Ikaw

14 3 2
                                    

Ikaw 'yung simuno---
Ikaw 'yung paksa.
Ikaw 'yung panaguring naglalarawan  sa isang magandang kabanata.

Ikaw 'yung malaking titik sa unahan ng mga salita---
Sa'yo nag-uumpisa---
Ikaw yung simula.

Ikaw yung kuwit sa pagitan ng dalawang salita.
Ikaw yung nagpapakalma---
Ikaw yung buntong - hininga---
Ikaw yung pahinga.

Ikaw yung tuldok pagkatapos ng mahabang talata.
Ngunit, hindi iyon nangangahulugan na tapos na---
Dahil, ikaw rin yung tuldok - kuwit---
Nagpapahiwatig na kailangang magpatuloy dahil may kasunod pa.

Ikaw yung tandang padamdam na hindi nakakairita kahit nagagalit na.
Ikaw yung elipsis---
Nakakabitin ka---
Nakakamiss ka.

Ikaw yung kudlit na nagsasabing
" 'Wag kang mangamba--
Magkulang ka man, bubuoin kita. "
At, ikaw man yung tandang pananong na madalas magduda---
Ikaw pa rin yung tanong na di ko pagsasawaang sagutin kahit paulit- ulit pa.

Ilang ulit man nila akong ikulong sa loob ng panakolong---
Pipilitin ko pa ring kumawala.
Walang anumang gitling ang maaaring mamagitan sa ating dalawa.
At sana---

kung pahihintulutan man niya---
sa kapangyarihan ni Bathala---
sa iisang panipi tayo ay mapag - isa.
Tila ba tutuldok na di na magpaghihiwalay pa.

-akda ni Nned Neddic

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IKAWWhere stories live. Discover now