CHAPTER ELEVEN

9.4K 229 46
                                    


I'M GIVING UP ON YOU


"NARINIG kong parang may kausap ka," agad na tanong ni Robin pagkalabas ng banyo. He was half naked, just wearing a white cotton drawstring short. Hindi agad nakasagot si Maricar dahil  natuon ang tingin nito  sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, partikular sa crotch area.

"Oh, my! What a sight!"bulalas ni Maricar sabay  pilyang ngumiti  na may kasamang pagkagat sa labi.  

Napailing si Robin. "Here you go again..."

"Ikaw naman kasi. Sa resort pa lang, nang-a-ano ka na..."

Nagseryoso siya ng mukha. "You can go home now,  Marz."

Umingos ang dalaga. "Ang sama mo! Pauuwiin mo na  agad ako matapos kitang ipag-drive mula Tanay hanggang dito. Nakakapagod kayang mag-drive. Can you let me stay for a bit? Sa resort nga, hinayaan kitang mapag-isa. Kahit gusto kong laging nasa tabi mo pero dahil nga gusto mong makapag-isip-isip kaya, I keep my distance. Masaya na ako na hindi mo hiniling na iwanan kita. Tapos ngayon gusto mo, umuwi na ako. Agad agad."

Nakonsiyensiya naman si Robin.  Ang totoo ay may  dapat nga siyang ipagpasalamat kay Maricar dahil hindi nakarating sa Tanay ang kanyang driver dahil isinugod sa ospital ang misis nito.  Nagprisenta si Rusty na ipagda-drive sana  siya ngunit last minute ay tumawag ang sekretarya nito  dahil sa  aberyang may kinalaman sa pagtatayo ng mga tiyangge sa bayan ng Pagsanjan. Napapayag siya ni Maricar na ito na ang magmamaneho komo sarili nitong kotse ang gagamitin. Ang kanyang kotse ay naiwan sa resort. Ipapakuha na lang niya iyon sa kanyang driver  o kaya hahayaan na muna niyang nasa resort.

Alam niyang kaskasero ring driver si Maricar. Subalit kanina ay  naging  maingat ito sa pagmamaneho. Kaya naman kahit tahimik  si Robin sa buong durasyon ng biyahe nila mula sa Tanay hanggang sa Sta. Mesa,  kahit paano ay nalibang siya sa pakikinig sa kuwento ng dalaga.

"Narinig kong may kausap ka," sabi ni Robin sa kawalan ng masasabi.

"Kausap? Ah, oo! Tumawag 'yong friend ko, may tinanong lang," habang sinasabi iyon ay titig na titig  pa rin si Maricar kay Robin. "Ang tagal mong mag-shower. Kunsabagay, habit mo na 'yan noon pa. Kapag nagho-hotel nga tayo n'on, nakakatulog na ako sa paghihintay na matapos ka. Nagigising na lang ako, may ginagawa ka na sa akin." Humagikgik ito.

Natigilan si Robin, nakaramdam ng pagkaasiwa. Kahit naalala niya ang mga sandaling magkasama sila ni Maricar ay kung bakit nagbibigay sa kanya nang hindi maipaliwanag na pakiramdam.  Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya  sa kanyang sitwasyon.  Nangangapa.   Totoong natuwa siya nang makita si Maricar. Ngunit nakaramdam din siya ng frustration nang malamang umalis si Geneva. Tinatawagan niya ito para pabalikin. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ura-uradang iniwan siya ni Geneva? Kung bakit hindi ito nagpaalam nang maayos sa kanya, at  tanging sa kanyang mommy lang nagsabi. At ang naging sagot  ni Geneva ay kailangan na raw nitong bumalik sa trabaho. Higit sa lahat ay gusto na nitong bumalik sa dating buhay. Ibig sabihin ng dating buhay nito ay iyong hindi sila magkasama.

Naguguluhan man si Robin sa naging desisyon ni Geneva ay hinayaan na lang muna niya  ito. Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang mommy, na sinabi nga nitong hindi pa gaanong katagalan ang relasyon nila ni Geneva.  Ayon pa sa ina, nagulat  ito at ang daddy niya nang  ibang  babae ang ipakilala niya  at  ipaalam ang  planong pagsasama nila, gayonman  ay tinanggap na rin ng mga ito ang naging desisyon niya. Inakala kasi ng mga magulang niya ay sila pa rin ni Maricar. 

  Pakiramdam ni Robin  ay parang sasabog ang kanyang ulo, maging ang dibdib. Nape-pressure siyang alalahanin ang nawawalang bahagi ng kanyang memorya. Nadadalas ang atake ng matinding sakit ng kanyang ulo. Kulang na lang ay pigain niya ang kanyang utak para magproseso ng mga alaalang may kinalaman kay Geneva. Dahil ayaw niya ng pakiramdam na nagiging unfair siya sa babae. But then, he felt hopeless. Exhausted.

MR.FASTERTHANABULLET (published under PHR5511-book content only chap 1 to 9 )Where stories live. Discover now