Chapter 25

1.9K 292 2
                                    

Dane's POV

Day 3 intrams..

Nandito kami ngayon sa classroom hinihintay ang bell bago magsimula ang games.

"Ang bagal naman ng bell!" Reklamo ni Nick. Napatingin ako sa kanya at inirapan. Kanina pa naman kasi siya reklamo ng reklamo keso daw ang tagal ng bell at ilang ulit na niya yan sinasabi sa amin.

"Bakit ka ba atat? May game ka ngayon?! May game ka?" Pang aasar ko. Nakakairita na kasi siya eh, tiningnan niya ako ng masama at tumawa naman si Couz.

"You know what Couz? Excited lang yan sa volleyball mamaya.." Natatawang sambit ni Chloe kaya napataas ako ng kilay at tiningnan si Nick. Eh mauuna pa ang swimming kesa volleyball ah! May game kaming tatlo ngayon pagkatapos nung swimming at si Nate ang lalaban sa section namin sa boys at ako naman sa girls. Medyo kinakabahan nga ako eh.

"Duh! Mauuna kaya ang swimming ngayon at mamaya ang volleyball sa hapon pa yun.." Sabi ko at napatingin si Couz sa akin at ngumiti ng nakakaloko kaya napangisi ako at tiningnan namin si Nick.

"Kaya naman pala!!" Sigaw namin at tumawa ng pang aasar.

"What?" Takang tanong ni Nick kaya inirapan ko siya. Painosente pa ang gaga.

"Maang maangan pa ang letse!" Sigaw ni Couz kaya natawa ako.

"Gusto mo lang mapanood si Nate eh!" Sigaw namin at inasar siya ng inasar hanggang sa nag bell na.

Ring ring ring..

Napatayo kami at nagka tinginan.

"Hindi pala excited ah!" Pang aasar naman ni Nick sa amin pero tinawanan lang namin siya ni Chloe at nauna ng lumabas.
Nang makarating kami sa pool agad kong nakita si Nate at lumapit sa amin.

"Ready ka na ba?" Tanong niya kaya napatango ako. Binigay niya sa akin ang mga safety gears na susuotin namin kaya pumasok na kami sa Cr at nagpalit ng damit. Magka partner kami ni Nate. Kailangan kasi boy and girl kaya ako na ang nag representative. Ayaw pa sana ni Nate at Chloe pero nagpumilit ako kaya wala na silang nagawa pa. Nang makapag palit na ako ay lumabas na ako. Sakto namang lumabas na din si Nate at lumapit sa akin.

"Are you sure na kaya mo?" Nag aalalang tanong niya kaya ngumiti ako at pinisil ang ilong niya.

"Don't worry kaya ko.." Sagot ko at nag alinlangan naman siyang tumango kaya napairap ako at natawa.

"Kaya ko pa naman e. It's my life style.." Sabi ko at nauna ng lumabas.

Naabutan ko sa labas na andaming tao na manonood, may kanya kanya pa silang banner. Napatingin ako kay Nick ng bigla siyang sumigaw.

"Go Just!" Sigaw niya at tumalon talon pa habang nakahawak ng malaking banner at winagayway. Baliw talaga. Napangiti ako at napatingin kay Couz, ang seryoso ng mukha niya kaya napailing ako.

"Go love!" Sigaw ni EJ kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti kasama niya si Tristan, Alex at Jan Dane na may hawak na banner at pompoms kaya natawa ako. Ang cute cute nila. Napakamot sila ng kinantyawan sila ni Nick at tumabi sa kanila.

'Prrrtt'

Magsisimula na, kaya napatingin ako kay Nate ng pwumesto siya kasama ang mga ibang kalahok. Pwumesto na rin ako sa kabila sa harap niya. Siya kasi ang mahuhuli at ako naman ang mauuna. Girls daw kasi ang mauuna para sa mga boys naman ang huli hanggang sa finish.

Suminyas ang coach at ipinutok ang hawak niyang baril hudyat na magsisimula na. Nag strength ako at nag dive at sinimulan ng lumangoy. Kaya ko to! Aja!

Nicole's POV

Unexpectedly In Love With The Campus HeartthrobWhere stories live. Discover now