The last letter.. (ON HOLD)

267 13 11
                                    

A/N: Sorry eto muna sa ngayon. =)) Hope you guys continue supporting me! Lovelots.

Dear Deanna,

Time flies so fast.. Parang kelan lang nung huli tayong magkita.. Yung mga memories, laughters, lahat ng ginawa natin together hindi ko padin makakimutan hanggang ngayon.. Hindi ko inexpect na ikaw na bestfriend ko magiging girlfriend ko at magiging pinakaimportanteng tao sa buhay ko..

Naalala mo pa ba nung araw na umamin ako sayo? Haha. Isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko.. As in. March 2,2009. Fourth year HS tyo. Nasa garden tyo ng school, as usual. Hindi ko alam kung tama ba yung gagawin ko.. Iririsk ko yung friendship na binuo natin for 5 years.. Yung friendship na kinaiingitan ng marami.. Pero sigurado nako, at alam ko sa sarili ko na mahal na talaga kita. Yung tipong sasabog na yung puso ko kasi everytime na magkasama tayo yung tingin mo hanggang magkaibigan nalang tayo.. Hanggang dun nalang.. Hindi ko inisip na may nararamdaman ka para sakin at ang sakit sakit na.. Kaya nung araw na yon naglakas loob ako na sabihin sayo yung totoong nararamdaman ko..

"Deanna, mahal na mahal kita higit pa sa kung sino man. Ikaw yung laging nandyan pagkinaylangan kita, yung nagpapalakas ng loob ko sa mga panahong hindi ako confident, alam mo lahat ng tungkol sakin kahit yung mga flaws ko pero inaccept mo padin ako at ngayon bestfriends tyo.. Hindi ko alam anong ginawa kong mabuti para bigyan ako ni Lord ng bestfriend na tulad mo.."

May ssbhn pa sana ako nun kaso sumabat ka. Haha. Nainis ako nung una kasi hindi mo muna ako hinayaang makapagsalita..

"Sus, tong nerdy ko na bestfriend na to! Ano nanaman bang nakain mo at nagdradrama ka sakin ng ganyan? May kaylangan ka no? Sabihin mo na. Dali na.. Hahaha" sabi mo saakin..

"Meroncakong kaylangan Dee, ikaw." tapos hinalikan kita. Alam kong mali yon pero nadala nako ng mga feelings ko. Akala ko magagalit ka sakin dahil nung una gulat na gulat ka. Pero nasurprise ako sa sinabi mo..

"Akala ko, hanggang bestfriends nalang talaga tayo." Yon ang pinakamasayang araw ng buhay ko..

Sobrang glad ko nung mga panahong yon, yung mga panahong nagswiswimming tayo sa bahay, magtatapunan ng pagkain! Foodfight!! Magrarace kung sino mauna makaubos ng ice cream, maglaro sa ulan, magtanim ng mango na hindi naman lumaki. Haha. At higit sa lahat magsumpaan sa simbahan na magmamahalan tyo until eternity. Naalala mo pa yon? Nung wala tayo ibang masilungan kundi yung simbahan.. Tapos nag exchange tyo ng vows.. Hindi ko makalimutan yon.

Pero ngayon, hanggang ala ala nalang yon.. Kasalanan ko, alam ko.. I'm so sorry iniwan kitang sugatan, luhaan at bigo.

Hindi ko tinupad yung mga pangako ko sayo na hinding hindi kita iiwan. Mamahalin kita habang buhay. Na hanggat sa gusto mo pa ako, andito lang ako lagi para syo..

Pero gusto ko malamn mo yung dahilan bakit.. The reasons why..

Nung araw na nakipaghiwalay ako sayo, hindi planado yon. Maniwala ka. That would be the least of my options. Fuck wala man sa options ko eh. Kasi hindi ko kayang wala ka.. Hindi talaga.. Sa totoo lang may surprise ako nun eh. I bought plane tickets to Palawan kasi sabi mo gusto mo magpakalayo na tayo lang kaya yon.. Pero week before nun habang nagttraining kami ng basketball, i fainted.. Dinalanako sa hospital at pinadiagnose. Sabi sakin ng doctor okay naman daw results ng mga examinations ko. Kaya masaya ako.

Ibibigay ko na sana yung tickets sayo ng makareceive ako ng phone call from my doctor.. Yes, mali daw yung unang results.. May leukemia ako.. Stage 4, dee. Stage 4.. Malapit nako mamatay.. 50 50 nalang ang chance kong mabuhay.

Habang naghihintay ako sa pagdating mo, napaisip ako..

Ayaw kong mahalin mo ako dahil kahit pagbalabaliktarin mo man ang mundo, hindi ko mapapantayan yung pag ibig mo.. Alam kong masakit saatin dalawa pero kinaylangan kong gawin yon dahil yun ang sa alam kong tama. Yun yung easiest way para hindi kana lalo masaktan.. Ayoko kasing makita mokong naghihirap, ayoko maging pabigat sayo.. As much as possible gusto ko masaya ka, problem free.. At ang pakikipagbreak ko lang sayo ang nakikita kong paraan...

Sa mga oras na mabasa mo to, malamang wala nako.. Hindi nako kaylanman makakabalik pa.. Magpapakita sayo.. Magpaparamdam ng mpagmamahal.. Impossible na.. Pero hanggang sa huling hininga ko, gusto ko malaman mo na ikaw ang nasa isip ko..

I will always love you.. I'll be your guardian angel.. I'm now letting you go.. So please do the same thing.. I love you, goodbye..

Love,

Lance

A/N: comment and vote! :)

The last letter.. (ON HOLD)Where stories live. Discover now