Twenty Eight

649 27 1
                                    

JUNGKOOK'S POV

"Ah, nandyan na pala siya hyung, akala ko kasi..

uhm, oo , pauwi na din ako,

sige hyung. Bye."

Nakauwi na pala siya. Mabuti naman kung ganun, akala ko kung napano na siya eh.. gabi na din kasi.

FLASHBACK

"Nag-away kami ni Kathneese, Jungkook. Hindi na kita matutulungan kay Kathneese, galit siya sa akin :("

"Ayos lang yun Ariel, huwag kang magalala, teka, nasan na ba si Neese?"

"Yun nga eh, kanina ko pa din siya hinahanap, inikot ko na yung buong school pero wala siya. Nagtanong na din ako, may nakapagsabi sakin na lumabas daw siya ng campus."

"Teka, may klase pa siya ah?"

"Oo nga eh. Hala, Jungkook.. ayokong mapahamak na naman siya ng dahil sakin.." nagaalalang sabi ni Ariel.

"Huwag kang magisip ng kung anu-ano. Sige, hahanapin ko na din siya, itetext na lang kita once na mahanap ko na siya."

END OF FLASHBACK

Saan kaya galing yun? Hindi naman niya ugaling magcut na lang basta basta eh *sighs*

Grabe, pagod na pagod ako kakahanap kay Neese. Hindi talaga ako tumigil kakalakad mahanap lang siya, mabuti naman at walang nangyaring masama sa kanya.

Tahimik kong binuksan yung gate, dumaan ako sa likod ng bahay, may hagdan kasi dun papunta sa kwarto ko eh.

Aakyat na sana ako nung mapansin ko si Neese sa may terrace. Tsk. Nakita ba niya akong pumasok sa gate? O________O

Patago ko siyang pinagmasdan, tulala siya at mukhang malalim ang iniisip. *phew* mukhang di niya naman ako napansin.

Ano kaya ang iniisip niya?

Maya maya ay nagring yung phone niya. Huminga muna siya ng malalim bago niya ito sinagot.

"Hello?

Ah, hindi pa naman..

Uminom na ako ng gamot kaya di na masyadong sumasakit.

Hmm?

bukas?

wala naman bakit?"

sino kaya yung kausap niya? impossible namang si Ariel, magkagalit nga sila eh.

"Date??"

mukhang nagulat ata siya sa sinabi nung nasa kabilang linya.

Ano daw? Date?? as in date?

"Ah, pwede naman. Anong oras ba?

ahh, sige. kita na lang dun.

Goodnight din. Bye."

Binaba na niya yung tawag at pagkatapos ay pumasok na din siya sa loob.

Makikipagdate si Kathneese??

Andwae!! Hindi pwede!!

Neese~

Ayoko. Akin ka lang di ba? *pouts*

-

Aiish!

Madaling araw na pero balisa pa din ako -_______-

Iniisip ko kung sino yung idadate ni Kathneese.

Kelangan kong malaman.

Alam ba niyang may boyfriend na yung tao!? Unfair! Hindi talaga pwede to.

Aiiiisssssssshhhhh!

Napaupo ako sa kama sa sobrang inis ko. Useless na din naman kung hihiga pa ako. Di na din ako makatulog.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto, sarado na yung ilaw sa hallway. Tulog na siguro ang lahat.

Lumakad ako ng konti at tumigil sa harap ng pintuan ng kwarto ni Neese. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto, tanging tunog na lang ng aircon ang maririnig.

Hinawakan ko na yung doorknob.

Tama ba tong gagawin ko? Paano kung magising siya? Ay oo nga pala.

Gusto ko siyang makita. Namimiss ko na yung girlfriend ko.

Naaalala ko pa dati, kapag namimiss ko siya, pumupunta pa ako sa kanila kahit gabing gabi na. Aakyatin ko yung mababang terrace ng kwarto niya, tapos magugulat na lang siya kinabukasan, katabi niya na ako pag gising niya :)

Namimiss ko na yun.

Hindi ko namalayan na naikot ko na pala yung doorknob at dahan dahan ko ng nabubuksan yung kwarto niya.

Pumasok ako sa loob. Kinakabahan ako pero kusang lumalakad yung mga paa ko papalapit kay Kathneese.

At ayun, nandoon siya, ang girlfriend kong mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa kama niya.

Hindi siya nagpapatay ng ilaw kaya naman kitang kita ko ang napakaganda niyang mukha.

Iniayos ko yung buhok niyang nakaharang sa mukha niya at inipit ito sa likod ng tenga niya.

"Neese." tawag ko sa kanya.

Malakas ang loob kong gawin iyon. Kilala ko si Kathneese, hindi yan basta basta magigising unless na lang kung kilitiin mo siya sa paa niya.

"Kathneese." this time, medyo inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya.

Hahahahaha Kathneese talaga :")

"Ayaw mong magising ah~"

Inilapit ko ang mukha ko sa pisngi niya, the tip of my nose touching her soft cheek.

Ilang years na din ang nakalipas na ganito ako kalapit sa kanya.

"Balita ko makikipagdate ka ah?"

I was talking to her, na para bang naririnig niya ako.

"Psh. Nakakita ka ng mas gwapo sa akin? Na mas gwapo pa sa boyfriend mo?"

"Sino ba yan? Alam niya bang taken ka na?"

"Nako Neese, kilala mo naman ako pag nagseselos.. Hahaha"

I kissed her on the cheek. Di ko na matiis eh~ :") Siya kasi, pati pag tulog kelangan cute pa din? ^^v

"Sige na nga, dahil nanakawan na kita ng kiss, papayag na kong makipagdate ka. Pero last na yan ah!" I pouted. Mukha naman akong ewan dito. Hahaha Para kong kinakausap yung sarili ko :)) Hahaha

Kinuha ko yung sticky note at nagsulat ako ng note doon. Idinikit ko iyon sa alarm clock niya para mabasa niya iyon kinabukasan :)

*yawns*

Haay salamat, dinalaw din ako ng antok. Si Neese lang pala ang kelangan ko eh.

"Good Night Neese. I love you."

I said, giving her a good night- err.. I mean, an early morning's kiss :")

---

An: Yes! Kinikilig ako sa chapter na to! Weeeee~ 2 days straight tambay sa bahay :) Kamusta naman kayo guys? Comment naman kayo! Hahahahaha

Thank you sa mga magbabasa nito until the end :) malapit na din to matapos :) At malapit na ding lumabas si J-Hope :)

~MishieKai

A Peculiar Love Story (Jungkook Fanfic) COMPLETED!Where stories live. Discover now