CHAPTER ²5

41 0 0
                                    

Mio's Part

Bumuntong hininga muna ako ay ngumiti sa kanya bago nag salita

"M.A.K means Mio Andrew Kavinsky "

"P-papaanong ?" Nagtatanong tanong ni ivy

"I got my father's last name..... Remember half brothers lang kami ni migo" sabi ko na ikinatango nya

"Nung mamatay si daddy 2 years old pa lang ako nun lumipas ang ilang buwan dun na nakilala at nakasama ni mommy ang papa ni migo ng malaman yun ng pamilya ni daddy pinilit nila akong kunin Kay mommy dahil daw napapabayaan nya na ako at ayaw daw nila akong madamay sa kasalanan nya bilang kabit ng ama ni migo ...... Walang nagawa ang sila mommy lolo at Lola kundi ang ibigay ako sa pamilya ni daddy dahil tinakot sila na isusumbong nila si mommy sa mga pulis o di kaya sa asawa mismo ng kinakasama nyang lalaki.... Simula nun lumaki na ako sa puder ng lolo ko na ama ni daddy..... Kaming dalawa lang masaya at tahimik na namumuhay... Minahal nya ako ng sobra at para syang si daddy kaya Hindi ako nangulila ng lubos sa pag aalaga at pagmamahal ng mga magulang ko dahil napunan yun ni lolo pero namatay si lolo nung nasa walong taong gulang pa lang ako kaya lumipat ako sa puder ng tita ko nag iisang kapatid ni daddy na walang Anak o asawa...   Yun yung time na lumipat din ako ng school at nakilala kita..... Una kitang nakita nung preschool ka palang at ang tahimik mo sa isang sulok kapag iniiwan ka ng mama mo o di kaya ng kuya mo dahil sa iba sya nag aaral..... Ang cute cute mo nun kaya lumapit ako sayo at nakipag kaibigan... Nung una di mo ako pinapansin pero di ako sumuko ginawa ko ang lahat para mapansin mo ako hanggang sa dumating ang summer at pasukan ulit... Di ko ineexpect na makikita kita ulit sa school na yun kaya lumapit ulit ako sayo pero tulad  ng dati di mo pa rin ako pinansin at sinungitan mo lang ako " sabi ko at mahina ng tumawa at sya naman ay medyo nahihiya yung itsura pero Hindi pa rin sya nag salita at seryoso lang syang nakinig sa akin kaya tinuloy ko na yung kwento ko

"Nung time na susuko na ako saka naman gumawa yung tadhana ng paraan para mapansin mo ko.... Nakita kita sa play ground ng school at binubully ka ng mga babaeng taga ibang level kaya ako itong prince charming mo na to the rescue at ipinagtanggol kita since that day naging magkaibigan na tayo palagi tayong magkasama at kahit summer palagi kang nagpapahatid kanila Tito sa school at magpapaiwan para makapagbonding  tayo o di kaya sa bahay ni tita ka magpapahatid at dun tayo maglalaro.... Parati ka namang may kasamang maid  kapag nagpapaiwan ka kaya may tiwala nun sila Tito.... Kuha itong litrato na ito nung nasa labing isang taong gulang  na ako at ikaw naman ay nasa ikawalong taong gulang huling bonding nating dalawa sa garden ng school dahil kinukuha na ako ni mommy at isasama sa kanila ni migo sa pagtatago... Naalala ko nga na iyak ka ng iyak nun kaya ang ginawa ko pinadevelop ko itong picture natin dalawa pang suvinir..... Pagkabigay ko sayo ng picture di ka pa rin tumitigil umiyak at yumakap ka pa sa akin ng mahigpit tapos may sinabi ka sa akin na kahit kailan di ko makakalimutan" pagpapatuloy ko at huminto ako para suspense diba? Hahahaha


"A-anong sinabi ko? " curious na tanong nya

"Wag na nakalimutan mo na yun e" sabi ko at uminom ng tubig ng nakangiti


"Kuya mio naman e dali na sabihin mo na sa akin" pagkukulit nya sa akin

"Okey okey gusto mo talagang malaman?" Nakangiting tanong ko sa kanya

"Oo" sabi nya habang tumatango

"Nagconfess ka sa akin ng feelings nun sabi mo gusto mo ko at di lang gusto gustong gusto" sabi ko na ikinalaki ng mata nya

"A-anong s-sinagot m-mo ? Hindi Hindi n-nevermind w-wag m-mo n-na lang s-sagutin yun  " Kinakabahang na nahihiyang sabi ni ivy sa akin at uminom ng tubig

"Sinabi ko sayong gusto rin kita at magpapakasal tayo pagbalik ko " nakangiting sabi ko na dahilan para mabilaukan si ivy

*cough* *cough*

Tatayo na sana ako para himasin yung likod nya pero tinaas nya yung isa nyang kamay at sinign na wag na kaya nya kaya umupo na lang ulit ako

Huminga sya ng malalim at humarap ulit sa akin ng namumula ng sobra yung mukha nya pati tenga

"Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya

Tumango sya at huminga ng malalim na parang pinapakalma yung sarili

"So bakit Hindi mo kaagad sinabi sa akin na kilala mo ko nung una tayong nakita sa bahay nyo? at bakit Hindi ka nakilala nila daddy kahapon dun sa charity work na naganap sa hospital?" Sabi nya ng makalma nya na yung sarili nya

"Una Hindi ako lumapit o nag pakilala sayo nung time na nakita kita dahil nakita ko kung gaano masaya si migo ng ipakilala ka nya ayoko naman sirain yun at ayoko rin isipin nya na inaagaw kita sa kanya kaya hinintay ko na lang na ikaw ang lumapit sa akin pero Hindi nangyari yun at napag alaman ko na nadigrasya ka makalipas ang ilang buwan matapos kong umalis at nagka amnesia ka... Yung kanila Tito Hindi ko alam kung bakit di nila ako nakilala siguro dahil sobrang tagal na nun at ang pagkakakilala nila sa akin noon ay prince charming yun kasi ang lagi mong tawag sa akin " nakangiting sabi ko

Naramdaman ko yung pagkailang at niya nya sa akin kaya hinawakan ko yung kamay nyang nasa lamesa

"Wag kang mahina o mailang sa akin dahil sa mga naikwento ko sayo" mahinahon na sabi ko

"Nahihiya ako sayo kasi naman nakalimutan kita sorry.... Sorry talaga kung nakalimutan KO lahat ng alaala natin.... Sorry" sabi nya at yumuko sya

Hinawakan ko yung baba nya at pinatingin sya sa akin

"Look at me vy" sabi ko at sinunod nya naman "Hindi ako galit o nagtatampo ang mahalaga sa akin ay nakita na kita at nasabi ko na sayo yung mga bagay na gustong gusto ko ng sabihin sayo kaso natatakot ako na baka Hindi ka maniwala sa akin atsaka hindi mo kailangan humingi ng sorry dahil alam ko na ako naman talaga ang may kasalanan Simula pa lang e kung Hindi ako umalis kung di kita iniwan EDI sana Hindi ka madidisgrasya at Hindi mo ako nalilimutan kaya I'm sorry vy my princess " sabi ko at ngumiti sa kanya ng sobrang laki


Ngumiti na rin sya sa akin at bigla nya akong niyakap ng sobrang higpit


------------------_-----------------_-----------------_----

Enjoy reading love lots 😍😘

Vote and comment for motivation 💃💃

💞💞💞💖💖💖💟💟💟💝💝💝💕💕💕

I Fell Inlove with my Cassanova Bestfriend Where stories live. Discover now