TANONG NA/NG MAHIRAP ANO ANG SAGOT?

192 2 0
                                    



Puwede po ba magtanong?

Kasi di maarok ng aking dunong

Kung bakit nagka ganito

Nangyayari sa buhay ko?

Hirap na hirap ang saklap

Pangangailanga'y di mahagilap

Malaki pa nga ang sweldo sa karaniwan

Bakit kapos pa rin di ko malaman

Sa nais pa'y masakripisyo

At wala kahit isang bisyo

Di rin naman maluho

Kung tawagin pa nga'y kuripot

Matipid na sa lahat

Bakit di pa rin sumapat

Paano pa kaya ang iba

Na talagang sa buhay ay salat

Yung walang matatag na kabuhayan

At kay dami pa ng anak.

Ang tinutuluyan ay inuupahan

Gumagastos pa sa karamdaman

Ano ng nangyayari

Hindi ko talaga mahiwari

Bakit buhay ang salimuot

Tanong ko'y sana'y may makasagot.

-tontodelacruz

07/25/2018

4:50 pm

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tanong na/ng MahirapWhere stories live. Discover now