Chapter 5

1.2K 93 13
                                    

Agad na bumitaw si Meng mula sa pagkakayakap kay Richard at bakas sa mukha ng dalaga ang sobrang hiya dahil klaro ang mamula-mula nitong pisngi.

Dagli namang dinaluhan ni Kap at iba pang mga kagawad si mamang kaya nagkasiksikan sila sa pinto ng meeting room.

Nakatakip lang ang ginang sa kanyang bibig habang sila ni Kap naman ay palinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap maliban sa dalawa na nandoon sa loob ng silid.

"Anong nangyayari? Bakit ka sumigaw?"

"Honeybeeee!!!" Tili ni mamang sa asawa niya at niyakap ang braso nito.

"Uy ano ba, honeybee. Maraming tao oh? Nakakahiya. PDA." Pabulong na saway ni Kap sa asawa.

"Eh kasi naman." Napa padyak siya ng paa. "Pagkabukas ko kasi ng pinto nakita ko si Richard at si M...—"

Dagling lumapit si Meng sa kanya at tinakpan ang bibig ng ginang. "Mamang, anong ulam niyo po? G-gutom na ako eh. Tara na po sa bahay niyo. Makikikain ako ha?" At hinila na niya ang ginang palabas sa brgy. Hall.

Napailing sabay napangiti si Richard sa naging reaksyon ng dalaga matapos siyang yakapin nito. Para kasi itong nahuli na nagnanakaw ng kung ano doon dahil bakas sa mukha nito ang pagka guilty, hiya at takot.

"Anong nangyari? Bakit sumigaw 'yon?" Tanong ni Kap sa kanya.

"Nako, wala po." Tanggi naman ni Richard. Nagulat lang siguro si mamang." Dagdag niya.

"Ah ganon ba? Akala ko pa naman kung ano na ang nagyari sa inyo dito sa loob. Kakalabas pa lang naman ng mga ka federasyon ni Paolo dito sa loob. Sila talaga ang ipa-prime sususpek ko."

"Ay grabi si Kap oh." Sabat naman ni Paolo.

Inaya na ni Kap si Richard na umuwi at sumunod naman ang binata sa kanya. Pagkadating nila sa bahay ay nasa hapag na ang dalawang babae at nagtutulungang ihain ang mga pagkain sa mesa.

"Hali na kayo! Kain na tayo, honeybee, hijo." Binigyan siya ng makahulugang tingin ng ginang.

Gusto niya tuloy matawa sa iniisip nito. Alam niya kasing nabigyan na yon ng malisya ni mamang pero parang sinabihan ni Meng ang ginang na bawal ipagsabi yung nakita niya.

Matapos nun ay naging awkward na tuloy para kay Meng na pansinin siya. Hindi na niya ito madalas nakikitang bumubisita sa bahay ng mag-asawa at kung sumasama siya sa brgy. Hall ay madalas nasa meeting room ito.

Mukhang iniiwasan na siya ng dalaga.

Lumipas ang mga araw at hindi namalayan ni Richard na tatlong linggo na pala siya doon sa lugar na 'yon. Pag weekend, binibisita siya ni Arman para balitaan sa usad ng kaso na hinaharap niya at sa pagtugis nila sa totoong salarin pero mukhang wala pa din itong pinagbago. Ganon pa din. Nagtatago pa din ang totoong may sala sa batang nabugbog at siya pa din ang idinidiin ng mga magulang, ka-anak at ng DSWD sa nangyari.

Pwede naman niya talagang harapin iyon pero ang sabi ni Arman sa kanya ay kailangan niyang magtago muna dahil may warrant of arrest na siya. Pwede na siyang ipakulong at pagnangyari iyon? Masisira ang pangalan niya sa trabaho at 'yon ang mas ikinakabahala niya. Ayaw niyang madawat at madungisan ang pangalan niya.

Samantala, sinabihan siya ni Arman na igugol nalang muna nito ang sarili sa mga bagay na nakakapagpagaan ng damdamin niya at hindi ilulong ang sarili sa problema na kinakaharap niya dahil gagawin nila Arman at ng iba pa niyang kasamahan, kasama din ang hi-nire nilang private investigator ang lahat para matugis ang totoong may sala bago pa man sumabog ang issue na umano'y ikinasangkutan niya.

Hidden LoveWhere stories live. Discover now