5

60.8K 774 16
                                    

NAGMAMADALI siyang bumalik sa bahay nila. Hindi naman talaga kalayuan ang Serendipitea mula sa bahay nila, just four blocks away. Kaya wala pang limang minuto ay nakauwi na siya.

Dali-dali siyang tumakbo sa family room only to find out that her whole family's waiting for her. Nandoon ang parents niya, her eldest sister Roevi and her younger sisters Sarah, Frannie and Nica. Napalingon ang lahat sa kanya pagkabukas niya ng pinto.

"What's happening, Dad?" kinakabahan ngunit kalmadong tanong niya sa ama. Nahalata niya kasing hindi maganda ang mood nito ngayon, "something wrong with Ate?"

"I am not going to Japan! Mamamatay muna ako! Dad! Ano bang problema niyo?! Ano bang hindi niyo maintindihan sa 'Ayokong pumunta sa Japan?'" Galit na ang ate niya sa hindi malamang dahilan. Vas happnin'?

"Roevi Patrice! Where are your manners! Pati ang daddy mo sinisigawan mo na!"

"WILL EVERYBODY PLEASE SHUT UP FOR A MOMENT?!" napalingon silang lahat sa kanya. Kasi naman, ayaw makinig. Nagulat na lang silang lahat dahil lumabas sa family room ang ate niya. Tila nanghihinang umupo naman sa couch ang daddy niya.

"Girls, you go out first. Mag.uusap lang kaming tatlo ng daddy at Ate Louise ninyo. Magpadala na din kayo ng tubig," ani mommy niya sa mga kapatid, "doon na muna kayo sa kwarto niyo."

Pagkalabas ng iba niyang kapatid sa family room ay umupo naman siya sa kabilang couch.

"Dad, seriously, why are you sending Ate Roevi to Japan?"

"She needs some time to fix herself. Where are your sister's manners, Louise? Hindi ko alam kung saan ako nagkamali sa pagpapalaki sa kanya. Masyado kasing naspoil yan eh," inihilamos na lang ng daddy niya ang mga palad sa mukha nito, "Tell me, am I a bad father?"

"Sweetheart.."

"Dad! How could you say that?! You are the best father one could ever have. Si Ate, may pinagdadaanan lang siguro yan. She can be a brat sometimes but I know she still respects you. Dad, we look up to you. But please, just let her be."

"She can always share her problems with us, anak. We're always here for all of you. Kami ng mommy niyo."

"I know, Dad. I know. Kakausapin ko si Ate, okay? Take your meds and take a rest. Both of you. Kailangan niyo yun." Yun lang at lumabas na siya ng pinto.











ROHANN was standing in front of Serendipitea, thinking if he's going inside or not. Pero tila hinihila siya ng establisyimento papasok kaya nagpahila na din siya. He found himself in front of the cashier, looking and waiting patiently for Louise to come out. Where is she? ani ng tinig sa isip niya. Ngunit hindi si Louise ang iniluwa ng office door kundi ang barista nito.

"May I take your order, Sir?" Nakayukong tanong ng barista-slash-cashier sa kanya.

"Where's your manager?" Nagulat yata ito sa tanong niya kaya bigla itong napatingala at tinitigan siya. Iyon na din yata ang hudyat na dapat na siyang tumakbo. Or maybe not.

"Mr. Madrigal, fancy seeing you here! Hinahanap niyo po si Ms. Louise?"

"Yes, I think."

"Nasa dance studio po siya ngayon, Sir. That's 5 blocks away from here. Hindi po kasi siya nakaschedule pumunta dito ngayon sa shop."

Dance studio? "Oh, I see. Pwede ko kaya siyang puntahan doon ngayon?"

"Opo! Allowed naman po ang visitors doon."

"Alright. Anyway, two pearl milk teas, please."

Napangiti na lang ang barista sa kanya at pinaasikaso ang order niya. A couple of minutes later, he was out walking towards the dance studio. Hindi naman pala malayo ito, sa loob loob niya, at kumpleto ang village ah. Hindi kasi siya nakapag.ikot ng maayos nitong mga nakaraang araw dahil panay ang punta niya sa Serendipitea. Kada punta niya, umaasa siyang nandoon ang magandang may-ari ng milk tea shop.

Hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng dance studio. There were kids going inside the studio with their yayas. But one woman carrying a crying little girl caught his attention. Louise.

She was wearing tights and leotards and a loose shirt, her hair was messy all over but she still looked like a goddess. Hindi matatawaran ang kagandahan nito, anuman ang isuot nito. Sinundan niya ito papasok hanggang sa humantong sila sa isang malaking kwarto. She went inside the room with the little girl and sat for a while. Pagkaupo ng mga ito'y kinausap nito ang bata at himalang tumigil sa pag.iyak. And then she stood up and faced the kids. There are more or less 10 little girls doing spins and swirls and all the ballet steps he cannot think of. Masayang nagtuturo si Louise ng ballet sa mga bata and she was doing it gracefully. He was enjoying the view when one of the girls shouted, "Teacher may nanonood po!" ngunit huli na para magtago ulit siya. The girl walked towards him and opened the door widely. All he could do was smile.

It had to be YOU.Where stories live. Discover now