"San ba tayo pupunta ma?"Tanong ko kay Mama na kanina pa naglalakad dito sa gubat,Napapagod na rin ako lalo 'nat napakabigat ng mga dala ko
"Sa bago mong school kung saan nararapat ka"Hindi ko na lang pinansin si Mama bagkus ay sumunod ako sa kanya,Halos isa't kalahati na kaming naglalakad
Sa pinaka-dulo ng kagubatan ay may natanaw akong liwanag.Ang weird dahil gabi naman na pero may liwanag sa kagubatan
"Alam mo 'naman siguro ang mga tungkol sa dalawang school na kinwento ko sa iyo.Ang dalawang school na full of magic"I know right alam ko na yan,Hindi kami isang ordinaryong tao,Dahil may kapangyarihan kami hindi gaya ng ordinaryong tao
May kakayahan akong patalsikin lahat ng tao,bagay,hayop or everything by looking
Like kunwari tititigan kita tapos bigla ka na lang tatalsik like that.Ewan ko lang kay Mama kung ano ang power nya
Tumigil kami sa paglalakad nung nasa tapat na namin ang ilaw na natanaw namin sa pinakadulo ng gubat
May isang gate dun na ubod ng laki at ubod ng haba sa pinakatuktok neto may nakalagay na "DWINAGA ACADEMY"
Kulay gold ang kulay ng gate pati na rin ang mga letrang nasa tuktok nito.Bigla na lamang bumukas ang malaking gate ewan ko kung sino ang nagbukas neto at kung ano ang nagpabukas ng malaking gate na 'to
Lumakad kami sa loob.Napawow ako sa laki neto,Sa pinakasentro ng school ay nandun ang apat na istatwa.
Para silang mga estatwa ng mga hokage dun sa naruto pero dito sa Dwinaga Academy ay buo ang kanilang estatwa as in pati katawan
Yung unang una ay lalaking may hawak na espada sa tagiliran nito at kalbo ito maangas ang mukha nya pati na rin ang suot neto,Seryoso ang mga mukha neto at walang bahid na makikitang emosyon
Yung pangalawa naman ay lalaking nakaform yung kamay na parang may hawak na malaking bato tapos parang gigil na gigil ang mukha nya.Magulo ang buhok neto na katulad na katulad kay Jiraiya sa naruto.Kaso kulay green ang buhok neto
Yung pangatlong estatwa naman ay isang batang lalaki na parang nasa 10years old lang.PangJose rizal ang buhok neto tapos kulay black ang buhok nya plus nakastraight lang yung kamay nya na nakalagay sa dalawang gilid ng kanyang bewang
Yung pangapat na estatwa naman ay lalaking nakangiti na labas ang ngipin tapos nakapeace sign,Gulo gulo ang buhok neto at kulay black ang ilong nya
"Anak maiiwan na kita dito"Natigilan ako sa sinabi ni mama.Nakingiti sya ng sinabi nya yan at niyakap nya ko saba'y nun ang pagiging pira-piraso ng mga katawan nya na nagiging papel at biglang nawala ang yakap nya
"Tara dalhin kita sa Shonouga Office,humawak ka lang sa balikat ko"May biglang lumitaw na matandang lalaki na sa tingin ko sya ang naggu-guide dito sa paaralan at nagdadala sa namumuno dito
Shonouga-Tawag sa namumuno sa Dwinaga Academy
Sa tingin ko din teleportation ang kapangyarihan nya.Humawak na ako sa balikat nya at napunta na kami sa labas ng office na may name sa taas ng pinto na nakasulat ay "SHONOUGA OFFICE"
"Ako nga pala si Sir.Avende,Isang teacher dito at isa ding naggu-guide sa mga baguhan dito sa school"Sabi ni Sir.Avende bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan
Mga 8:00 na din kaya madilim na ang paligid,Agad naman binuksan ng Secretary yung pinto
"She is the new student here"Sabi ni Sir.Avende,Nakita ko naman yung lalaking nakaupo dun sa table,Sya yung pangapat na estatwa dun sa sentro ng school
"Come here,You can now leave Mr.Avende"Sabi nung lalaking nakaupo sa table.Bigla namang nawala sa tabi ko si Sir.Avende
Naglakad naman ako at umupo dun sa gilid ng tapat nung table na lalaking nakaupo,Yung upuan nung lalaki mahaba parang mas lampas sa ulo nya ng mga 10 beses tapos may nakasulat sa upuan nya na "SHONOGUA",Kulay puti din ang upuan neto
Pogi yung lalaki at maputi medyo may katangkaran,"I'am Sato,The fourth Shonogua"Pagkakakilala ni Sir.Sato sa sarili nya
"Liya Dela Santos"Sagot ko at ngumiti ng pilit.
May binigay na papel si Sir.Sato sa akin at sabi nya sagutan ko daw,Tinignan ko ito at nakalimutan ni Sir.Sato bigyan ako ng ballpen kaya nanghiram naman ako ng ballpen sa kanya
Hanggang ngayon ay bitbit ko pa din ang maleta ko at ang bag ko na punong-puno ng mga gamit ko dito sa loob ng Dwinaga Academy.
NAME;
JUINDEW;
TEAM;
DORM;
SECTION;
RANK;Biglang may kusang nagsulat sa Team,Dorm,Section,at Rank kaya no choice ako kung sagutin yung name at Juindew
Juindew-Ibigsabihin ng salitang to ay 'nickname',Sa Dwinaga Academy ay bawal malaman ng mga kasamahan mo ang tunay mong pangalan except sa mga Guro at mga nagtataasang posisyon
"NAME;Liya Dela Santos"Nakalagay namang name alangan namang age ang ilagay ko,Diba diba diba?
"JUINDEW;AKI "Pumasok lang sa isip ko ang Aki,Mas okay na yung tatlo o apat na letra ng juindew
"TEAM;TEAM CHAE(1)"Ano kaya yung 1?At sya ka sino-sino kaya ang mga members dito?Sana naman mababait yung mga members dito hihihi
"DORM;DWI BUILDING,ROOM 45"Girls lang ba ang kasama ko?O mayroon ding lalaki?
"SECTION;SECTION LIL TARA"Ilan kaya kami dito?Sana madami kami para masaya
"RANK;STRONGEST RANK"Uy strongest daw,Grabe ang taas na ng rank ko ngayon hehehe
Agad kong inabot ang papel kay Sir.Sato,Inabot nya sa akin ang susi ng dorm ko.Umalis na ako sa office ni Sir.Sato at tinignan ang nakaukit na letra at numero sa susi na binigay sa akin ni Sir.Sato
Dwi Building & Room 45. Pumunta ako sa Dwi Building.Medyo naligaw pa ako pero nakadating naman ako ng safe
Nasa harapan ko 'na ang pinto ng dorm ko at may bumukas dun sa pintuan, isang babae ang nakita kong nasa harapan ko
"Ikaw ba yung new student dito?Tara tuloy ka at welcome pala dito sa dorm natin pati na rin sa school,Btw i'm Yumi "Sabi ni Yumi at pinatuloy nya ako
Pinakain nya muna ako at niligpit ko ang mga gamit ko,Double deck ang higaan namin pero malaki ang kama
Sabi nya sya na lang daw sa baba,Kaya ako na lang sa taas.Kulay red ang higaan nya habang sa akin ay kulay royal blue
Umakyat na ako sa kama ko at pumikit,Hindi bago sa akin ang mga salita dito at mga bagay-bagay dito dahil kwinento na sa akin 'to ni Mama
Naalala ko tuloy si Mama.I miss you mama kung nasan ka man ay sana ay maging ligtas ka
3rd person 'POV
Habang mahimbing na natutulog si Aki at Yumi ay may biglang babaeng sumilip sa bintana ni Yumi at nakangiti ito dahil ani mo ay kilalang kilala nya si Aki plus parang ngayon nya lang ito nakita
"Sleep like a Princess,But your not my princess you are my queen"Sambit nito at ngumiti ng napakalalim
_______________________________________________________________________________
-AUTHOR-
SLOW UPDATE ANG STORY NA ITO I HOPE YOUR UNDERSTAND :) DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT KINDLY FOLLOW NYO NA RIN AKO LOVELOTSS
YOU ARE READING
Dwinaga Academy(Book1 of part1) #ConquerAwards2018
FantasyAng Dwinaga Academy ay isa sa mga paaralan kung saan andito ang mga taong kakaiba at hindi ordinaryong tao. What if?kung malaman mong ikaw ang anak ng nagiisang panginoon ng dalawang paaralan? Matutuwa ka 'ba o magsisi dahil mapapahamak ang iyon buh...