Chapter 1

13.3K 196 3
                                    


A/N - Sequel ito ng A Taste Of Honey (Posted na dito ang nasabing kuwento kaya I suggest na basahin ninyo muna iyon bago ito.)


NAALIMPUNGATAN si Honey sa mainit na haplos at halik ni Dick sa kanya. Bago pa man niya nakuhang dumilat, tinakpan na ng maalab na halik nito ang mga labi niya. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa kanyang mga hita. Ilang sandali na dumama doon. Masarap at mainit na mga paghaplos bago dumako ang daliri nito sa garter ng bikini niya. Kusang umangat ang balakang niya para mas mabilis na mahubad ni Dick iyon sa kanya.

She moaned softly when she felt his hand between her legs.

"You're ready for me, hon."

Mas malakas na ungol ang naisagot niya sa sinabi nito. His hand was doing sensuous magic on her feminine folds. Gising na gising ang bawat himaymay ng katawan niya sa masarap na kiliting binuhay nito sa loob niya.

Inililis ni Dick ang pantulog niya hanggang sa itaas ng dibdib niya. Siya na ang kumilos para bumangon at tuluyang hinubad ito. Hinubad din niya ang sando ni Dick. Nang dumako ang kamay niya sa waistband ng boxers nito, hinayaan din siya ng asawa na ibaba niya iyon.

His hardness sprang free. And she was captivated at the sight of him. Inabot niya iyon at marahang ikinulong sa kanyang kamay. Her thumb touched the smooth head. Ilang beses na pinaikot-ikot niya ang daliri niya doon.

Kinabig siya ni Dick at mariing hinalikan habang ang isang kamay nito ay ginigiya pa ang kamay niya kung paanong kilos ang gagawin sa pagkalalaki nito. Of course, she knew how to do it right. Her hand moved up and down to his steely length, gently massaging him, and feeling him getting bigger and harder under her touch.

Marahan siyang inihiga ni Dick at pinaghiwalay ang kanyang mga hita at saka pumwesto ito sa pagitan niyon. He kissed her lips again. Bumaba ang halik na iyon sa kanyang leeg at nagtagal sa dalawang umbok ng kanyang dibdib bago gumawa uli ng maliliit na halik pababa pa.

Napakiwal siya nang maramdaman ang mainit na labi at dila nito sa kaselanan niya. "Dick," she whimpered. Mas nagtagal ang maiinit na halik nito doon. Mas nagsasaliksik. She was almost begging him to be inside her when he finally stopped kissing her there. Minsan pa ay iniungol niya ang pangalan ni Dick nang magsimula siya nitong angkinin.

Paulit-ulit na inangkin siya ni Dick nang gabing iyon. At paulit-ulit din na ipinagkaloob niya ang sarili niya dito.

"I love you, hon," anas nito.

"I love you, too."

He kissed her again. At saka mahigpit siyang niyakap nito bago nakatulog sa kanyang tabi.



"GOOD morning, wife!"

Ginising siya ni Dick sa pamamagitan ng maraming maliliit na halik na ginagawa nito sa buong mukha niya.

"Parang hindi tayo puyat, ah?" nakangiting kantiyaw niya dito nang dumilat siya.

"Hindi naman. Puyat na puyat lang. Masarap nga sanang bumabad na lang sa kama kung wala lang tayong lakad."

Sukat sa narinig ay napabalikwas siya ng bangon. May pupuntahan nga pala sila. Pagtayo niya ay bumuway ang tindig niya. Nakadama siya ng pagkaliyo.

"Easy," sabi ni Dick na nakahawak agad sa kanya. "Hindi naman natin kailangang magmadali."

"Ano bang hindi?" Mas nakadama pa siya ng panic nang matanawan ang oras. Alas siete na nang umaga. "Oh, my God! Dapat nasa biyahe na tayo niyan. Nakakahiya. Late na late na tayo."

More Taste Of Honey - Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon