apat ay nagyakapan.

"Natapos rin natin ang laro ni Dizelle. Kung nalaman ko lang sana agad na siya ang killer edi si Rose lang sana ang namatay." Ani Niel.

"Hindi mo naman kasalanan yun Niel. Basta't ipagdasal nalang natin sila." Masayang sabi ni Acelyn. Party-party na this.

"Oh kailan ako madidischarge dito?" Tanong ni Johan.

"Hindi namin alam." Sabay kaming tatlo na pagsabi.

May dumating na doktor at sinabing pwede na daw madischarge si Johan. Kaya hindi na kami nagpatumpik tumpik pa na ipadischarge siya.

Bumiyahe na kami papunta sa Manila. Para bisitahin sila mama at papa. Nagpaalam na kami sa isa't isa nila Niel at Acelyn.

-

Kadadating lang namin dito sa bahay. At sobrang tahimik dito. Pagbukas ko ng pinto may pawelcome party pala na naganap. As usual nagkamustahan kami nila Mama at Papa kung ano ang nangyari sa akin doon at kamusta na ako.

Maraming naganap mg araw na iyon. Hanggang sa nasa iisang kwarto nalang kami ni Johan natutulog.

"Kalimutan na natin yung nangyari sa Resort na yun!" Wika ko. Tumango na lamang si Johan at natulog na siya.

-----------------------------------------------------------
Nakakalungkot naman.

Vin_JRMadrid

Official Hashtag: #AngPagtataposNgKalbaryo

Murder Wink [Completed]Where stories live. Discover now