Chapter 9 - Unknown Number

67 10 1
                                    

Inabot ko ang laptop na nasa gilid lang ng mesa. I insert the flash drive. I clicked the folder I saw. It is named, "bombing incident." I saw 30 videos compiled in it.

Inilagay ko ang laptop sa pagitan namin, bandang gilid upang mapanood namin itong pareho nang hindi na kailangang lumipat pa ng upuan. But before watching it, kailangan ko muna ng journal baka sakaling may mga detalye ritong dapat kong isulat. I think I still have an extra journal on my drawer. I checked at meron nga! It is a pocket sized journal and is color maroon with a ballpen in it.

We started watching it. But I fast forward it immediately. I close the video then open another one.  Tapos fast forward and then I close it again.

"Bro, ano'ng ginagawa mo?" nalilitong tanong ni Rob.

Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko lang 'yung ginagawa ko.

"Paano naman natin maiintindihan 'yung CCTV kung ganyan ka naman manood!" dagdag pa niya.

Itinigil ko ang aking ginagawa saka siya tinignan.

"Hindi talaga natin 'to maiintindihan kahit panoorin pa natin ito ngayon nang buo dahil wala pa tayong detalye sa pagsabog. This CCTV is meant to support an argument. For evidence purposes. Mahirap mag-imbestiga nang CCTV lang ang basehan. At saka kung papanoorin natin 'to nang buo, aabutin tayo ng siyam-siyam. Ang ha-haba kaya."

Napa-kamot siya ng ulo!

"Eh bakit pa tayo--"

"Bakit pa tayo nanonood? May sinabi kasi si Tito Adolf—"

"Tito mo na siya?" Naninibago niyang tanong.

Hindi ko ito pinansin.

"May lalaki raw sa copy na kahina-hinala ang kilos pero hindi masyadong malinaw ang itsura. 'Yan ang hinahanap ko."

"Okay gets!"

Nagpatuloy ako sa pagkalkal sa copy nun. Kung kahina-hinala, it's possible that he's anywhere in the video before the explosion where CCTVs are still working properly.

Mayamaya pa ay may na-open akong video. It's a door and stairs at its back. Malakas ang kutob kong dito posible ang tinutukoy ni Tito because if I'm not mistaken, it's a fire exit.

Walang masyadong gumagamit dito as what I can observe in the CCTV. Hanggang sa ifa-fast forward ko na dapat nang biglang may lumabas na lalaki. He's wearing a businessman's suit and shades and he's carrying an attachè case. The CCTV I think is placed on the left side part of the door near the stairs kaya't medyo malayo at side view lang ang nakukuha sa kaniya.

Nagpalinga-linga siya na tila ba chini-check kung may naka-tingin sa kaniya. Tila hindi niya napansin ang CCTV dahil hindi naman siya napa-tingin dito ngunit bigla siyang tumalikod dito kaya hindi na namin makita ang itsura niya.

"Parang kahina-hinala 'yan!" Sambit ni Rob.

"Mukhang ito na 'yung sinasabi ni Mr. Adolf."

Mayroon siyang inilabas na cellphone mula sa kaniyang under pocket. Using his left hand, sinagot niya ito. Muling nakukuha ang sideview niya ngunit hindi na masyadong makita ang mukha niya dahil sa cellphone.

Nakita kong tumango-tango siya. Saka niya ibinaba ang phone. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa pinto at sinubukan niyang pumasok dito pero hindi na niya mabuksan. Dahil dito, umalis na lang siya gamit ang downstair.

Nga naman kasi, sa fire exit, usually, nabubuksan lang yan pag galing ka sa loob. Paglabas, nag-a-automatic lock ito.

And then, I was about to close it nang pigilan ako ni Rob.

"Hindi pa tapos ang video. Baka may makuha pa tayong detalye," sambit niya.

Baka nga! Kaya hindi ko muna isinara.

At mayamaya pa'y tila nagalaw ang CCTV. Hula ko, naganap na ang pagsabog. Agad kong tinignan sa screen ang oras para ma-i-note ko ito.

Naghintay pa kami kung ano ang susunod na mangyayari. May mga tumakbong palabas ng fire exit. Unahan sila sa paglabas. Kaniya-kaniya na sila sa oras na 'yun. Mayroon ding client na may karga-kargang bata at halos maihampas pa sila sa may pader dahil sa pagtutulakan.

Walang awa ang may gawa sa pagsabog. Mananagot talaga 'yun dahil pinapahamak niya ang mga taong inosente.

Napa-hinga ako ng malalim para i-relax ang sarili ko.

"Grabe! Kawawa sila," sambit ni Rob.

"Sinabi mo pa!" Pagsang-ayon ko.

Isinulat ko sa journal ang kahina-hinalang taong 'yun. Inilarawan ko ito ngunit sa gitna ng pagsusulat ko, napa-tigil ako bigla.

Parang...

Parang pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na 'to.

Sinubukan kong paganahin ang memorya ko.

Sa'n ko na ba kasi siya nakita?

Napa-pikit ako para alalahanin kung saan ko siya nakita.

Sigurado ako, nakita ko na siya.

Minsan pa, sinubukan ko itong alalahanin.

Napa-kuyom ako nang hindi ko ito maalala. Nakaka-inis! Tsk!

Samantala, si Rob, muli niyang pinanood ang video.

Mayamaya pa ay tumunog ang aking phone. Isang unknown number ang tumatawag.

Nagdawalang isip ako kung sasagutin ko. Pero sa huli, sinagot ko na.

"Welch, how may I help you?"

"Hello Mister....Mareuz Welch?"

Isang boses ng lalaki ang aking narinig.

"Yes!"

"Hector Mendez, Mr. Stevenson's assistant!"

Bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Tito kanina where he mentioned to send his assistant.

"Hector," pag-uulit ko.

"Mr. Stevenson ordered to give you the full details of the incident. May I ask for your availability sir so I can meet you?"

I took a deep breath. Naisip ko lang...parang masyado kaming pormal mag-usap.

"I am available all the time."

"Can I meet you very soon sir?"

"Pwede tayong magkita bukas."

"Okay, thank you sir."

We talked about what time and where. After that, we dropped the subject.

"Wala naman akong naintindihan sa video," sambit ni Rob in frustration.

"Wala ka talagang maiintindihan diyan. Like what I said earlier, hindi mo 'yan maiintindihan dahil wala pa tayong full details sa nangyari."

"Kung ganoon, pa'no natin sisimulan?"

"Bukas!"

Behind The AlibiWhere stories live. Discover now