PROLOGUE

15.2K 192 4
                                    

"MAKIKILALA mo ang lalaking para sa iyo sa pamamagitan ng koneksiyon ng isa sa mga kaibigan mo. Pero..."

Nanlaki ang mga mata ni Aika sa sinabi ng manghuhula. Na-curious siya lalo sa sasabihin pa nito. "Pero ano po?"

"Pero matinding sakit ang mararamdaman mo."

"Ouch! Kawawa naman pala ako. Ano pa po?"

Binuksan ng manghuhula ang isa pang baraha bago nagpatuloy. "Meron akong nakikitang dalawang lalaki. Magkakilala."

"Baka naman po mag-jowa ang dalawang iyon, ha?" Marami na kasi siyang gay friends na natalo pa ang love life niya sa sobrang kulay ng mga iyon.

"Magkadugo."

"Ano ho? Madugo?"

"Mag-ka-dugo."

"Ahh... magkapatid ho ba? Magpinsan? Mag-ama? Maglolo?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya, nakangiwi. Wala pa naman siyang balak pumatol sa mga oldies.

Tiningnan nito ang mga baraha. "Hindi klaro ang nakasaad sa mga baraha."

Napasimangot siya. "Ah, eh, wala ho bang clue kung ano ang hitsura ng mga boylets na 'yon?" tanong niya rito. Umaasa siyang kahit papaano sana ay makakuha siya ng hint sa mga future fafas niya.

Tiningnan uli nito ang mga baraha at ipinatong pa nito ang isang kamay sa dalawang baraha na binuksan nito kanina. "Parehong tisoy ang mga ito."

Naghintay siya ngunit napangiwi siya nang mapagtantong iyon lang ang sasabihin nito. "Wala na po bang iba?" hirit pa niya.

Bumunot ito ng isang baraha sa deck at ilang sandaling nanahimik. Nang akala niya ay nakatulog na ito ay muli itong nagsalita. "Ang makakatuluyan mo ay may tatlong nunal sa may bandang puwit."

"Magkakatabi ho ba o magkakahiwalay?" Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na humagalpak ng tawa. Alam niyang pawang niloloko lang siya ng nag-a-ala Madam Auring na ito pero hindi niya rin kasi maiwasang ma-curious kung ano ang sinasabi sa kanya ng mga baraha nito.

Wala lang. Trip-trip lang.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon