RAIN OF PASSION CHAPTER 5

3.4K 149 10
                                    

Nakahanda ang ngiti ng lalaki pero bigla ring may nag-register na kalituhan sa mukha nito pagkakita sa kanya. Agad din itong nakabawi kung kaya't parang na-imagine lang ang nakitang expression nito.

"Ms. Marasigan?"

Sandaling hindi namalayan ni Lyka na siya na pala ang tinutukoy ng lalaki.

Lyka. Ako si Lyka. Gusto niyang isigaw rito pero walang boses na lumabas mula sa lalamunan niya.  Parang nawalan siya ng kakayahang makapagsalita.

"Okay ka lang ba?" Tanong ng lalaki sa kanya. Marahil ay nag-aalala dahil maging siya ay ramdam ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha.Napahawak pa siya sa gilid ng sofa dahil sa pagkahilo.

"Buhay ka," sa wakas ay naibulong niya.

Kumunot ng bahagya ang lalaking kaharap pero agad ding ngumiti. An apparent sense of humor crossed his handsome face. "Well, yes, last I checked buhay pa naman," sabi nito.

"What?- Oh.. I- " 

Hindi smakapaniwala si Lyka na kaya pang magbiro ni Jordan. Samantalang pumipigil sa kanya para tumakbo rito at yakapin ng mahigpit ay ang pangiginig ng kanyang mga tuhod. Kung hindi niya kinkontrol ang sarili ay baka tuluyan na siyang nawaalan ng malay.

"Rain? Okay ka lang ba?" Ulit nito na parang nawe-weird-an sa kanya.

Bakit mo ako tinatawag na Rain? Hindi mo ba ako nakikilala? 

 Na-realize niya lang na itinanong niya ng malakas ang iniisip dahil sa sagot nito.

"Kilala kita. Janine told me everything about you. You are Rain Marasigan, right? And you are our security expert/consultant. I am glad you are here. You see, isa sa pinaka-importanteng i-o-offer ng isla ay ang pagiging private and secured nito. We don't want any untoward incidences happening to our clients that will violate their privacy or trust."

She was  not sure what kind of game he was playin.  Matapos ang  lahat ng pinagdaanan niya, para umarte ang lalaki ng ganito... na parang hindi siya kilala?  Masyado bang nag-iba ang hitsura niya kung kaya't di siya nito nakilala? Pero anong ibig sabihin ng kalituhan sa mukha nito kanina? She felt it was a sense of recognition.

As an agent in FED, binigyan sila ng make-over at tinuruan silang magbago-bago ng hitsura pero hindi siya naniniwalang ganoon kalaki ang pagbabago niya para hindi siya makilala ng isang taong kasinglapit sa kanya ng tulad ni Jordan.

"Jordan, please. Hindi ko ito naiintindihan. Nawala ka ng matagal. Lahat kami nag-isip na ptay ko na. Narito ka lang ba all these time?"

Tinitigan siya ni Jordan. Tumigas ang expressiom sa mukha nito. "I'm sorry. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

Daig pa niya ang sinampal sa narinig na patuloy na pagtanggi nito na kilalanin siya. Sabagay bakit nga naman? Maybe he had found a new and better life. He had a rich wife who was giving him everything he dreamt of. Anong mapapala nito sa pag-acknowledge sa kanya?

Nawala bigla ang unang silkbo ng damdamin niya na dala ng pananabik kay Jordan. The truth suddenly confronted her.  Kung nandito at buhay si Jordan ay isa lang ang ibig sabihin noon - iniwanan siya nito. Siya at ang kanilang anak!  Sa riyalisasyong iyon, parang sinusunog ng galit ang kanyang dibdib . Anger seemed to consume her  her whole being. Ito ba ang lalaking halos sambahin niya ang larawan araw-araw? 

She was not going to give him the benefit of knowing how much he had hurt her. Huminga siya ng malalim. She was trained for extreme situations.  Kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin – ang takot, pangamba, galit, sakit ng dibdib, pare-pareho lamang emosyon ang mga iyon na kung hindi kinakailangan ay dapat at trained siyan isantabi para sa integridad ng isang misyon.

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now