Queen Bravery

40 7 0
                                    

Sa mundo ng Haraya may isang reynang naninirahan dito na ang pangalan ay Bravery. Tinatawag siya ng kaniyang mga alagad na kapwa diwata na Inang Kalikasan.

Sa mundong tiniterhan ni Bravery ay maraming magagandang tanawin ang naroon. Bahay na malapalasayo sa laki. Nagtataasang mga puno, malulusog na halaman at mga bulaklak, ang napakalinis na ilog batis. Kahit nag-iisa lamang si Inang Kalikasan sa kaniyang mundo dahil may sari-sariling binabantayan ang kaniyang mga alagad na diwata sa mundo ng mga tao ay hindi naging malungkot ang kaniyang paninirahan sa mundo ng Kinikita pagkat nakakausap niya ang namumuhay na mga nilalang na naroroon. Si Reyna Bravery ay isang napakagandang diyosa. Maraming humahanga sa kaniya dahil sa angking kabaitan,punong-puno pa ng kabusilakan ang kalooban.

Isang araw may dumating na diwata sa mundo ng Kinikita, ang tagapangalaga ng dagat na si Marine,isang babaing sirena na may kakayahang magpalit ng anyo para kamalakad.

"Inang Kalikasan," magalang na sabi niya sabay yuko tanda ng pagrerespeto.

"Diwata Marine!"nagagalak na sabi ng reyna. "Anong maipaglilingkod ko?"

"Nandito ako upang ipaalam sainyo na sobra na ang pang-aabuso ng mga taga lupa sa dagat."

Pagkabanggit ng diwata niyan ay agad nawala ang masiglang aura ng inang kalikasan.

Hindi sumagot si Reyna Bravery kaya nagpatuloy sa pagsasalita ang diwata. "Madalas nilang tinatapon sa mga ilog o karagatan ang mga basura nila. Yung langis naman ng mga barko ay binubuhos lang sa dagat kaya maraming isada ang namamatay. Yung mga pagong naman at pating ay nagkakasakit na dahil nakakakain ng basura at di magtatagal ay mamamatay rin." malungkot na pahayag ni diwata Marine.

"Higpitan mo ang pagbabantay sa
mga naninirahan sa dagat Marine. Pero wag na wag kayong mananakit ng mga tao, naintindihan mo?" paalala ng inang kalikasan. "Pwede kang mag-anyong tao upang ipaunawa sakanilang di dapat dungisan ang karagatan."tanging suhesyon ng inang kalikasan.

Pagkatapus ng pag-uusap ni Reyna Bravery at diwata Marine ay agad nagpaalam ang diwata upang umpisahan ang kaniyang tungkulin.

***

"Reyna Bravery, tila tumitindi na ang kapusukan ng mga tao sa ating kalikasan. Marami na silang pinuputol na kahoy sa kagubatan kaya marami ring mga hayop ang nawawalan ng tirahan. Yung ibang hayop naman ay pinapatay nila o di kaya'y hinuhuli kaya maraming nanganganib na mawala." nalulungkot na pahayag ng diwata, ang tagapangalaga ng kagubatan.

AndreiaWhere stories live. Discover now