CHAPTER 12 : LOVE or INFATUATION?

450 13 0
                                    

"Good morning mommy" bati ni jaki sa mommy niya sabay halik sa pisngi

" oh gising ka na pala kumain ka na dito " pag aaya ng mommy ni jaki

Pumupungay pungay pa si jaki at halatang halata na namamaga ang mata dahil sa kakaiyak kagabi.
Saktong umupo na si jaki nga eopen up ng mommy niya ang topic.

" san nga pala kayo pumunta kahapon ni tom? Nag paalam yun sakin na igagala ka daw " sambit ng mommy niya habang kumakain.

Nakadungo lang si jaki para di makita ng mommy niya ang pamamaga ng mata niya.

" ah yun my wala di kami natuloy kasi napagod ako sa rehearsal namin para sa Championship ng la salle at ateneo " sagot ni jaki na kunware naghihimay ng karne .
" ay ganun ba hanggang kailan ba yang rehearsal niyo? " tanong ulit ng mommy niya

" baka mga 3rd week pa mommy" agad na sagot ni jaki.

Mga ilang subo pa lang eh bigla nalang tumayo si jaki.

" oh di ka pa tapos kumain ah" pag aalala ng mommy ni jaki

" late nako mommy may exams pa pala ako " sagot ni jaki galing sa di kalayuan sa kanilang hapag kainan.

" nako sa susunod agahan ang gising ikaw talaga" tugon ng mommy niya .

Agad namang naligo si jaki at nagbihis.

Nakajogging pants siya ngayun ng gray at yellow na shirts sabay suot ng sumbrerong may tatak na #28 at sunglasses.At ng matapos agad na bumaba

" mommy punta nako " pagpapaalam ni jaki

" ang ganda naman ng anak ko" pagpuri ni Mommy Che sa anak

" maliit na bagay mommy sige bye na my " tugon naman ni jaki sabay halik sa pisngi sa mommy.

------

Ilang oras ang lumipas narating na din ni jaki ang gym kung san sila karaniwang nagpapractice.

Sarado pa ito pano ba naman 8:00 palang ng umaga.

" ay hala sarado pa "

" bunsoy?" tawag ng isang boses sa likuran niya.

" oh? vice! " agad na sagot ni jaki sa pagkabigla

" ang aga mo rin?" Dagdag ni jaki

" bunsoy do i need to answer pa?" sarkastikong tugon ni vice na nangingilid ang ngiti

" ay wag na nga pilosopo nito" sagot ni jaki sabay irap nito kay vice.

" nako yang mata mo ha! Wag kasi magtatanong kung alam na ang isasagot "

" wampake vice WAMPAKE " naiiritang tugon ni jaki

" ay hala nagtampo siya hoy aga aga High Blood agad sorry na Bunsoy"

" sorry na Jowa ko " dagdag ni vice na pangiti ngiti

" jowa muka mo! MVP na Pilosopo wag mo ko kakausapin ha" tugon ni jaki sabay layo kay vice .

Agad namang lumapit si Vice sa kanya.

" aga aga nagpapainit ka " sambit ni vice .

Di na muling sumagot si jaki at sabay tumalikod kay vice agad naman humarap si vice kay jaki

" bunsoy ! hoy! What do you want? " sambit ni vice na di pa din sinagot ni jaki at tumalikod uli

" hoy! You want coffee?" Tinalikuran pa rin yun ni jaki

" geh talikuran mo ko gaga ka ha! Di ka madala sa santong dalasan santong paspasan tayo " sambit ni vice sabay nun ang pagyakap niya sa dalaga paharap sa kanya

DESTINY'S PLAY ( VICEJACK💑)Where stories live. Discover now