When Myra Fell In Love - Part 16

5.1K 187 2
                                    


"MAY LAKAD ka?" takang tanong ng mommy ni Myra nang buksan nito ang pinto ng kuwarto niya at makita siyang nakapostura na at pinapasadahan na lamang ang sarili ng tingin sa full length mirror sa kuwarto niya.

Nilingon niya ito. "Yes mommy. Medyo gagabihin ho ako ng uwi ha," paalam niya rito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Makikipagdate ka." It was a statement rather than a question. Napatigil tuloy siyang muli sa ginagawa at napaharap dito. "Ngayon mo lang isinuot iyang contact lenses na niregalo ko sa iyo noong nakaraang buwan pa. At hindi ka nagpapaganda ng ganiyan."

Alanganin siyang ngumiti. "Yes mommy," sagot niya. Noon naman tumunog ang doorbell nila. Siguradong si Robin na iyon. Kinuha na niya ang bag niya at lumapit sa kinaroroonan ng mommy niya. Alam niya na kung may naririnig man ito tungkol sa lalaking nagugustuhan niya at mayroon man itong prejudices tungkol kay Robin dahil may anak ito at sigurado siyang mawawala iyon kapag nakilala na ito ng mommy niya. Lalo na siguro kapag nakita nito kung gaano ka cute si Nina. Katulad niya ay malambot din ang puso nito sa mga bata.

"Ipapakilala ko siya sa inyo mom," aya niya rito at nagpatiuna na sa pagbaba upang pagbuksan ng pinto si Robin. Nahigit niya ang hininga nang makita ito. Ito naman ay tila napako sa kinatatayuan habang titig na titig sa kaniya. "Rob?" untag na niya rito dahil mukhang siya ang unang nakabawi sa kanilang dalawa.

Kumurap naman ito. "Sorry. You just took my breath away. You are beautiful Myra," puri nito.

Nag-init ang mukha niya at bahagyang tumawa. "Alam mo noong una kitang nakilala hindi ko naisip na marami kang nakatagong pick up lines na ganiyan. Ang sungit sungit mo kasi at mainitin pa ang ulo mo," naiiling na komento niya.

Sumikdo ang dibdib niya nang ngumiti ito. "I just can't help it. I always feel heady when it comes to you. Believe me when I say that the people who know me will laugh at me kapag nakita nila akong ganito," sagot nito at iabot sa kaniya ang isang bungkos ng sunflower.

Natawa siya. Naniniwala siya sa sinabi nito. Inabot niya ang boquet. "Thank you." Kahit natuwa siya sa ibinigay nito ay tiningala pa rin niya ito at tinanong kung bakit sunflower ang ibinigay nito sa kaniya.

Nagkibit balikat ito at bahagyang ngumiti. "Nang magpunta ako sa flowershop kanina naagaw niyang ang atensyon ko. Noon una hindi ko alam kung bakit. Pero bigla kong narealize that sunflowers remind me of you."

Napangiti siya. Hindi na niya kailangan pang tanungin ito kung bakit. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay nabasa na niya roon ang rason nito kung bakit naalala siya nito sa sunflower. "Teka, pasok ka muna, ipapakilala kita kay mommy okay lang?" aniya rito.

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Of course it's okay. I mean, I believe I should meet her," sagot nito at pumasok na.

Tiyempo namang bumaba na rin ang mommy niya. Ngumiti ito nang makita si Robin pero napansin niyang iba iyon sa madalas na ngiting ibinibigay nito sa ibang tao. Civil lang kumbaga. Ayaw ba talaga nito kay Robin?

Tumikhim siya at pilit inalis sa isip ang alalahaning iyon at pormal na ipinakilala ang mga ito sa isa't isa. Saglit na nagkamay ang mga ito at nagpalitan ng mga salita bago siya na ang mismong nagsabing umalis na sila. Baka kasi pag nagtagal pa sila roon ay mapansin na ni Robin ang masyadong kapormalan ng mommy niya rito. Although tingin niya ay ang mga gaya lamang niyang nakakakilala talaga sa mommy niya ang makakapansin niyon ay mabuti ng nakakasiguro. Ayaw niyang isipin ni Robin na hindi ito gusto ng mommy niya. Kahit pa sabihing may posibilidad na totoo iyon ay ayaw pa rin niyang malaman iyon ni Robin. Mahal niya ito. So she doesn't want someone close to her to hurt him in any way.

TAKANG napatingin si Myra kay Robin nang ihimpil nito ang kotse nito sa garahe ng bahay nito. "We're here," sabi pa nito.

Natawa siya. "May pasecret secret ka pang nalalaman dito naman pala tayo pupunta."

Tumingin ito sa kaniya at amused na ngumiti. "Are you disappointed?"

Umiling siya habang natatawa pa rin. "Hindi no. Maganda nga ito makakasama natin si Nina," sabi niyang binuksan na ang pinto sa side niya.

"Wala si Nina," anitong nagpahinto sa akmang pagbaba niya sa sasakyan.

Napalingon siya rito. May kakaibang ngiti sa mga labi nito. Bumilis ang tibok ng puso niya. "Nasaan?"

"Pinabantayan ko muna kay Arnel. Susunduin ko na lang doon bukas," sagot nito at tumitig sa kaniya. "We are alone." Nag-init ang mukha niya sa mababang tinig na ginamit nito. Mukhang nahulaan nito ang nangyari sa kaniya dahil bahagya itong tumawa at pinisil ang pisngi niya. "Relax," sabi nito bago tuluyang bumaba ng kotse. Sumunod naman siya.

Nang makalapit ito sa kaniya ay hinawakan nito ang kamay niya. "I want to show you somewhere," anitong hinatak siya. Himbis na tumungo sila sa direksyon ng front door ng bahay nito ay niligid siya nito sa may bandang garahe kung saan may bahagyang makipot na daan na nabububungan ng mga gumagapang na halaman.

Nang makalabas sila doon ay inalalayan naman siya nito para umakyat sa hagdang semento. Sa dulo niyon ay may isang pinto. Saglit siya nitong tiningan at nginitian bago nito binuksan iyon. Pagkatapos ay marahan siya nitong inalalayan papasok sa loob.

Napasinghap siya ng makita niya ang loob niyon. Mukha iyong isang napakagandang secret garden. The room was huge with a cozy atmosphere. Lahat ng bagay na naroon ay kahoy. Ang mga posteng kahoy rin ay napupuluputan ng gumagapang na halaman na halatang alaga. Ang mga ilaw ay nanggagaling sa bakal na hugis post lamp. Sa isang panig ay may floor to ceiling bookshelf. Malapit doon ay may malaking couch.

Sa gitna ay may lamesang nakaayos na para sa isang dinner. May bote pa ng wine doon. At ang pinakanakapagpamangha sa kaniya ay nang tumingala siya at makitang salamin ang bubong ng silid na iyon. Nakikita niya ang madilim na kalangitan na may mangilan ngilang bituin.

"Wow," tanging nasabi niya sa pagkamangha.

"I'm glad you like it. This is my personal paradise," sabi ni Robin na ikinalingon niya. Malawak ang pagkakangiti nito. "Ah, inilagay ko lang ang lamesa at upuang iyan dito kanina though. Wala talaga iyan dito. This is the place where I relax," sabi nito. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa siko at inakay patungo sa lamesa. Ito pa ang humatak ng silyang inupuan niya. Pagkatapos ay umupo ito sa katapat niyang upuan.

Nang magtama ang mga mata nila ay hindi niya naiwasang mapangiti. "May romance ka pala sa katawan," biro niya rito.

Tumawa ito. "Stop teasing me already and eat."

"Don't tell me ikaw rin ang nagluto? Pakakasalan na kita," biro niya ulit.

Natigilan ito at napatitig ito sa kaniya. Bahagya siyang nagsisi sa nabulalas niya nang makita niya ang pagkislap ng kung ano sa mga mata nito. Baka mamaya isipin nito na nag-aassume na siya na doon sila mauuwi. Baka mapressure ito at seryosohin ang sinabi niya. Sasabihin na sana niyang joke lang iyon nang magsalita ito.

"I should have known. Inorder ko lang itong mga ito. Kung alam ko lang dapat nagluto na lang ako. Hindi nga lang magiging kasing sarap nito," sabi nito.

Natawa siya. "Sige mas okay na itong masarap," sagot niya. Lihim siyang narelieve na sinakyan nito ang biro niya. Kung hindi ay hindi niya alam ang gagawin niya.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesWhere stories live. Discover now