Chapter 19 (edited)

40K 919 48
                                    

Min's POV

Seattle

Kailangan kong magmadali at kailangan kong bilisan ang kilos ko at sanay naman na ako since ganito ako palagi noon. Busy ako dito sa kusina para ipaghahanda ko ng agahan ang mga kasama ko na kasalukuyang naglalaro sa labas ng bahay kasama ang ilang mga bata ng mga kapitbahay.. Halatang miss na miss na nila si MJ dahil ayaw nilang tantanan si MJ sa kakalaro mula pa kagabi pero kailangan pang magpahinga ng bata dahil sa mahabang byahe..

Paano nga ba nakasama ang mama na nasa labas? I mean si Kevin?

Flashback

"mommy can I come with you?" tanong ng anak ko habang hinanda ko ang mga gamit ko para sa flight ko bukas.

"not for now, MJ. Daddy's here with you, anyway I can always videocall you, you know. It's just for a week or two boy Next time na lang ha?."

Kasalukuyan itong nanonood ng Carton Network nang bumukas ang pintuan at bumungad si Kevin. Galit itong nakatitig sa mga bag ko at hindi ito nagsalita na lumapit sa bata.

"MJ will be left behind? Oh may iiwan ng mommy? You're not gonna cry, are you?" tukso nito sa bata kaya inirapan ko siya at hindi nga ako nagkamali dahil pumalahaw ng iyak ang bata sa harap ng tv.

"Kevin naman eh. Parang isip bata nito. Bahala ka jan."

"I am just asking you little man." tumayo ito at niyakap si MJ and hushing him. "...and kidding."

"I wanna come." iyak nito at mahigpit na yumakap sa leeg ng ama nito.

"you wanna come?" tanong nito at tumango naman ang sagot nito.

"Okay then."

"for real?" biglang nagliwanag ang mukha nito at ngumiti...

"Don't raise his hope, Kev."

"Of course. Sasama tayo ni mommy. Pero hindi tayo sasabay sa kanya, susunod lang tayo okay lang ba?"

"okay. Lola's going too?"

"uh-oh. Dito lang si lola."

"okay then... MJ's gonna come mommy. I love you daddy."

"love you too boy." at binitawan nito ang bata at lumapit siya sa akin.

"we're coming." napaangat ang tingin ko sa kanya at kumindat lang ito.

"you're not!"

"yes way. I will find my way for that."

"May trabaho ka pa Kevin."

"I said, hahanap pa ako ng paraan sweetheart." sabi naman niya at naramdaman ng pisngi ko ang sobrang init kaya kaagad akong yumuko at kunwaring may hinahanap. Kahit ganyan si Kevin ay hindi ko naman talaga maiwasan ang kiligin sa kanya. Ang titigan lang ako ay para na akong plastic na unti-unting natutunaw sa titig niya. Pakens naman uh.

"Bahala ka. Basta huwag mong paasahin ang bata bukas."

"Anong oras ang flight mo bukas?" tanong nito habang hinubad ang suot nito kaya umiwas ako ng tingin dahil bigla na lang itong humarap sa akin at kumindat.

Baby Maker WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon