Chapter 2

71 2 0
                                    

Hailey's Point of View

Hindi maipaliwanag ang kaniyang bilis. Halos hindi ko na siya makita dahil sa kaniyang bilis. Nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang tumigil. Nang pagkalingon ko sa likod ko, nakatikim ako ng isang napakalakas na suntok at ako ay natumba.

"Give up now. O gusto mo nang matapos ang buhay mo." seryoso niyang sabi.

Pinilit kong tumayo ngunit tinapakan niya lang ako at kumuha na ng patalim. Sinubukan kong lumaban pero hindi ako makatayo dahil sa lakas ng suntok at tapak na ginawa niya sa akin. Mapababae ,mapalalake...Mapabata mapamatanda. Wala siyang pinipili. Oo nga pala, nasa mundo kami ng kamatayan. Walang pinipili ang kamatayan. Siguro hanggang dito nalang ako. Nilingon ko ang gilid ko na tila may nanonood sa akin sa kalayuan. Napagtanto ko na si head Vyxel iyon. I saw it in your eyes. You are strong, brave. Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni head sa akin. Pinipilit kong tumayo habang dahan dahang lumalapit sa akin si Yeuro. Nang kami ay magkaharap na, ginantihan ko siya nang mala demonyong tingin. Wala naman siyang naging reaksiyon.

"What's going on with you?" cold na sabi niya.

"I'm stronger than you." halata na ang takot niya sa kaniyang mata.

"Take this!" aktong sasaksakin na niya ako nang hinawakan ko ang kaniyang patalim. Patuloy na ngayon ang pagbuhos ng dugo sa aking kamay. Ngumisi ako at ginantihan ko siya ng suntok gamit ang kaliwa kong kamay. Tulad ng ginawa niya ay may lumabas din na dugo sa kaniyang bibig ngunit hindi iyon sapat para mapatumba ko siya.

"Do you think you can defeat me with just one weak punch?" seryoso pa rin siya at bigla nanaman niya akong inatake nang mabilis at nabasag niya ang labi ko. Kinuha ko na ang patalim ko at tinago ko ito sa aking likod upang sa paglapit niya ay patatamaan ko na siya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at nadaplisan ko lang ang kaniyang kaliwang braso. Bigla niya naman akong sinuntok sa tiyan at hindi ko na nakayanang tumayo pa. Dinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko. "Kill her! Kill her!" paulit ulit nilang sigaw. Nanlalabo na rin ang aking paningin at nakita kong nasa harap ko na siya na may hawak na patalim. Sasaksakin na niya sa ako nang bigla siyang tumigil. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa naramdaman ko na na tumutulo na pala ang aking mga luha. Bigla nalang nagdilim ang lahat.

Nang ako ay nagising na, nasa secret base na ako. Una kong nakita si head na nakasandal sa upuan na nakapikit. Sinubukan kong tumayo ngunit iminulagat na niya ang mata niya. "Don't push yourself." sabi niya.

"What's going on?" tanong ko.

"You are still not fine."

"Ye.....Y-euro!"

"What?!" naguguluhang tanong ni head.

"Saan na siya? Kailangam ko siya. Kilangan natin siya!" sabi ko.

"What?! Eh siya nga ang dahilan kung bakit ganiyan ang kalagayan mo eh." nakakunot noong sabi niya.

"I need to go. Thanks for caring me head." sabi ko at nagmamadaling umalis na.

*kinaumagahan*

Nagmamadali akong pumunta sa school. Kailangan kong makausap si Yeuro.

"Yeuro!" sigaw ko nang makarating na ako. Nagsitinginan naman silang lahat sa akin. "Where is Yeuro!"

Legal Kill: Life is like a Game (Completed)Where stories live. Discover now