Chapter 1 First Met 👥

1.9K 31 0
                                    

Ito yung araw ng kinasasabikan ko sa isang buong linggo yung tipong nagiging masipag ang tamad , yung nagigising ng maaga yung subra kong makatulog  ito kasi yung nakasanayan kong araw na magsisimba tapos pupunta ng luneta kakain maglalaro tapos bibilhan ako ng bago ni nanay. 5:00 palang ng umaga gising na gising nako kahit ang mga tao sa bahay humihilik pa eh at dahil nga sira ulo ako kapag linggo sumigaw ako " GISING !!! MGA KABABAYAN "

Nakita ko pa yung mga baklitang kapatid kong nahulog sa higaan dahil sa lakas ng sigaw ko habang di ko naman namalayan na nasa likod ko pala ang tatay ko habang ako mamamatay na sa kakatawa" ano ga nakain mo bat sumisigaw ka? Gusto mong kuyogin tayo dito sa pageeskandalo mo? "  natuktukan tuloy ako " aray tay ha shekeet nun ah!" Pagmamaktul ko na pigil ang tawa
" sheket sheket muka mo kayo din nmn kasi magsigising na " nabatukan ulit 

Vice : tay!muka di ulo tay ito oh! Ganda ganda ng muka ko tutuktukan mo!

Tatay Reynaldo : tumigil ka nga ! Bumabakla ka na naman sinasabi ko sayo

Vice : luh? Tay sino bang bakla ?

Ito talaga yung pinakaayaw ko kapag naglolokohan kami ng tatay ko lumalabas pagkatao ko ako nalang kasi yung di pa nagpapakatotoo yung mga kapatid ko free na malaya na sa mga gagawin nila kaso si tutoy ito tago tago muna. Etchoos naman
Mga ilang oras nakagayak na sila nanay at tatay para pangsimba ang totoo di naman simba kinasasabikan ko yung sa luneta yung makakakita ako ng maraming namnam lalo nat linggo ngayun maraming tao.

(Fast Forward)

Yey! Papunta na kaming luneta ! Di na mapakali paa ko sarap tumakbo kaso nahihiya ako baka maiwan ang pares ng sapatos ko kase naman eh ang binili ang luwang luwang

Nanay Rosario : teka dito muna kayo ah bibili lang ako makakain Tutoy dito ka lang wag kung saan saan pumupunta

Vice : yes mader

Sa di kalayuan may nakita akong nagpaparade nagtataka ako ano kayang meron ngayun bat may parade eh dahil nga anak ako ng etchosera lumapit ako dun sa maraming sumasayaw habang palapit ang nagpaparade malapit sa kinatatayuan ko kita ko na agad yung babaeng iba ang uniporme sa lahat nakakulay rosas siya na siya namang naging dahilan kaya tumingkad ang kanyang kaputian sabayan pa ng sapatos niyang kakulay ng suot niya habang sumikimbot kimbot sa daan. Lumapit ako kung saan alam kong dun daan yung nagpaparade. Pero sa lahat talaga ng unang nakita ng mata ko ay yung babaeng iba ang uniporme sa mga sumasayaw siya yung pinakaunang babae na makikita mo na sumasayaw nakasuot ng kulay rosas na damit na medyo may kababaan sinamahan naman ng sapatos na hanggang tuhod na bumagay naman sa kanya dahil lalong tumingkad ang kaputian niya.

Vice : gandang babae 😊

Habang kumikembot kembot yung babae todo naman ang ngiti nito na lalong nagpapaganda sa kanya pero teka bakla ako ah. Palapit na ng palapit ang babaeng sumasayaw kaya nung nagkataon ako na makausap siya kinausap ko ng walang keme keme.

Vice : ateng ganda mo ah akin nalang yan

Sa pagkakasabi ko nun ngitian lang ako ah! Muka ba kong nagbibiro?. Sa mga oras na yun natulala ako namutawi sa utak ko yung ngiti niya habang sinusundan ko ng tingin yung parade kung saan hihinto hanggang sa di ko namalayang nasa likod ko na pala ang nanay ko.

Nanay Rosario : ano ka ba naman ? Nandito ka lang pala wala kang pagkain !

Vice : nay ! Naman eh

Tumakbo ako papunta sa kinaruruonan ng tatay at mga kapatid ko sabay kabig ng isang plastik ng litsong manok na siya namang kinabigla ng tatay sa ginawa ko.

DESTINY'S PLAY ( VICEJACK💑)Where stories live. Discover now