CHAPTER TWO

7.6K 128 5
                                    

HINDI mapakali si Aika nang makapasok sa bahay ni Spencer. Tumawag kasi ito sa kanya kanina at nagsabing hindi siya nito masusundo dahil may emergency muna itong dadaanan.

Itinuro lang nito sa kanya ang direksiyon ng bahay nito at sinabihan siyang sa loob na lang maghintay at didiretso rin ito agad doon pagkatapos ng kailangan nitong gawin.

Pinapasok naman siya ng mga guwardiya at kasambahay at kasalukuyan nga ay naghihintay na lang siya sa sala.

Nagpalinga-linga siya. May kalakihan ang bahay ng mga ito. Pero napansin niyang wala ang mga may-ari doon. Puro kasambahay lang kasi ang nakikita niya na busy rin sa kanya-kanyang mga trabaho ng mga ito.

Hindi niya napigilan ang kanyang kuryosidad at naglibut-libot na lang siya. Kasalanan iyon ni Spencer at ang tagal nitong dumating.

Sa tuwing may nakakasalubong siyang katulong ay nginingitian lang niya ito at okay na. Mukhang hindi strikto ang mga ito. Hindi kaya malagot ang mga ito sa amo nila?

Napatanga siya nang makapasok siya sa isang kuwarto na tila visitors' lounge o kaya naman receiving area bukod sa sala na kinaroroonan niya kanina.

Nasa Europe ba ako at may pa-salon-salon pa sila, ha! 'Taray!

May dalawang malaking pabilog na sofa sa gitna ng kuwarto at may minibar sa isang gilid. May malaking chandelier sa ibabaw ng mga sofa at maraming mga portraits ang nakapalibot sa pader ng kuwarto. May malaking display cabinet na nalalagyan ng mga medals, trophies, at certificates.

Tumitingin-tingin siya sa mga trophies nang makarinig siya ng mga tinig. Nanlaki ang mga mata niya nang tila papalapit ang mga iyon sa kuwarto.

Nataranta siya kaya nagtago siya sa kurtina. Timing naman na bumukas ang pinto.

Unang pumasok ang isang mestisahing babae na mukhang modelo—maganda, matangkad, at slim.

Pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kasunod na pumasok. Bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan ang lalaking naka-suit at kurbata pa rin nang mga oras na iyon. Pero siyempre, ibang set na ng mga iyon ang suot nito.

"So what's the urgent matter that you want to talk about, Migi?" tanong ng babae kay Mr. Coat-and-tie.

So Migi pala ang pangalan ni Pogi... nangingiting isip niya.

Nakita niyang seryoso ang anyo nito pero kahit ganoon ay may nababasa siya sa mga mata nito na hindi niya ma-describe nang lubusan. Pero ang masasabi lang niya, kapag siya ang tinitingnan nito ng ganoon ay malamang natunaw na siya.

Tumikhim ito at hinawakan ang kamay ng babae. Parang biglang gusto niyang lumabas sa pinatataguan niyang kurtina at paglayuin ang mga kamay ng mga ito.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ito nagsalita. "Yvonne, marry me."

Napangiwi siya nang inabot ng lalaki ang kahita na naglalaman ng singsing sa babae. This must be the lamest proposal she ever witnessed. Pero in fairness, may gulat factor din naman.

Napamaang sandali ang babae rito bago nakabawi sa composure. Imbes na umiyak sa tuwa ay hindi ganoon ang naging reaksiyon nito.

Wala na, basted na si Migi-boy...

"Oh, Migi... I-I love you but... but I'm not yet ready for this..." Nakita niyang bahagya itong dumistansiya sa lalaki. "I still have a lot of plans. Alam mo namang nagiging laos na ang model once they get married," dagdag nito.

The Obnoxious Damsel (published/unedited)Where stories live. Discover now