CHAPTER 1

5 3 0
                                    

Jhay Giana Andrea Peradilla’s POV

“Ready”

Rinig kong sabi ng couch at manager ko sa earphone ko.

Nakita ko rin ang pag taas ng flag at pag taas ng baril nung babae na nasa unahan ng line at yung nasa taas ng parang tower.

“Get set”

Inistart ko na yung makina ng motor ko.

Nakita ko naman na ganon na rin yung ginawa nong iba.
Kinapitan ko yung clutch at inapakan yung gear shifter na nasa kaliwang paa ko.

Naka focus lang ako sa nasa harap at  sa earphone sa tenga ko.

“Go”

Sa pag sigaw ng manager ko, pag putok nong baril, at pag baba ng flag kasabay nun ang pag bitaw ko sa clutch at pag andar ng mabilis ng motor ko.

Hindi ko pa makita ng maayos yung daan dahil sa nagawang usok ng mga nasa unahan ko.

“Bagalan mo muna.” Sinunod ko naman ang sinabi ng couch ko.

Marami akong naririnig na ingay ng mga tao pero kailangan kong mag focus.

Ito na yung pa zigzag na daan kaya inihanda ko na yung sarili ko sa  pag banking.

“hey, ingat ka sa nasa unahan mo. Hindi sya sanay bumangking. Pag nag kamali yan matatamaan ka ng motor nya.”

Naintindihan ko naman agad yung ibig nyang sabihin.

Kailangan kong gumawa ng paraan para maunahan ito.

Inayos ko yung paa ko. Iniilalim ko sya sa gear shifter, since 1 down 6 up ito.

Nong malapit na ako sa kanya pinisil ko yung clutch then itinaas yung gear shifter gamit ang paa ko.

Pinihit ko pa lalo yung silinyador. Nagawa ko naman agad na unahan sya.

“Nasa pangatlo kana.” Sabi ng couch ko.

Mga couch namin ang taga dikta sa amin kasi sila ang nakakakita sa lahat.

Ang nakikita lang namin ay mga audience, daan at kalaban. Hindi rin namin alam kung pang ilan na ba kami.

May nakita akong motor racer sa unahan ko. Ito na siguro yung second.

Medyo malapit na yung pagitan namin.

Pag bangking nya nag kamali sya.

“Ingat.” Tarantang sigaw ng couch ko.

Wala akong madadaanan. Hindi ko maipihit ng ayos yung manebela.

Pinisil ko nalang yung handbreak at yung break sa kanang paa ko na naging dahilan para makagawa ako ng usok galing sa gulong ng sasakyan ko.

Dumudulas parin yung motor kahit full break na yung gamit ko.

“Anong nangyayari?” natataranta na yung couch at yung manager ko, pati narin yung mga na nunuod.

Pinilit kong iliko yung manebela pero alam kong sasabit parin ako.

“Babangga ka. Itigil mo nalang. Okay nang matalo ka. Pag nag kamli ka dyan siguradong patay ka. Magiging malakas ang impact nyan.” Sigaw ng couch ko.

Binitawan ko na yung preno.

Sorry pero wala sa vocabulary ko ang pag katalo.

No one can beat a person who never gives up.

Pinisil ko yung clutch at inapakan ulit yung gear shifter.

Pinihit ko pa yung manebela.

Magagawa ko ito.

"This is my Story"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant